Chapter 2 (PART 1)

3498 Words
Paint Cenery NAKATITIG ako sa teleponong de keypad na ipinahiram saakin ni Gracielle dahil hinihintay ko ang tawag nang mga pinag applyan kong trabaho. Nasa labas ako ng bahay para may signal. "May boyfriend ka na ba anak?" napatingin ako kay Tatay Dionisio na ngayon ay nakatayo sa pintuan. Dati sobrang kisig ng tatay ko at healthy ng katawan niya pero nang mag ka sakit 'to sa baga ay unti unti ng bumagsak ang timbang at nagiba na ang itsura niya. Nakuha niya ata ang sakit niya sa pinagt-trabauhan niyang pabrika ng goma. Isang beses palang namin siyang napatingin sa hospital 4years ago pa ata."Grabe ka Tay, judger ka na rin ha. Porket ba nakatingin lang sa telepono naghihintay na ng text ng boyfriend."nakanguso kong saad sakaniya kaya nginitian lang ako ni Tatay. "Ano ba kasing problema mo at nakatitig ka riyan sa teleponong 'yan kay Gracielle 'yan hindi ba?" binigyan ako ng malokong ngiti ni Tatay. Ang gwapo gwapo ng tatay ko lalo pa't kapag nakangiti. Sa totoo lang, hindi alam ni Tatay na gumagawa ako ng ilegal na gawain katulad ng pagnanakaw. Pinaka laki niya kami ng maayos at hindi dapat gumawa ng masama pero nagsimula lang naman akong gawin 'to noong matapos ako magsenior high at magkasakit siya dahil sa kakapusan namin ng pera. Simula nang magkasakit 'to hindi na siya lumabas ng bahay kaya hindi niya rin alam ang mga nangyayari sa labas. Ang alam niya lang talaga matino ang trabaho ko pero si Nanay matic na naalam niya dahil tambay sa labas 'yun pero hindi niya naman ako sinuaumbong kay Tatay dahil nakikinabang siya sa pera na nakukuha ko. "Ah opo hiniram ko muna hinihintay kolang po ang call ng mga pinag apply-an ko ng trabaho ih.." ngumiti ako ng matamis kay Tatay dahilan para lumungkot ang mukha niya. "Pasensya na anak---." pinutol ko ang sasabihin niya saka lumapit kay Tatay at niyakap 'to ng mahigpit. "Tay, ayan ka na naman. Ayoko ng gan'yan. H'wag kang magpasorry please lang hindi mo naman ginusto na magkasakit ng gan'yan at h'wag na h'wag mong sisihin ang sarili dahil lang sa pinapasan ko ang lahat ng obligasyon mo. Alam mo at alam ko kung anong ginawa mo para saamin. Nagtrabaho ka ng lubusan at pinagsilbihan kami kaya ayan nakuha mo pa 'yang sakit mo." pumikit ako ng mariin at pikiramdaman ang mainit na yakap ni Tatay. "Hayaan mo 'kong magsilbi para sa'yo Tay. Susuklian ko ang mga hirap n'yo saakin." malambing kong usal sakaniya habang nakatingin ng diretso sa mga mata niya. "Mahal ka ni Tatay anak." hinaplos haplos nito ang pisnge ko at hinalikan sa noo. "I love you Tay, pumasok ka na at mahamog dito." saad ko sakaniya kaya tumango lang 'to bilang tugon saakin. "P-yeta kang bata ka! Hindi ba sinabi ko sa'yo na h'wag mong paglaruan 'yang mga barahang 'yan!" nanlaki ang mga mata ko at mabilis na napatakbo papasok ng loob at naabutan kong pinapalo ni Nanay si Coco ng makapal na pamalo. "Nay tama na po!" umiiyak na bawal ni Ella at pilit na niyayakap si Coco na iyak ng iyak na rin kaya pinaghahampas silang dalawa ni Nanay. "Nay ano ba! Tama na 'yan!" pinilit kong ilayo si Nanay sa mga kapatid ko kaya ako naman ang pinaghahampas niya. "H'wag mo 'kong pinagtataasan ng boses Senerya!" galit na sigaw niya saakin pero pumikit lang ako ng mariin at tinanggap ang lahat ng sakit na palo ni Nanay sa katawan ko dahil hindi ko naman siya kayang labanan dahil mataas ang respeto ko sakaniya. Imbes na siya ang sumalo ng