18

1485 Words

"Leave" Tinuro ko ang pintuan ng tent ko sa kanya. Gusto kong iwanan na niya ako para naman malaman ko sa sarili ko ang dapat kong gawin. "Utang na loob, Dare. Iwanan mo na muna ako" Nakatingin lang siya sa akin pero tumalikod na din siya at iniwanan ako mag-isa sa loob ng tent. Humugot ako ng sunod-sunod na paghinga. Pinilit kong kalmahin ang sarili ko para hindi ko niya makita na nasasaktan ako. Dinampot ko ang baon kong tubig at ang inhaler ko. Ininom ko muna ang tubig tsaka ko hinubad ang damit ko at isinuot ang itim kong sando na dala. Sakitan na kung sakitan. Magalit na siya kung magagalit para maramdaman niya na hindi lang siya ang pwedeng masaktan kundi pati din ako. Kinuha ko ang camera ko at lumabas ako sa tent. Nakita kong napalingon sa akin ang mga staff ko maging si Ches

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD