Kabanata 2

2110 Words
Nandito parin kami sa St. Petersburg ni Paul, naglalakad. Nag-eenjoy sa mga view dito. Magkayakap, habang eni-enjoy ang snow. Napakagandang pagkakataon na nandito kami. How romantic for the newlywed like us right? Kinikilig ako sa mga halik niya, sa mga yakap niya at mga lambing niya sa akin. "Enjoying?" ani Paul. Sa mga halik niya ba? "Of course!" Sagot ko na namumula na sa lamig at sa kilig, sasabog na ba ako? Wag muna ngayon. "You must be..." He kissed me once again. Natawa nalang ako. Ang addict ng asawa ko, promise. Ganito siguro ang feeling ng mga bagong kasal. 'Yon bang kayo lang dalawa sa malayong lugar, naglalambingan at walang inaalala. That's why most of the couple flies overseas to seize the first day of married life. There's no pressure from other people, only the two of you, enjoying. Buong maghapon kaming nag-ikot, nag food trip, nag langgaman ni Paul. Naiisip ko na ang future namin ngayon pa lang. Magiging masaya kaming bubuo ng pamilya. I smile to everything that I thought, I can't wait for it. Gusto ko ng maraming anak, mag aalaga ako, magiging hands on ako sa pagiging wifey sa kanya at mommy sa mga magiging anak namin. "Daydreaming again?" he went to me. Nagbibihis pa ako nang bigla niyang hinalikan ang aking balikat. It tickles me. That tickling feeling, I can't help but shut my eyes and feel it gently. He is starting with me again. Papagurin na naman ako buong gabi. Pwede pa ba ako magreklamo? Nah! Ayoko rin naman dahil gusto ko 'to. I want to feel him all the time, always. He can take me all night long. He can take me for like forever. "I was thinking...baby, a lot of babies." I amusingly said. I saw him smirked. Bumaba ang kaniyang mainit na kamay pababa sa aking tiyan. "Wala pa bang laman?" Tanong niya habang hinahaplos ito. "Ano ka ba? Dalawang araw pa lang," humalakhak ako sa sinabi niya. He wants a baby so bad. "Darating din tayo diyan, magkakaroon din tayo ng baby." Pagsisigurado ko sa kanya. "We better have one, wifey!" Seryoso niyang sabi. Pinigilan niya ang pagsusuot ko ng shorts, hinawi niya 'yon sa aking kamay at itinapon sa malayo. What a tease, husband! Hinayaan ko siya. Sabagay, sagabal lang ang mga ganiyan sa amin. O kaya, hindi na ako magsuot ng kahit ano. He was giving me small kisses his breath makes me go high. I closed my eyes, wala ng pagtatalo pa. "Bigyan mo muna ako ng isang anak, Lorraine." Sabi niya. "A child and you, that's all I need," he continued. Then, we did it again and again. Limang buwan na rin ang lumipas at hindi parin kami biniyayaan ng anak. I didn't know what to do, or even what to say to Paul. Lagi itong nagtatanong sa akin at tanging pag-iling o kaya paghihintay ang mga naibibigay kong sagot. I feel so guilty, there's something wrong with me. We always do it, twice a day? Thrice? No contraception, with balance diet and such. I did everything to be healthy. Wala parin. Inip na inip na rin si Paul sa nangyayari. Doon na nagsimula ang mga pagtatalo namin at pagiging cold na nito sa akin. Tinatanong ko rin ang doctor kung bakit. Ano ang nangyayari, bakit wala paring nabubuo sa tiyan ko. Maraming test ang ginawa sa akin. Kahit ano, para makakuha ng mga kasagutan. And then, they told me, I have a problem. I am the problem here. Binigyan din ako ng vitamins at kung anu-ano pang meds para daw mas lumakas ang chance na magkakaanak din ako. But until now nothing happens, wala parin. One day, Paul fumed mad about this issue. "What? Hindi parin sya nabubuntis? What the hell?" Sigaw nito sa doktor na nagchi-check up saakin. "Sorry Mr. Durano, base sa aming examinations at observation hindi pa kaya ni misis ang pagbubuntis. May konting problema sa kaniya, but I'm sure gagaling din siya, we will help her." Kalma nitong sabi kay Paul. Kahit sa sinabi na ng doktor ang sanhi at mga bagay na nagpapatunay na hindi ako mabubuntis sa ngayon ay hindi napawi ang galit ni Paul. Galit na galit parin ang pagmumukha nito. Hindi niya tinatanggap ang mga paliwanag, at sarado ang kaniyang utak ukol dito. "Lorraine!" binalingan niya ako tingin, "ano ba itong sinasabi niya ha? You can't bear a child? Putangina! Ginawa mo akong tanga!" bulyaw nito sa akin. Natakot ako sa inasal nito, bakit siya nagkakaganyan? Hindi ba dapat ay nilalapitan niya ako ngayon at niyayakap? He would me feel better. He would explain to me everything. He would try to console me and just wait until I get better. He would cheer me up! But what is this? What's with the mad tone? I didn't understand him. Something's wrong here. "Sir kalma lang po tayo. Natatakot na ang asawa mo!" Pagtatanggol ng doktor saakin. "GAWAN MO IYAN NG PARAAN LORRAINE! PUTANGINA, GAWAN MO IYAN NG PARAAN!" Sigaw pa nito bago lumabas ng opisina ng doctor. Umuusok ang tainga't ilong. Nabigla ako sa inasal niya. Ibang-iba na ito ngayon at nakakapanibago si Paul. Hindi ko na siya maintindihan at nakakatakot na siya ngayon. Saan ba doon sa eksplenasyon ng doctor ang hindi niya maintindihan? Hindi naman ako nagloloko hindi ba? May pruweba galing sa doctor ang lahat. May sakit ako at ginagawa ko ang lahat para gumaling. There's something wrong with me so, I'll do whatever it takes to be better. Hindi naman ito panghabambuhay na karamdaman. I'll give what he desire as soon as I'm healthy again. "Okay ka lang Mrs. Durano?" Pag aalala ng doktor. "I'm fine. H-he's just stress Doc, marami siyang iniisip at tsaka gustong gusto niya na talaga magkaanak." Pagtatanggol ko sa asawa ko. Tumikhim siya at tinignan ako ng maigi. "Hindi namang tama ang sigawan ka ng ganoon misis..." aniya. Nakakalungkot isipin na, dahil sa hindi ko pa kayang ibigay ang hinihiling niya. It was my responsibility and I am liable for it. So, I understand him. He's a husband, a man who wants a family. Naiintindihan ko 'yon. "Kakausapin ko nalang po sya Doc, lalamig din ang ulo nun." Tanging sagot ko, tumikhim lang ito at may kinuhang papel sa drawer niya. "Lorraine, tinitignan pa namin ulit ang kalagayan mo. Wag kang mag aalala, gagaling ka rin. Just follow the prescriptions, and you'll be fine..." Sabi nito. May binigay itong envelope, dahan dahan niyang pinaliwanag saakin ang kalagayan ko. Kung bakit hindi ako makabuo, anong nangyayari sa eksaminasyon, pati sa irregularity sa akin. Binibigyan nya ako ng mga options sa pwede ko pang gawin. Hindi lang ako makangiti ng totoo dahil iniisip ko ang pwedeng gawin ni Paul saakin.  "Lorraine, wag kang masyadong magpapastress mas makakatulong iyan, magkakaroon tayo ng malaking tsyansa na gagaling ka!" Aniya, I smiled. "Thank you, Doc." Tumayo na ako at nagpaalam, Pagkarating ko sa labas ay wala na siya.  I also tried in the parking lot, in the thought that he is waiting for me there. Gumuho ang pag-asa sa akin nang makitang wala si Paul doon. He just left her sick wife, how funny I am. Mag isa nalang akong pupunta sa mall at mamimili ng pagkain at groceries. Nalungkot ako bigla sa inaasal ng asawa ko, sana kumalma na siya, sana okay lang sya, sana mahal niya parin ako. Damn! What's wrong with me? Masyado akong matamlay, all I think is negative.   "Of course Lorraine. You're just paranoid." Pilit akong ngumiti. Sumakay ako ng taxi papunta sa Mall at namili. Alas singko ng hapon ako nakauwi. Masyado akong mabubusisi sa mga binibili ko kaya medyo natagalan talaga ako. The house was unlocked when I entered that would probably mean, my husband's inside. Lumakas nanaman ang kabog ng dibdib ko, tila mayroon ng takot saakin sa tuwing uuwi ako o kaya makikita ko si Paul. Iniisip ko na pwede niya akong saktan, pwede niya akong pagsalitaan ng masasama. Huwag naman sana. "That was awesome Paul, heaven!" May narinig akong boses ng babae sa taas. Most importantly sa kwarto naming mag asawa. "You love it?" Mahina pero naririnig ko parin, sabi ni Paul. WHAT IS HAPPENING IN OUR ROOM? Kumalabog ang puso ko. "You dumbass why asking me such, of course! It is." Malandi nitong utas. Nagsimula na akong manginig at nagsitaasan na ang mga balahibo