"MANANG, ang sir mo?" tanong ko sa isang kawaksi. "Kasama niya po iyong magandang babae. Naalala niyo po ba ang babaeng narito nong isang araw?" "I see, where are they?" tanong ko. Deep inside gusto kong mangalmot ng mukha. "Nasa hardin po nag-uusap," sagot ni Manang. "Thank you," tugon ko at tinungo ko ang hardin. Pero bago pa man ako makarating sa hardin, napansin kong nag-ensayo si Ysah ng Katana. Lumapit ako rito. "Sweetie, kahapon ka pa nag-ensayo niya'n. Itigil mo na 'yan," saad ko rito. Napasulyap ako sa tray na sa tingin ko'y pinahanda nito. Lemonade and pizza. "Bumili kayo ng pizza?" tanong ko. "Sige po, hindi po. Dala po ito ni Tita Rachell," sagot ni Ysah sa akin. "I see, iyong flirt na higad," bulong ko. "Po?" takang-tanong ni Ysah sa akin. "Ha? Wala, I mean. I see,