"So, we are not a couple by heart? Okay, I nearly forgot... Ngayon lang din kasi ako nagkaroon ng akin sa boung buhay ko, na dala mo ang pangalan ko..." -Drake- . "From this day forward, for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, to love and to cherish, till death do us part." The wedding was so simple as it is. Kami lang din naman ang nandito, at ang Huwes na kaibigan niya. The food was catered too. Walang ibang bisita, maliban nga lang sa iilan na bodyguards niya na hindi pamilyar sa akin. Hindi ko alam kong saang lupa sila nanggaling. Para silang mga kabote na sumusulpot lang din. "Smile everyone!" si Carmella. Yumakap agad siya sa akin at si Drake naman sa tabi niya. Panay ang picture ng photographer na mukhang gangster sa paningin ko, dahil sa da