Ilang araw na akong nandito sa Pilipinas at ilang araw na din ako nakikinig sa brainstorming at ideas ni Cheska para sa pre-nup nila ni Lucifer bukas sa St. Anne University. "Kasi Ms. Mary, school mate kami ni Dare sa St. Anne. I was 2nd year College tapos 4th year naman siya" kinikilig pa na kwento ni Cheska sa akin. Hindi ba nito alam na ang kaharap niya ngayon ay Ex ng fiancée niya? Huminga ako ng malalim at ngumiti at tumango sa sinasabi niya. "So, isa sa session niyo para sa pre-nup ay school setting at gusto mo na sa St. Anne gawin?" tanong ko sa kanya. Tumango siya tsaka siya tinitigan. Maganda naman si Cheska at medyo slow pero pakiramdam ko kasi na mas maganda pa din ako sa kanya. "Okay. Later yung dating ng crew ko para sa pre-nup niyo bukas" totoo na darating ang crew ko para