2

1406 Words
Lucifer Pov Ako ang naka assign na Doctor ni Vanadey... Papasok ako ng elevator ng may pumasok na babae... May dala dala itong bulaklak.. "Annyeonghesayo" nakangiting bati niya sa akin. Well nakakaintindi ako ng korean... Hindi nga lang fluent. "Annyeonghesayo... Jal jinesseoyo?" ako (hello... How are you?) "Jeoneum jal jinaeyo..." nakangiti parin ito at inaamoy amoy pa ang hawak niyang bulaklak. (I'm fine thanks) " ileumi meo eyo?" dagdag na tanong nito. (what is your name) " ireum-eun ... Lucifer imnida" (my name is Lucifer) Mukhang nagulat siya sa pangalan ko. "mannaseo bangawoyo" ako (nice to meet you) yumuko lang ako at lumabas na sa elevator. Sinulyapan ko pa ito bago magsara ang pinto. Nagtitigan kami... "Vanadey" Hindi ko namalayan na binanggit ko ulit pangalanan niya. Vanadey Pov (magaling po magtagalog si Vanadey) " saan ka ba galing bata ka..." tanong ni Manang. "kkot pida" pinakita ko sa kanya ang hawak ko. (flower) " saan ka kumuha ng mga bulaklak.. Baka magalit sila namitas ka ng bulaklak" " Manang.... Hindi ba napakaganda nila.?" pag iiba ko. Namitas ako sa may hardin ng hospital habang umiikot ako. " Jaske kang bata ka.. Halika na dito at mamaya darating na ang Doctor na titingin sayo." Nilagay ko sa may vase ang mga bulaklak.  " humiga ka baka madatnan ka ng Doctor... " " Manang.... Sa lugar na ito.. Marami din bang Oppa?" " bakit mo naman naitanong yan? " Tumingin ako sa bintana.. " May nakilala ako kanina. Napaka gwapo niya.. Pero kakaiba ang pangalan niya." "Dito sa bansa namin kakaiba ang mga pangalan. Unique ang tawag doon. Meron pa nga pangalan ng pinaka ninuno namin. Pedro, Basilio, Crispin, Juan mga ganun.. Teka nga Ano naman ang pangalan ng nakilala mo?" Sasagutin ko na sana ito ng bumukas ang pinto. Siya ang Doctor ko? " Goodnorning Manang.... Goodmorning Vanadey. " pagbati niya sa amin. " Vanadey... " tawag niya saakin at tinuro ang higaan ko. Inakay naman ako ni Manang. kunuha niya ang vital sign ko.. " Doc... " tawag ko lumingon naman siya.. " pibu alleleukiga isseoyo" (I have skin skin Allergry ) Ngumiti siya saakin.. " Oo alam ko.. Napag aralan kona ang mga bawal sayo." ngumiti siya ng napakatamis. Biglang bumilis ang t***k ng puso ko kaya napahawak ko. " Vana... Bakit masakit ba?" tanong saakin ni Manang. Napalapit naman agad si Doc saakin. Ano itong nararamdaman ko? " kumikirot ba Vanadey? " hinawakan ni Doc ang kamay ko kung saan nakahwak sa aking dibdib. Hindi ko sinadya na tignan ang mukha niya kaya nagtama ulit ang aming mga mata. Parang nagslow motion ang pagkurap ng kanyang mata. At biglang bumaba ang tingin niya sa aking labi. Doon na ulit kumirot ang puso ko... " ahhhh...." Nataranta naman sila ni Manang.. Nagising nalang ako na padilim na sa labas. Bumangon ako para kunin ang cellphone ko. 5:50pm na pala Bumukas ang pinto. " Gising ka na pala... gutom ka na ba?" Manang " ani....eodi uisa?" (no... Asan si Doc?) "mamaya pa ang balik niya. Kapag natapos ka na daw kumain tsaka siya babalik.." Ngumiti ako... " siya ba ang sinasabi mong nakilala mo na gwapo?" " ne...geuneun joh eun nun-eul gajigo" (yes... He has a nice eyes) " nagkakagusto ka kay Doc Lucifer?" Hindi ako sumagot. " Naku andyan na ata siya." Nataranta ako kaya agad kong kinuha ang hinanda ni manang na pagkain ko. Pumasok siya at ngumiti siya saakin. " mabuti naman at kumakain ka na may dala pala akong bulaklak na galing - - - " naputol ang sinasabi niya ng may pumasok na isang babae. Kamukha ni Doc. Napakaganda niya at mukhang fashionista. " my son sabing ako na magdadala niyan eh... Oh Hi beautiful lady just like me.. How are you my dear? " nagulat ako sa sinabi niya. Kahit hindi ko maintindihan ay ngumiti nalang ako at kumaway. " Annyeong....jeon gwaenchanh-ayo " -hello Im Ok.. " Ma... Sabing hindi siya nakakaintindi ng english eh. Tsaka lower your voice Ma.." " naku sorry my dear By the way este ako nga pala si Althalia Azeal Grazeter Madrigal ang pinakamagandang Ina ni Doc Lucifer Casfear Madrigal.... Wow ang ganda mo iha..." natuwa naman ako sa Mama ni Doc. ang bata ng mukha niya.. " salamat po..." " Ma siya pala si Vanadey Woo.... At si Manang Tiffany. " " hello my dear Vanadey... Hello Manang. Mabuti at dito kayo sa Hospital ng Pamilya namin aasahan niyo na