"Be careful on what you wish for, love..." -Drake Lucas Del Fiore- . Parang ang bilis ng lahat ngayon sa akin. I have to go to school and get my school credentials and also, I have to go to the wedding organizer's boutique. Kilala ko pa naman ang kinuha ni Drake na mag organisa sa kasal namin. Siya lang naman ang nag iisang sikat dito sa syudad namin. She's pretty famous because of her family background. Hindi nga lang niya ako kilala. Ano ba! Garden wedding at kami lang din, at walang espesyal na bisita. The wedding will be next week. Si Drake na mismo ang gumawa ng lahat. Bahala na muna siya! Tutal siya naman ang gusto ng kasal na 'to. E, ito naman ang hinihingi niyang kabayaran sa lahat. Mas mabuti na siya na rin ang mamamahala sa lahat ng ito. "Are you coming with us, Drake?"