ko. Dahan dahan akong pumanhik sa kwarto, and there... I saw them, palabas na ng kwarto, parang walang nangyari they were smiling a lot. When they saw me, Paul changed his facial expression. He was joyful and then, it became dark. Ang babae naman ngumiti lang ng parang aso. Satisfied! "Bye Paul, see you in the office" She kissed my husband's lips and smirk at me. Namumula na ang mata ko, sa galit at luhang nagpipigil na lumabas. How dare her do that in front of that man's wife. "Hi legal wife, goodbye!" Inirapan niya ako nagdahan-dahan bumaba, gamit ang killer heels niyang tumutunog ang takong nito. Making me more mad, angry and cruel. I swear I've never been this mad before, until now. "STOP!" I shouted. I look at my husband's face. I saw no reactions in his eyes. As if he never cared. Binalingan ko ang babae. Lumingon ito saakin at ngumisi. She's damn beautiful than I. She's damn white as snow than I. She's so damn that I felt the insecure. She's almost next to perfect. . "Yes?" She grinned. Who the hell, she think she is? I disdain her for being disgraceful. Hindi niya ba alam kung kaninong pamamahay ito? Does she lose her self-value? Kilala niya ako, alam niyang asawa ako ni Paul. She's unbelievable. Ang kapal niya para pumunta dito at halikan pa ang asawa ko. "You w***e!" Mabilis ko siyang sinugod at sinampal. She shouted hard when I did it. "f**k!" She hissed. Hinila ko ang buhok niya, hinila pababa ng hagdan. She is shouting my man's name pero walang Paul ang lumaban sa kaniya. I know I'm better than this, damn, I'm a CEO. I won't downgrade myself with this, but I can't help. Sumabog na ang loob ko sa pagkadismaya sa asawa ko, tapos malalaman mo pang ganito. Who wouldn't do this? "You, sick wife! How dare you?" sigaw nito sa akin, manlalaban pero hindi ko 'yon ibibigay sa kaniya. "Wanna be a mistress huh? Not in my territory!" Sinampal ko siya at tinulak palabas ng bahay namin, not my territory, not Paul. I closed the door harshly and sit, my tears can't stop falling. Hindi ko aakalaing magagawa saakin ito ng asawa ko. With that kind of a perfect woman no one will ever reject or even ignore. Wala akong kalaban laban, abala ako sa paghahanap ng paraan para magkaanak, and then siya? May kasama ng lumabas sa kwarto? He can't do that to me again. Tumingin ako sa taas kung saan naroroon si Paul.  I saw him turned his back and enter the room. Wala man lang siyang pakialam sa nangyari? Damn, Paul! I'm the wife here. The legit wife. I need an explanation after all. "PAUL." Tawag ko sa kaniya. Tumalikod bigla ng higa si Paul saakin. I felt stabbing my own heart. Hindi man lang ba siya mag-e-explain sa akin? Wala ba siyang sasabihin? I have the right to know. I do have the rights, right? "P-Paul, who was—" Hindi ko natapos ang sasabihin ng bumangon ito. Hindi ko maituloy dahil matalim niya akong tinitigan. "P-Paul..." I said, crying. Sinampal niya ako. It was a very hard slap. "Pinagdududahan mo ba ako Lorraine?" Nagulat ako sa testimonyang lumabas sa bibig niya. Pinagdududahan? Is that the right word to say? "K-kasi Paul, she went out with—" Another slap went to my face, so hard. Napahawak ako sa pisngi ko. Dumadaloy na ang luha ko pero nagpapakatatag ako. Kailangan ko ng sagot. He needs to answer me. "Putangina Lorraine! Is that an issue?" Galit nitong utas. Why is he harsh and defensive in his action? I need to push my sentiment here. I have the right to know. "P-Paul... She kissed you!" I sob to him. "It was an accident," ani Paul. He heaved in disbelief. "You know what I'm out of here... sakit ka sa ulo." Kumuha ito ng damit at madaliang nagbihis. I look at him weeping. Accident? Issue? Slaps? What is happening to my husband? Ano ang gagawin ko? Ano ang pwede kong gawin? I'm damned and hurt. He left without looking and saying goodbye at me. He bang the door loudly. Nagulat pa ako, napahiga ako sa kama. Binalot ang sarili paa, I cry the hell out of me.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD