Chapter Three
Impit akong napahikbi sa labas ng silid ni Gariet. Simula nang nangyari, magkahiwalay na kami ng silid. Wala na rin siyang pakialam sa akin. Lahat ay nagbago sa kaniya.
One year ago...
"I'm sorry to say but the baby is dead," tanging narinig ko sa doctor na kausap ni Gariet. Nanghihina pa ako sa oras na iyon.
Gusto kong magsalita pero walang lumalabas sa bibig ko. Tila nawalan ng lakas.
Kusa na lang tumulo ang aking luha nang marinig kong wala na ang baby ko. Pinagmasdan ko si Gariet na ngayon ay nakaupo habang nakayuko. Kakaalis lang ng doctor.
"G-gariet..." sa wakas bumuka ang aking bibig. Mahina pero sapat na para kaniyang marinig. Tiningnan niya ako pero walang emosyon siyang tumingin sa akin.
Hindi siya sumagot. Tiningnan niya lang ako.
"Gariet..." tawag kong muli.
He sighed. "Mag-uusap tayo kapag okay ka na." Tinalikuran na niya ako. Lumabas siyang walang paalam sa akin.
Tumulo ang aking luha. Ang sakit. Nang dahil sa ginawa ko nawala ang iningat-ingatan namin ng ilang buwan. Ngayon wala na ring gana si Gariet makipag-usap sa akin. Halos hindi rin niya ako dinadalaw sa ospital. Tanging si Mama lang ang palaging nasa tabi ko.
Lumipas ang ilang araw, minsan ko na lang makita si Gariet na pumupunta sa room ko. Tanging sila Mama lang ang palaging nagbabantay sa akin.
Okay na ako pagkatapos nang ilang araw.
Sa wakas, pumunta din si Gariet sa ospital. Binayaran niya lang ang bills ko sa ospital. Pero hindi niya ako kinakausap. Naging malamig siya sa akin.
Lumabas si Mama para bigyan kami ng time na makapag-usap. Ako ang nagsimulang magsalita.
"Gariet..." Nakaupo ako sa upuan habang siya nakatayo sa aking harapan. Halos ayaw niya akong harapin.
Lumingon siya sa akin. Bitbit niya ang bag na may laman ng mga damit ko.
Sana mali ang nakikita ko. Hindi siya ang Gariet na asawa ko. Sa tuwing tinatawag ko ang pangalan niya ngumingiti ito kahit galit na galit ako sa kaniya. Nagagawa pa rin niyang ngumiti at sasabihing nababaliw na naman ako.
Tumingin lang siya sa akin na walang reaksyon na makikita mula sa kaniyang mga mata.
"Gariet..." muli ay tawag ko sa kaniya.
"What?" umalingawngaw ang kaniyang boses. Hindi ko akalaing lalakasan niya ako ng boses. "Nandito ako para papirmahan sa 'yo 'to." Kinuha niya ang papel na nakapatong sa mesa.
Bakit hindi ko napansin 'yon?
Uminit ang pisngi ko. Maging ang gilid ng mga mata ko.
"A divorce paper. Let's break up, Divina," my tears kept flowing.
"Dapat noon ko pa 'to ginawa. Noon kaya pa kitang tiisin. Ang pagiging selosa mo na wala namang katotohan ang binibintang mo. Ang pagiging moody mo. Nakakapagod na, Divina. Kung noon kaya ko pang tiisin, dahil mahal pa kita. But that was before. Iba na ngayon. Napagod na ako, Divina. Hindi mo na maibabalik pa ang dati, hindi na mangyayari ang gusto mo. Nakakapagod pala, Divina. Akala ko kaya kitang intindihin. Pero habang tumatagal. I'm just losing my love for you. Ngayong wala na akong pananagutan sa 'yo. Wala nang dahilan para manatili pa ako sa tabi mo at magsama pa tayo."
My tears flowed one after another. Napapikit ako. Why would he just throw away what we had together?
"Ginagawa mo 'to dahil may iba ka na?" my tears dripped again. I try not to shake my voice.
"Para ba maging malaya ka na? Hindi ko pipirmahan ang divorce paper na 'yan!" pagmamatigas ko. Umiling-iling ako. Sinusubukan kong bumalik ang dati niyang reaksyon kapag napapaiyak ako sa kaniyang harapan. Pero tila wala na sa kaniya ang pag-iyak ko. Pinapakalma ko ang sarili.
"Wala kang ibang gagawin kung 'di ang pirmahan 'to, Divina! Wala akong time para mag-explain pa sa 'yo. Alam mo, dati kaya ko pa ang pagiging selosa mo. Natitiis ko pa, pero habang tumatagal, lumalala ka na. Nakakapagod ka, Divina, Nakakapagod kang intindihin."
Bigla akong natigilan sa sinabi niya.
'Di ba dapat kung mahal mo talaga ang isang tao. Dapat hindi agad siya susuko. Pero bakit ngayon sumusuko na siya kaagad?
Naisipan kong lumuhod sa kaniyang harapan. Huwag lang niya akong hiwalayan. Hinawakan ko ang kaniyang mga hita.
"Stop it! Divina! Stop being childish!" Pilit niyang tinatanggal ang kamay ko sa kaniyang hita. Hinila pa niya ako patayo.
"Now, sign it! I don't love you anymore, Divina. Naubos na. I just feel annoyed and angry with you! Dahil sa walang kwentang pagseselos mo! Nadamay pa ang anak natin. Because of your false suspicion. Put*nginang pagseselos 'yan!" untag niya. Ibinigay niya sa akin ang sign pen at divorce paper. Seryoso talaga siyang makipaghiwalay sa akin. Wala na bang halaga sa kaniya ang pinagsamahan namin.
Kinuha ko 'yon at pinunit sa kaniyang harapan.
Inapakan ko rin 'yon.
"Hindi ako pumapayag sa gusto mo, Gariet!"
"Wala na akong magagawa kung ayaw mong pirmahan." Tumalikod na siya sa akin. Sinundan ko naman siya kaagad. Hindi ako makapaniwalang itatapon na lang niya basta ang pinagsamahan namin.
Magmamakaawa ako sa kaniya. Wala akong pakialam kung ako na ang pinaka-martyr. Basta't ang alam ko mahalin niya ulit ako.
"Gariet..." Habol ko sa kaniya. Mabilis kong hinarangan ang daraanan niya.
"Get out of my way!" mariin niyang banta sa akin. Hindi ko sinunod ang gusto niya.
Doble ang sakit na nararamdaman ko ngayon. Nawala ang baby ko at mawawala rin si Gariet sa 'kin. Hindi ko alam kung kaya ko pa.
"Gariet, please! Ako na lang, ako na lang ulit. Ako pa rin ang mahalin mo. Gagawin ko ang lahat bumalik lang ang pagmamahal mo sa 'kin please," pagmakaawa ko kahit nakakahiya ang ginagawa ko.
"Hindi na ako magseselos, hindi na rin ako magagalit kahit anong oras ka umuwi. Just please love me again," pagmamakaawa ko. Halos wala na akong itinira sa sarili ko. Kahit pagtawanan ako ng ibang tao. Basta't bumalik lang siya sa akin. Ganoon ko siya kamahal.
"Nakakahiya ang ginagawa mo." mahina niya sabi sa akin.
"Please, don't leave me, Gariet." pagmamakaawa ko. Wala na akong kahit kaunting pride na itinira sa aking sarili.
Tumitig siya sa akin.
"With condition." nabuhayan ako ng pag-asa.
"A-ano? Sabihin mo lang gagawin ko."
"Just leave! That is my condition." Tuluyan na niya akong tinalikuran.
Pasalampak akong napaupo sa sahig. Nanlambot ang aking mga tuhod. Naramdaman ko na lang ang mga kamay sa balikat ko. Napatingala ako. Umaasang bumalik siya para patahanin ako. Pero tila nawalan na ako ng pag-asa, hindi siya bumalik para bawiin ang kaniyang sinabi.
Niyakap ko si Mama. Tanging si Mama naman ang palagi kong sandalan. Katulad ko iniwan din ni Papa si Mama. Ang sabi ko sa sarili ko noon, hindi mangyayari sa akin ang nangyari kay Mama pero ngayon nararanasan ko na.
To be continue...