aalagaan ka ni Doc Lucifer.." bigla nalang itong tumabi sa akin. Hinaplos niya ang mukha ko. " ang ganda naman ng future anak ko--" " Ma!" Sigaw ni Doc Ngumiti naman ako. " gamsahabnida" yumuko ako para magpasalamat " cheonman-eyo" ( welcome ) " Ma wag niyo nga hinahawak hawakan si Vanadey.. Kumakain siya oh" " napaka sungit mo anak possessive much. Gusto ko lang naman makita ang dalaga na sinasabi ng Anak ko. " " my dear pwede bang Mama nalang ang itawag mo sa akin... " pagpapacute pa niya sabi. " Ma naman!" sigaw ulit ni Doc. " nagtaka kasi ako ng sabihinin niyang pagpadala ng mga bulaklak para sa pasyente niya... Kaya ako ang nagdala para makilala kita. Grabe ang ganda mo talaga anak." " Vanadey pasensyahan mo na si Mama ganyan lang talaga siya...." " naku may rason na ako para pumunta dito. Manang ano ang paboritong pagkain ng future daughter in law ko? " " sinangag at tuyo ang paborito niya sa agahan... tanghalian ay Adobo at chapsuey... hapunan bulalo..." sagot naman ni Manang " kung ganon my dear... Lulutuan ka ng Doc Lucifer mo" -_- ano daw? Nakaalis na si Doc pero andito parin ang Mama niya. " alam mo anak... Nagpapasalamat ako at dito pa sa aming probinsya ka nagpa admit samantalang magagaling naman ang mga doctor sainyo. Naku! NAKU!... DESTINY talaga na magkakakilala kayo ng anak ko." nakakatuwa siyang kausap kanina pa ako tumatawa dahil kanina ay inayusan niya ang buhok ko. " Omma... "bigla kong tawag. O_O " tinawag mo akong Omma? haaaay ang saya ko may magiging anak na akong babae... Alam mo ang dami dami ko ng nirereto sa anak kong iyon.. wala ni isa ang gusto. Kaya kanina sa flowershop ay nagtaka lahat ng tauhan namin dahil pinaka as in Pinaka first time magpakuha ng Flower ang anak ko at sa pasyente niya. Aba ako namang ang dakilang Ina ng kagandahan ay hindi nagpapahuli.. Sumugod ako dito upang alamin kung sino ang maswerteng babae.... At hindi ako napahiya... Anak ang ganda ganda mo talaga... iniimagine ko na ang future babies niyo... ihhh nakakatuwa. " " Babies? " Alam ko naman ang ibigsabihin ng babies. May mga english words akong alam. " yes... Babies as in anak... Haaay sana kayo magkatuluyan ng anak ko. " " Pero hindi naman po ako tatagal sa mundong ito. " " Wag mong sasabihin yan anak sa mundong ito may miracle na tinatawag. Kaya manalangin ka at umasa na gagaling ka. Hindi ka pababayaan ng aking anak..." Pumasok ulit si Manang. " Mam Aeal... oras na po kasi ng ligo niya. " " Ohh... Sorry Manang.. Hala 9pm na pala ang aking asawa naghihintay sa bahay... Aalis na din ako.. At ikaw future Daughter ko magrest ka at kumain ng masusustansya padadalhan kita ng bulaklak araw araw... Ok!? " " Ok! " ? sabay sign ng ok. Nagpaalam si Manang na kukuha lang ito ng Tubig sa baba dahil naubusan kami ng iinumin. Matagal akong naliligo halos 1 oras ako babad sa tubig. Pagkalabas ko ng banyo ay wala pa si Manang. Nakatapis lang ako ng tuwalya na lumabas at deretso sa higaan ko kung saan nakahanda na ang pamalit ko. Tatanggalin ko na sana ang pagkabuhol ng tuwalya ng biglang... " Goodevening Van---" Napayakap nalang ako sa katawan ko, dahil sa gulat nabitawan ko at naalis ang pagkabuhol nito kaya biglang nahulog sa sahig ang tuwalya. " ahhh...." napasigaw ako. Agad naman siyang tumalikod. " Vanadey.... sorry hindi ko alam na nagbibihis ka." Si Doc Lucifer.. Agad kong pinulot at itinakip sa katawan ko. " b-bakit po Doc?" " a-ah k-kasi a-ano... i-ichecheck ko sana temperature mo. Pero babalik nalang ako after 20.minutes sige.." agad din itong lumabas. Bumuntong hininga ako pagkalabas niya. "maeu danghwangseuleoun" -nakakahiya Umupo ako sa kama... " geuneun nae mom-eul boassda" -nakita niya katawan ko " ahhhh" humiga ako at nagwawala ng pumasok si Manang. " Van... Bakit anong masakit?" " Manang...." " bakit anong masakit?" Sasabihin ko ba sa kanya?? " wala Manang... Gusto ko lang kumain ng Ice cream." " jaske kang bata ka.. Akala ko kung ano na.. Oh siya pagkatapos.mong magbihis ay bibili tayo sa baba may nakita akong nagtitinda ng ice cream." Pagkatapos ay bumaba kami ni Manang. Ang ganda pala dito sa baba ng Hospital.. Akala mo parang Park at hindi hospital. Nang makita namin si Doc Lucifer at isa pang Doctor na kasama niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD