“It’s okay… isipin ko na lang na wala tayong pinag-usapan ngayon.” Tumalikod na ako dahil baka hindi ko na kayanin pa ang emosyon. Kahit kailan hindi ako nagpumilit maging bahagi ng buhay ng kahit na sinong lalaki. Pero bakit kapag kay Claude parang gusto kong ipilit na gustuhin niya ako? Bakit nasa punto ako na dapat mahalin niya ako. Nabigla ako nang hilahin niya ako pabalik. Nagkatitigan kaming dalawa. “I’m yours… you’re mine… I’m still yours…” tila hirap na aniya. Kumabog nang husto ang dibdib ko. “You mean kahit—“ “Kahit umalis ako o bumalik as long as we’re okay, you’ll always be my only Snow.”’ Lalong nag-init ang mga mata ko. Nakagat ko ang ibaba ng labi ko. Nagsunod-sunod na ang pagragasa ng luha sa ‘king mga mata. Hinawakan niya ang baba ko at tinawid ang pagitan ng la