10

1414 Words

Nakarating kami sa Medical City na ospital ni Mama. Agad kaming bumaba ni Daddy at halos takbuhin ko ang main door papunta sa kwarto ni Mommy. "Mom!" Pero pagbukas ko ng kwarto niya ay halos gusto ko nang bumalik dahil ang nandoon ay ang taong hindi ko inaasahan na makikita ko. "Sinukuan" Napabaling ang tingin ko kay Mommy na nakaupo sa kama niya at may hawak na ponkan habang katabi niya ang lalaking iyon. Wala sila Ate at nakatingin lang din sa akin yung lalaking iyon. Parang may mabigat na bato na nakadagan sa paa ko kaya nakapasok na lang ako nang dumating si Daddy at napatingin din sa bisita ni Mommy "Ernesto, papasukin mo yang anak mo dito" sabi ni Mommy kay Daddy. Naramdaman ko na lang ang pagtulak ni Daddy sa akin mula sa likuran ko. Tumayo naman ang bisita ni Mommy at umalis

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD