NARINIG ko ang katok mula sa aking pinto. Alam kong si Israel iyon o 'di kaya'y si Ysah. Hindi ko binigyan iyon ng pansin. Ibinaling ko ang tingin sa bintana ng aking silid. Madilim na pala sa labas. Gumagabi na. Kaya pala naririnig ko sa labas ang pamilyar na ingay nang mga hayop panggabi. Tulad na lamang ng mga crickets. Dahil sa tila makulit ang kumakatok. Sumagot ako. "Come in," ani ko. Bumukas ang pinto. Pero hindi ko nilingon iyon. Nanatiling nasa labas ng bintana ang aking tingin. "Kakain ka ng dinner o mapapaaga ang honeymoon natin ngayon din?" Awtomatikong napalingon ako sa kinaroroonan ni Israel. "You bastard! At talagang naisip mo 'yan sa kabila ng sitwasyon ko! How dare you!" asik ko rito. "Then, follow my rules here. Wala ka sa pader mo, alalahanin mong nasa sariling pa