obligasyon ni Tatay ay ipinasa niya saakin ng lahat. Simula nang magkasakit si Tatay naging gan'yan na siya. Imbes na alagaan n'ya kaming magkakapatid ay mas inuuna niya pa ang bisyo n'yang alak at sugal. Hindi ko alam kung anong nangyari kay nanay at bigla nalang siyang naging gan'yan. Uuwi siya rito ng badtrip dahil lagi siyang talo sa mga sugal o 'di naman kaya nakainom kaya ibinubuntong niya ang galit saaming magkakapatid pero hindi ko nagreklamo, nagsumbat at kahit minsan lumaban sakaniya kahit na sinasaktan niya ako mapa physical at emotional. Wala akong kinatatakutan kahit sino. bukod tanging ang magulang kolang lalo na si Nanay. Kung gaano ako katapang sa ibang tao ay siya namang kahinaan ko sa Nanay ko dahil ganon'n ko siya kamahal at nirerespeto bilang ina namin. "Alice tumigil kana!" maotoridad na saad ni Tatay at kinuha nito ang pamalong hawak ni Nanay at hinawakan 'to sa braso. "Bitawan mo nga ako Dionisio!" dahil mahina na si Tatay nagawang niyang itulak ito kaya napaupo 'to at mabilis ko 'tong tinulungan mapatayo. "Simpleng baraha nagkakaganyan ka!" galit na usal ni Tatay. "Eh, 'yang mga anak mo hindi marunong makinig! Kinukunsinti mo kasi ng mga ugali nilang gan'yan!" huminga ako ng malalim at binigyan 'to ng malambot na ekspresyon. "Nay naman, special si Coco. Alam mo namang mahihi----." mahinahon kong saad kaya sinampal niya ako ng pagkalakas lakas dahilan para magsituluan ang luha sa mga mata ko. "Sige mangatwiran ka pa! Mapagmalaki ka masyado! Bakit maipagmamalaki ka?! Natanggal ka sa trabaho mo dahil d'yan sa kaartehan mo!" natahimik akong at natulala nalang dahil sa sakit ng pisnge ko. "Alice, tumigil kana." mahinahon na saad ni Tatay kaya umiling lang ako dito saka ngumiti ng mapait. "Ella ipasok mo sila sa loob.." sambit ko sa mga kapatid ko dahil lahat sila ngayon ay umiiyak kaya tumango lang 'to at iginiya papunta ng kwarto nina tatay ang mga kapatid namin. "Hindi ako titigil hanggat hindi gumigising 'yang anak mo sa kahibangan n'ya! Lagi nalang s'yang natatangal sa trabaho dahil masyado siyang matapang at maarte!" yumuko nalang ako at tinaggap ang mga masasakit na salita na sinabi ni Nanay saakin ngayon dahil wala naman akong magagawa. "Hindi mo ba kayang magtagal sa trabaho?! Hindi ka na ba naawa sa mga kapatid mo at tatay mo! Walang pambili ng pagkain at gamot kasi inuuna mo kasi 'yang sarili mo! P-yeta ka! Nahawakan ka lang sa pwet hahampasin mo ng basket! Bubugbugin mo agad gawain ba ng matinong babae 'yan? H'wag kang magmalinis Cenery! Dapat masanay ka sa mga gano'n! Dapat magtiis ka! At 'yang gandang ipinagmamalaki mo dapat ginagamit mo 'yan! Napaka bobo mo! Hindi mo gayahin ng anak nina Melva! Andaming foreigner at mayayamang tao d'yan akitin mo, shotain mo dapat para makakuha ka agad ng pera!" napakagat ako saaking labi dahil matagal ng sinasabi ni Nanay ang tungkol dito na dapat shotain at ibenta ko ang katawan ko. "Ma alam----." "Kung gusto mo may paraan, kung ayaw mo my dahilan eh kung nagtrabaho ka nalang sa bar? Mas malaki ng kikitain mo! Kung talagang sobrang arte mo at 'di mo kayang magpasiping! Magpahipo o kaya sumayaw ka nalang!" galit na usal ni Nanay at dinuro duro ang noo ko. "T-tama na sabi eh.." nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko ang hingal na hingal na sambit ni Tatay kaya napaharap kaagad ako sakaniya. "Tay.." nanginginig kong saad dahil nakahawak ito ngayon sakaniyang dibdib habang hinahabol ang hininga niya. "T-tama na.." agad kong nasalo ito nang akmang mahuhulog na siya sa sahig pero naramdaman ko lang na hinigit ni Nanay ang buhok ko. "Ano pang inaantay mo! Kunin mo ang nebulizer!" tinulak niya ako at inihiga niya si tatay sa hita niya kaya napatakbo ako sa kwarto nila upang kunin ang nebulizer na hiniram namin sa clinic pero hanggang ngayon ay hindi pa namin binabalik. "Ate anong nangyayari?"nagaalalang salubong saakin ni Ella habang ang mga kapatid ko ay nagiiyakan parin pero mas rinig ang iyak ni Coco. Umiling lang ako at nag madaling lagyan ng gamot ang nebulizer. "H'wag kyong lalabas d'yan lang kayo.." lumabas ako kagaad at sinaksak 'to sa extension na nakakonek lang sa kapitbahay namin. Wala kasi kaming kuryente at tanging DIY candle lang ang natitira naming liwanag. Pinagbigyan kami na makisasak ng kapitbahay namin para gumana ang nebulizer na ginagamit namin kay Tatay. "Nay dito.." pinagtulungan naming alalayan malapit sa extension. Maingat ma inilagay ni Nanay ang pinaka tube sa bibig ni Tatay. Lumipas ang ilang minuto ay hinahabol pa rin ni Tatay ang hininga niya at walang nagbago. Sa totoo lang hindi naman talaga dapat nebulizer ang gamutin dahil hindi simpleng hika ang nararanasan niya kapag kinakapos siya ng hininga. Kailangan niya inahaler at oxygen pero wala kaing pambili ng gano'n sabi naman nila pwede na raw alternative 'tong simpleng nebulizer na 'to. "Nay, hindi pa rin po umaayos si Tatay dalhin nalang natin siya sa hospital.." nag aalala kong saad dahil namumutla at at parang naninigas na si Tatay dahil hindi pa rin 'to makahinga. "Gaga ka ba? Wala ng tayong pambili ng pagkain! Pambayad pa kaya ng hospital!" galit na sigaw ni Nanay kaya bigla akong nanlamig dahil tama naman talaga siya pero hindi pwedeng panoorin nalang namin si Tatay na tuluyan ng mawalan ng hininga. "Akong bahala Nay.." mabilis akong pumuntang kwarto para utusan si Hanz. "Hanz tumawag ka ng tulong sa barangay! Hihiramin natin ang service patrol. Dadalhin namin sa hospital si Tatay.." °°° UMIIYAK ako ng mahina at puno ng pagiimpit habang nakatingin kay Tatay na nakaratay sa hospital bed kung saan may dextrose ito at nakalagay na oxygen sakaniya. Nandito kami sa isang public hospital ngayon at dahil hindi namin kayang bayaran ang private room ay isinama kami sa Adult ward. Oo, may mga kasama kami sa kwarto na 'to kaya pinagtitingin ako ng mga katabi naming kama dahil umiiyak ako ng tahimik. Naramdaman kong may humigit saakin at alam kong si Nanay 'yun. "Ano pang tinatambay tambay mo dito? Maghanap ka ng ipangbabayad natin sa hospital." madiim pero mahinang bulong niya saakin dahil naatingin saamin ang mga katabi naming kama. Tumango nalang ako saka hinarap ag natutulog kong ama. "Tay, babalik ako agad. Maghahanap lang ako ng pambayad sa hospital at pambili ng gamot mo, ha. I love you.." hinalikan ko pa 'to sa noo pero naramdaman ko lang ang mabigat na tapik ni Nanay sa kamay ko. "Sige na umalis kana. Siguraduhin mong babalik ka rito na may dalang pera!" tumango tango ako na parang aso saka pinunasan ko ang luha ko gamit ang kamay ko. Ngumiti nalang ako ng tipid sa mga nakatingin saakin at lumabas nalang ako sa kwartong 'yun. Huminga ako ng malalim saka naglakad nalang palabas ng hospital. "Manong ano pong oras na?" tanong ko sa security guard ng hospital. "7:30 na ineng." napangiti nalang ako saka tumango. "Salamat po.." tuluyan akong naglakad palayo ng hospital. Tulala lang ako habang naatingin sa daan, iniisip ko kubng anong gagawin kong paraan ngayon para makakuha ng malaking pera para sa hospital. Lakad lang ako ng lakad dahil blanko ang utak ko ngayon. Ni hindi ko alam kung saan ako kukuha ng pera. Wala naman na akong mauutangan dahil t'yak wala ng magpapautang saakin. Sino bang mataninong tao ang nagpapautang sa isang kriminal at walang trabaho na katulad ko? Kung kina Roi at Gracielle naman alam kong pare pareho lang kaming walang pera. Sa kalahating minuto kong palakad lakad ay hindi ko na namalayan na nakauwi na ako sa barangay namin. Natauhan nalang ako nang makita ko ang arko na nakalagay ay 'Welcome to Brgy. Dukieta' Inis akong napasipa sa mga bato dahil wala akong mapapala dito. Anong gagawin ko? Magnakaw nalang ba ulit ako ngayon gabi? Dahil hindi ko naman kayang ibenta ang katawan ko sa kung sino sino at mas lalong ayoko maging drug dealer masyadong delikado. Napatingin ako sa dalawang babae na naglalakad papunta sa isang Van at naagtanto kong si Danice at Samantha " Danice saan punta n'yo? May raket kayo?" tanong ko. Si Danice ay anak ni Aling Melva. Maganda 'tong si Danice at sexy rin. Kayumangi ang kulay, bilugan ang mga mata at matangos ang ilong anak 'to sa isang Arabo ni Aling Melva eh kaso namatay na ng maaga 'yung arabong 'yun simula bata palang kami nina Danice. "Obvious ba?" mataray na saad nito si Samantha na anak naman ng kagawad namin kaya eto ang kinis ng balat, maputi, maganda at sexy pero sa pagkakaalam ko hindi alam ng tatay niya nakumekerengkeng 'tong si Samantha. "Sama naman.." desperado kong saad pero pinagtaasan lang ako ng kilay ni Danice. "Nakita mo ba 'tong suot naming 'to? Sexy at masyadong expose so satingin mo saan punta namin?" napaawang ang bibig ko at napatingin sa suot nilang dalawa na hapit na hapit sa katawan kasama ang malalaki nilang boobs at pwet. "Bar." malungkot kong saad dahil hindi naman ako makakasama sa raket nilang gan'yan dahil ayoko talagang pumasok sa gan'yang klase ng trabaho. Para saan pa 'yung mga pinagagawa kong pakikipaglaban sa mga bumabastos saakin dahilan para matanggal ako ng trabaho kung sa huli ay magiging prostitute lang din ako. Kabastos bastos na babeae, Tss. "Tama, 'diba allergy ka sa gano'n lugar? Hate mo nga mga pokpok 'diba? Tss." mataray na saad ni Danice saakin kaya napairap nalang ako at akmang talikod na ako ng marinig ko ang boses ng reyna ng mga kopkop. "Oh nandito pala ang pinakamagandang babae sa barangay ng Dukieta." napairap nalang ako. Aalis na sana ako ng tuluyan pero hinawakan niya ang kamay ko. "Mamsh, tara na oras na oh baka maubusan tayo ng customer." saad ni Samantha pero pinagtaasan lang siya ng kilay ni Mamsh Jorgie. "Shut up! Sumakay na kayo ng Van. Iwan n'yo kami dito." saad niya kina Danice kaya wala na silang nagawa kung hindi pumasok ng Van. Nagpumiglas ako sa hawak ng babaeng 'to kaya binitawan niya ako. "Mukhang problemado ka? Pagang paga 'yang mata mo at balita ko nasa hospital daw ang tatay mo." malambing na saad ng matandang kopkop na 'to habang nakahalukipkip sa harapan ko. Siya si Mamsh Jorgie, sikat na recruiter ng mga aspiring pokpok. Taga kabilang barangay siya pero kung saan saan siya napupunta para lang maghanap ng maisasama niya sa lahi nito. Nasa 40s na ata 'to pero parang Ina Delmundo pa rin ang katawan at mukha dahil alagang doctor 'to. Retokada inshort, dahil ang daming sugar daddy na foreigner na s-sponser pag papagawa ng boob,pwet, at mukha niya. "Alam ko na ang gan'yan salitaan Mamsh Jorgie, alam mong hindi ako papayag.." matagal na akong nirerecruit nito at pinipilit. Nasa kinse anyos palang ako gusto niya ng kunin ako bilang bayaran. Ngumiti ng matamis saakin si Mamsh saka hinaplos haplos nito ang pisnge ko kaya tinampal ko 'to dahilan para tumawa siya. "Shh, alam ko pero iba na 'to. Tutal malikot naman 'yang kamay mo, sanay ka na talagang magnakaw at maganda ka. Magagamit natin 'yan.." kumunot ang noo ko sa sinabi niya dahil hindi ko maintindihan ng gusto niyng iparating. Anong iba na? "Ayoko maging pokpok.."maanghang na sambit ko kaya humalahak na naman siya ng parang magkukulam. "Iba na ang raket namin ngayon. Sa mga pangyaman na bar ang target namin. Alam mo naman ang mga bar maraming lasing na tao na hindi nila masyado alam ang ginagawa nila kaya doon tayo lilitaw, konting akit lang. Sungban ng halik at kunwari nililibot mo ang kamay mo sa katawan nila pero ang totoo hinahanap mo lang ang wallet niya at kukunin ang mga mamahaling bagay na gamit katulad ng relo, singsing, kwintas at iba pa. Hindi pwedeng phone dahil maaring patrack nila tayo.." napaawang ang labi ko dahil maganda ang raket nila ngayon pero ang ayaw ko ay kailangan may paakit akit pang nalalaman pati na rin 'yung pahalik halik. Walang pinagkaiba sa mga pa walk na babae dahil inaakit at hinahalikan nila ang mga parokyano haggang sa mauwi na sa sipingan kapalit ng pera. Eto namang raket nila parang gano'n na rin dahil may pangaakit at paghahalik na gaganap para makuha ang pera. "Kapokpokan pa rin 'yun! Syet, aakitin at hahalikan? Nakakadiri!" nakangiwi kong sambit kaya sumeryoso lang ang mukha niya. "Nasa sa'yo kung gusto mong gawin ang gano'n Paint. Mas effective kasi kapag inaakit mo muna bago nakawan dahil malabong mahuli pero kung makakanakaw ka sakaniya ng hindi mo kailangan gawin 'yun edi mas maganda.." natahimik ako sa sinabi niya dahil hindi naman pala required na mangakit, basta gumawa kaang ng paraan paano makakanakaw. "Ano G? Tutal expert ka naman sa pagnanakaw siguro hindi mo na nga sila kailangan akitin para makuha ng pera.." napatitig ako ng matagal sa mata niyang naka contact lense na kulay gray. "G, magkano ba parte?" paniniguro ko dahil lahat naman ng gan'to ay may parte dahilan para kumikita 'tong gurang na 'to. "Tutal bago kang recruit at nasa hospital ang tatay mo eh wala muna pero kung sa mga susunod na araw na pagsama mo saamin. 20 % saakin sayo 80%." napangisi ako ng malaki dahil malakaking parte ang makukuha ko kung sabagay hindi naman siya naghihirap sa sobrang daming sugar sa daddy niya. "G na, maganda ka naman pala kausap.." lumaki ang ngisi niya st hinila ako papunta ng Van. "Girls, kasama na natin ang bagong recruit!" apat na babae ang nasa lob nitong van pero si Sam at Danice lang ang kilala ko. "Bakit kasama 'yan? Eh----." pinutol ni Mamsh Jorgie ang pagrereklamo ni Sam. "Just welcome her.." nginitian ako ng dalawang magandang babae n mukhang galing sa Brgy. Aplaya kung saan nakatira si Mamsh Jorgie. "Welcome.'' matamis na saad ng dalawa samantalang si Samantha ay inirapan ako at si Danice naman blanko ang ibinigay na ekpresyon saakin. "Dadaan muna tayo ng bahay ko para makaligo at makapagpalit si Paint ng damit!" nanlaki ang mata ako dahil mukhang kailangan ko rin talaga magsuot ng katulad ng sakanila n pan sexy na damit. "Ih ano ba oras na!" reklamo ni Sam saka inirapan ako. "Ikalma n'yo k**i n'yo mapapasukan 'din 'yan ng mayaman na sandata. H'wag kayong atat d'yan.." iritadong usal ni Mamsh sakanila bago ako balingan ng tingin. Pagpasenyahan mo na sila, hindi lang pera habol ng mga 'yan. s*x 'din. Alam mo namang maraming gwapo sa bar na mayayaman kaya tigang mga 'yan. Hindi mo sila katulad.." napangisi nalang ako at napailing iling. "Halata nga." saad ko at diretsong tumingin kay Danice na nakatingin din saakin. Tuluyan na akong pumasok sa loob at tumabi sa tabi ni Danice dahil ito ang bakante. Ang tatlo naman ay nasa likod at nasa tabi ng driver si Mamsh. Nagsimula ng umandar ang Van dahil papunta kami ng bahay ni Mamsh Jorgie para makaligo at makapagpalit ako ng damit. "Ano? Inaway mo pa nanay ko tapos dito rin pala bagsak mo.." malamig pero puno ng pagiinsultong saad ni Danice. "Iba ako sainyo, iba strategy ko sainyo. Hindi ako papagalaw, papahawak, papahalik. Mabilisang kuha lang ng pera.." pa cool kong saad saka ptedeng sumakay dito sa Van. Last time ata akong nakasakay sa gan'to 4 years ago pa. "Ow, expert ka nga palang magnanakaw." inirapan ako ni Danice at inilabas ang mkake up kit niya mula sa mukang mamahalin n'yang hand bag. "Ikaw ba? Alam na ng nanay mo na hindi ka nalang lang pokpok kung hindi magnanakaw na rin? Lakas kasing ipamukha saakin na magnanakaw ako." mapangasar kong saad habang binabalik balikan ng isip ko ang mga senaryo kanina sa daan. "H'wag mo 'kong kausapin 'di tayo close." masungit na saad niya. "Wow, Danice sino kaya unang nakipagusap saakin? Kilala mo?" painosente kong tanong kay Samantha na nasa likod namin. "Hindi!" pabalang na sagot niya habang nakatingin sa Iphone na sponsored panigurado ng sugar daddy niya. "Ako syempre kilala ko. 'Yung Tarshier na nakakilay, lipstick, blush on, and eyeliner inshort Danice." tumawa ako ng pagkalakas lakas kaya sinabayan ko ng dalawang babae sa likod na 'di ko kilala. "Hahaha. Funny ka pala." saad ng rebonded ang hair. "Ay hindi joke 'yun totoo 'yun!" tinignan ko si Danice na masama ang tingin saakin kaya napangisi ako ng malaki. "Wala akong sa mood makipag asaran sa'yo Pintura." pinaikot niya ang mga mata niya at humarap muli sa hawak niyang salamin. "Ako Pintura? Mukha mo pininturahan." pinagtaasan niya lag ako ng middle finger. "F-ck you!" Inasar asar ko lang si Danice dahil masyadong pikon ito parehas ng nanay niya, ang kaibahan lang nila ay mas kalmado mapikon 'tong si Danice kaysa nanay niyang si Aling Melva. Nang makuntento na ako ay nakipagkwentuhan ako sa mga babae sa likod na sina Erichka at Xavienne. Tama nga ako at ka barangay lang nila si Mamsh Jorgie at pareho pa pala silang estudyante sa kolehiyo. Sa pagkukwentuhan namin ay nalaman ko na kahapon lang pala nagsimula ang raket nilang 'to at mas malaki ang kinikita nila kumpara sa pagiging bayaran nila kaya stick na sila dito. Dumaan kami ng bahay ni Mama Jorgie para makapagpalit ako ng damit. Mahigit 30 minuto akong inaayusan at pinapaganda kasama na ang pagligo ko dahil kailangan magmukha raw kong mayaman para hindi agad paghinalaan. "Kailangan ba talagang gantong kaliit na short at crop top na damit? Potek kita clevage ko." saad ko nang makapasok muli kami sa Van. Nakasuot kasi ako ng high waist black short na tinernuham naman ng puting crop top na parang off shoulder.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD