Awtomatikong bigla akong nagising sa aking kahibangan at buong-tapang na nag-ipon ng sapat na lakas para itulak si Israel. Mabuti na lamang at nagtagumpay ako. "Jusko, hindi pa tayo kasal at heto na agad ang ginagawa natin!" palatak ko rito. "Really?" Hindi makapaniwalang turan nito sa akin. Pansin ko ang kakaibang titig nito. "I mean, mas maigi na makasal muna tayo bago natin gawin ang bagay na 'yon," ani ko rito. "So, feeling virgin ka?" mapanudyong tanong nito sa akin. "Aba't virgin lang ba ang may karapatang pag-ukulan mo ng gano'ng pagtrato?!" asik ko rito. "By tradition, hindi ba?" sagot nito sa akin. "So, inaamin mo na hindi ka na virgin?" "Wala akong sinasabi na hindi na ako virgin, Mr. Montenegro!" "So, virgin ka?" nakangising ani nito. "Hindi na!" inis kong sagot dit