CHAPTER 23

1953 Words
Nandito kaming lahat sa sala, pag-uusapan namin ang aming nakalap na mga impormasyon. Nakapalibot kami sa lamesa na puno ng mga litrato ng mga suspects at biktima.  "Now, can you tell us what you have gathered Ron?" Tanong ko. Tumango naman si Ron at iniharap sa amin ang kanyang laptop.  "Habang chinicheck ko ang mga footage around the villas, na laman ko na may mga footages na na bura around 10-11:30pm sa gabi ng graduation party ng magkakaibigan but before that nakunan ng CCTV ang pag aaway nina Andrea at ng mga biktima, around 9:30pm ay namataang nag lalakad pauwi ang magkakaibigan habang nag aaway. na bura na ang parte nang umupo sila sa gilid ng kalsada." Saad niya. "Hindi mo ba kayang ibalik ang footages na binura Ronny?" Tanong ni Tim. Ni lipat ni Ron sa ibang tab ang naka display, doon nakita namin ang isang video na nag aaway sa gilid ng daan, hindi kalaunan ay may biglang huminto na sasakyan sa kanilang kinaroroonan. Nang una ay makikita na parang tumatanggi pa ang dalawang biktima na pumasok ngunit nang pumasok sa sasakyan si Andrea ay sumunod na rin ang dalawa. Na lipat naman ang footage sa harap ng bahay ni Andrea, huminto doon ang parehong sasakyan na sinakyan nila kanina. Ilang minuto pa ay lumabas sa sasakyan ang nanginginig na si Andrea. Pa suray suray ito na naglakad pa pasok sa bahay. "Nakuha mo ba ang plate number ng sasakyan Ron?" Tanong ni Xian. Tumango namin ang aming kaibigan at may ipinakitang rehistro sa amin. "Nang tiningnan ko kung sino ang may ari ng sasakyan na iyan ay nalaman ko na patay na ang may  ari nito isang buwan na ang nakakaraan." Sagot ni Ron. Tumango naman kami s akanyang sinabi. "Dale and Tim?" Tawag pansin ko sa kanila. "Tinanong namin ang mga nakasama ng biktima sa graduation party maging ang boyfriend ni Andrea ay amin ring nakapanayam. Halos lahat ng mga kasama nila ay iisa lang ang sagot. Sa gabi daw na iyon ay ka pansin pansin ang bangayan ng magkakaibigan. wala naman daw ibang kasama na umuwi ang tatlo kundi sila lamang. Padabok pa nga daw na umalis ang tatlo at hindi na nag paalam sa iba." Saad ni Timmy. "Nang tanungin ko naman ang kasintahan ni Andrea kung bakit sila nag aaway ay dahil daw sa selos. Mayroon daw kasing lalaking umaaligid kay Andrea ngunit parang wala lang sa babae dahil wala naman daw siyang nakikitang mali roon. Hindi na daw natapos ang pag uusap nila dahil bigla na lamang nag walk out ang babae at nag aya na ngang umuwi sa mga biktima." Saad naman ni Dale. Sunod naman na nagsalita ay si Xian. "Inimbistigahan ko ang pinakamalapit na bahay sa ilog. Si Dave, isa siyang mangbabangka sa lugar na ito. Tinanong ko siya kung nasaan siya sa gabi na nangyari ang krimen, ang sabi niya ay naroon daw siya sa club ng villas. Nang pauwi na siya ay nakita niya raw ang magkakaibigan na nag aaway, hindi daw niya na lamang iyon pinansin dahil normal naman daw 'yon sa mag kakaibigan at umuwi na lang daw lamang siya. Nang tinanong ko kung personal ba niyang kilala ang mag kakaibigan, ang sabi niya ay si Andrea lamang daw dahil madalas na sumasakay sa bangka niya ang babae. At hindi daw niya ikaka-ila na humahanga raw siya sa angking ganda ng dalaga."  Saad ni Xian. "Si Johnson naman ay isang off duty soldier. Nandirito siya sa villa upang mag bakasyon. Ang sabi niya ay nakilala niya ang talong babae dahil sa kaingayan ng mga ito sa tuwing nakakasama niya ang mga ito sa iisang lugar. Sa gabi ng krimen ay nabulabog daw ang kanyang pag tulog sa sigawan ng mag kakaibigan, nang lumabas raw siya upang sitahin ang mga ito ay nakita niya ang pag hinto ng isang Mercedes-Benz sa tapat ng mga babae. Nag talo pa nga daw ang mga ito bago pumasok. Nasisiguro naman daw niya na isang lalaki ang nagmamaneho ng sasakyan." Saad ni Jin. Napatango naman kaming lahat.  "Sa ngayon ay ati---Ano ang ingay na iyon?" Tanong ko. Nahinto ang aking sasabihin ng may marinig akong serena. Nagkatinginan kaming lahat ay mabilis na lumabas ng bahay.  Napatakbo kami ng makita ang isang stretcher na inilabas galing sa bahay nina Andrea. Bago paman isara ang pinto ng ambulansya ay nakita ko pa ang ang maputlang mukha ni Andrea. "Anong nangyayari?" Tanong ko sa ina ni Andrea. Mabuti nalang hindi pa na tatanggal ang make up na inilagay ni Tim sa amin kaya nakilala agad ako ng ginang. "Ang anak ko, nag bigti ang anak ko" Umiiyak na saad nito. Niyakap ko naman ang ginang at hinagod ang likod nito. "Sino ang sasama sa hospita?" Tanong ng rescuer. "Ako! Ako! Pasensya na." Nag mamadaling sumakay ang ginang sa ambulansya.  Tiningnan ko ang aking mga kasama at senenyasan silang pumasok. "Tingnan natin ang buong bahay lalo na ang kwarto ni Andrea." Saad ko sa kanila na agad naman nilang sinunod.  Nilibot namin ang buong bahay, pagkatapos ay sabay na pumasok sa nag iisang kwaro na nakabukas. Agad akong pumunta sa mesa ng kwarto dahil sa papel na nakita ko. "Mama, pasensya na kung naging disapponment ako sayo. TUnay nga na wala akong kwentang anak. kung makukuLong ako dahil sa aking aaminin ay mas mabutiNG mamatay na lamang ako. hinDi ko nAman sinasadya na mapatay sina luna at sam. patawad tita Vina, mga tito at tita Erna. patawad sa lahat. paalam." Basa ko sa sulat na iniwan ni Andrea.  "Guys. Look at this." Tawag pansin ni Timmy sa amin. Ipinakita niya sa amin ang gamit na lubid ni Andrea sa pagbibigti. Nang hawakan ko ito ay nangunot ang aking nuo. Baakit medyo basa ang lubid na ito? Lumapit si Ron sa amin at ipinakita sa amin ang cellphone ni Andrea. Mayroon siyang video na nag hahayag ng kanyang confession kung paano niya napatay ang kanyang mga kaibigan. Nanginginig niyang nilagay ang camera sa kanyang harapan.Tumutulo na ang kanyang luha hindi pa man siya nakakapagsalita.  "I'm sorry, Sam, Luna, I'm sorry." Humihikbing aniya. "I---oh god. I killed them. I killed my friends." Napapaigtad at umiiyak na saad niya. "Kung alam ko lang na mangyayari ang bagay na iyon ay sana hindi na lang akonag aya na umuwi. Sana nakinig ako sa kanila---Sorry" Nanginginig na ang labi ni Andrea habang patuloy pa rin na sinusubukang mag salita. "Ako ang pumatay sa kanila, pinatay ko ang mga kaibigan ko. Hindi ko sinasadya, hindi ko alam. God! Hindi ko na kinakaya ang nangyayari. Mommy, sorry sa gagawin ko. Hindi ko na kaya." Nanginig na tumayo si Andrea at hinila ang kanyang upuan. Tumungtong siya at isinabit ang sarili sa lubid na nakasabit sa kisami.  Naputol ang video nang biglang kuumatok ang in ni Andrea. Kitang kita naman ang mukha ni Andrea na pilit dinidilat ang kanyang mata at tinatawag ang ina. "It's not a suicide." Seryosong saad ni Timmy. Tumango naman kami sa kanya. "Ang bobo lang ng killer. Siya pa talaga ang nag off ng cam" Ngising saad ni Dale. Napangisi naman ako sa kanyang sinabi.  "Ano na ang gagawin natin Jel? Batid kong alam ninyo na rin kung sino ang killer." Saad ni Ron. Naglakad ako papunta sa bintana ng kwartong ito at tinanaw ang bahay ng killer sa hindi kalayuan. "Gather everyone in Kuya ket's house. Sabihin ninyo na may anunsyo ang may ari ng villas. Let's end this s**t tonight." Nakahingising saad ko. "You can't conceal your crime Mister, will hunt you down until we see you inside the jail." saad ko sa aking isipan. Killer's POV Sa wakas ay wala na akong poproblemahin dahil naligpit ko na si Andrea. Mapapahamak pa ako dahil sa mga mga babaeng iyon. Tsk! pero mabuti na lang wala ng maingay sa lugar na ito. Ma eenjoy ko na ang natitirang araw ng bakasyon ko ng walang maingay at walang problema. Kung hindi sana nag aaway aaway ang mga babaeng iyon ay hindi sana nila sasapitin ito.  Nandili talaga ang aking paningin nang makita kong sinampal at inaway ng dalawang babae na iyon si Andrea. Ang gandang mukha ni Andrea ay dinamputan nila ng kanilang maduduming kamay, kaya iyon lang ang na rarapat sa kanila. Ngunit dahil sa ginawa kong iyon ay nagalit sa akin si Andrea. Kaya mas mabuting patahimikin ko na rin siya bago pa man niya ako ikanta sa mga imbistigador na iyon. Ngayon, iisipin nila na si Andrea mismo ang kumitil sa mga buhay ng kanyang mga kaibigan. Makakatulog na ako ng mahimbing sa ka alamang wala ng mag lalaglag sa akin. Nag taka ako ng may biglang nag doorbell sa labas. Anong oras na, sino naman kaya ang istorbong iyon? Isinuot ko ang aking leather jacket ay kinuha ang aking baril pagkatapos ay inilagay ko ito sa likuran ng aking pantalon. Binuksan ko ang pinto at bumungad sa akin ang lalaking nagpakilalang personal na imbististigador raw ng may-ari. Ang binatang ito ang nag tanong rin sa akin kanina. "May kailangan ka?" Tanooong ko. "Sorry for disturbing your night sir but Mr. Bright wants to see all the tenants of the villas, he said that he has an announcement to make." Saad niya, tumango naman ako sa kanya at sumunod na pagkatapos kong isarado ang pinto. Ano naman kaya ang e aanounce ng Becket na iyon? Jel's POV Nang ma kompleto na ang lahat ay tinanguan ko si Dale, lumapit siya sa pinto at ni lock ito. Si Dale ang mag sisilbing bantay ng pinto para walang maka labas sa bahay na ito. Si kuya ket at sir bright naman ay naka upo lang sa hagdanan at pinag mamasdan kami. Tiningnan ko ang mga nagtatakang tenants, ang iba ay naka suot pa ng pantulog. "Good evening ladies and gentlemen, sorry for the late call." Rinig kong saad ni Jin. "Ano po ba ang e aanounce ni Sir bright? Akala ko ba siya ang nag pa tawag sa amin? Bakit kayo ang humaharap sa amin ngayon?" Tanong ng isang babae. "Oo nga, delikado pa naman umuwi sa lugar na ito, lalo na't hindi pa rin na huhuli ang salarin sa pag patay ng mga dalagang si Sam at Luna." Saad naman ng lalaking naka pang swimming pa. Delikado raw pero nakayanan niyang mag night swimming sa ilog. Nginitian ko silang lahat. "Kaya namin kayo ipinatawag dahil gusto naming ma panatag na ang inyong loob. Nakilala na namin ang salarin sa pagpatay sa mga dalaga." Ngising saad ko. "Isa sa inyo ang pumatay sa kanila." Seryosong saad ko. Nag bulong bulungan naman sila. Nakita ko naman ang killer na nangunot ang noo. "Anong ibig ninyong sabihin? Hindi ba't umamin si Andrea na siya ang pumatay sa mga kaibigan niya?" Saad ng killer. Napangisi naman kaming mag kakaibigan sa  kanyang sinabi. Nilalaglag niya ang kanyang sarili. Gulat naman na napatingin sa kanya ang mga tenants. "Si Andrea? Kaya pala nag pakamatay siya, sobrang na guiguilty siguro." ito ang mga naririnig kong sinasabi ng iba. "Paano mo naman nalaman na umamin na si Andrea sir?" Maarting tanong ni Tim. "Na rinig ko lang sa mga pulis, may video daw at sulat na iniwan si Andrea na nag sasaad ng kanyang pag amin sa kriming na gawa" Sagot ng killer. "Ito ba?" Singit ni Ron at ipinakita ang sulat sa lahat, pati ang video ay pinlay din niya. "Bakit nasa inyo iyan?" Kinakabahang tanong niya. "Dahil wala namang pulis ang pumunta rito?" Nakangising saad ni Xian. Mas lalong lumakas ang bulong bulangan sa paligid. Habang ang salarin naman ay namamawis na ang mukha. Mas lalong lumaki ang aking pag ngisi sa nakikita kong reaksyon sa kanyang mukha.  Time to reveal the truth Mister
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD