IKALAWANG KABANATA
°°°°°°
KULANG-kulang dalawang oras din ang naging byahe ni Leonora sa himpapawid bago makarating ng Manila. Samantalang si Mang Dado ay via roro naman ang naging byahe nito kaya expected niyang alas-dose ng tanghali ito makakarating sa Manila.
Nasa Ninoy Aquino International Airport siya ngayon, hinihintay niya si Ramon. Ang usapan nila susunduin siya nito pag lapag niya. Ang buong akala niya nga nandoon na ito sa paliparan. Pero parating na raw ito at huwag siyang mag-alala.
Nagpasya muna siyang kumain sa mcdo na nasa loob lang din ng airpor, alas-onse pa lang ng umaga. Maaga pa naman, alam nyang nasa duty si Ramon sa isang pribadong hospital malapit sa area nito sa condo na tinutuluyan ng katipan.
Tulad ni Megan taga-Marinduque lang din ito, 'yon nga lang malayo ang lugar nito sa kapatid niya.
Halos hindi pa rin siya nakakasama kay Ramon sa pamilya nito sa Marinduque, halos kaso lahat ng kamag-anak nito nakatira na rin sa Magallanes, Makati.
Nag-order siya ng burger at spaghetti ang madalas niyang comfort food pag napapagod siya. Gustuhin niya man hintayin si Ramon, wala na siyang magawa na. Gutom na talaga siya.
Naisip niyang naipit ito sa traffic, sabado ang araw na 'yon; rush hour at pay day. Maghihintay na lang siguro siya doon ng ilang minuto pa.
Baka dumating na rin ito maya-maya kaunti, naisip niya. Kilala niya si Ramon madalas itong nagtatampo sa kaniya pag hindi niya ito hinihintay sa oras ng usapan nilang dalawa, sa nature kasi ng trabahong mayroon ito kaya madalas talaga itong nahuhuli.
Naiintindihan niya nanan ang lahat at wala naman problema sa kaniya, trabaho naman kasi ang madalas na dahilan at wala ng iba pa.
Ilang minuto pa ang hinintay ni Leonora, nang namataan niya si Ramon. Nagmamadali itong naglalakad papunta sa kung saan siya, kumaway ito sa kaniya nang matamaan siya nito ng tingin at agad na nilapitan siya.
"Sorry, Loves. Traffic—" pagtangkang ipaliwanag sa kaniya ni Ramon nang halikan siya nito sa pisngi niya.
"Oorder ka? O, ako na lang?" tanong niya rito.
Sa ayos ng magiging asawa niya mukhang stress yata ito sa trabaho— ilang linggo lang siyang nawala, pero mukhang stresss yata ito at halatang-halata sa eyebag nito.
Kung gaano pala siya nag-enjoy sa Marinduque ganoon naman yata ang naging alalahanin, na naramdaman ni Ramon sa Manila.
"Hectic schedule now sa hospital," sagot sa kaniya ni Ramon.
"Mukha nga, pero ang gwapo pa rin ng magiging mister ko," puri niya rito nang tanggalin nito ng salamin sa mata nito.
"Order lang kita ng pagkain mo. Iyong dati na lang ba?" tanong niya rito; apple pie at drinks lang naman ang madalas i-order ni Ramon kung nasaan man sila ngayon.
Tumalima na siya at hindi na hinintay pa ang pagsang-ayon nito nang napatingin ito sa sariling iphone ipad na madalas nitong dalhin, work matters na naman siguro, aniya sa isip ni Leonora.
----
"Megan Buenaflor..." sambit ni Garreth sa pangalan ni Megan.
Nasa may pampang sila ng dagat ngayon, iniisip niya kasi si Leonora, alam niyang nasa Manila na ang kapatid niya. Masama lang ang loob niya rito at hindi man lang nito nakuhang mag-text sa kaniya, nangako pa naman itong tatawag ito o mag-te-text agad oras na makarating ito ng Manila.
"Dala ko bike ko. Angkas ka ba? Punta tayo ng bukid..." untag sa kanya ni Garreth.
Hindi siya nag-aksaya ng tingin dito, malayo ang tingin niya. Ni hindi man lang siya nagtangkang lingunin ito, abala ang isip niya. Masama pa rin kasi ang loob niya sa mama at papa niya, kung bakit hindi man lang siya nito nagawang payagang sumama kay Leonora.
Palagi na lamang ang mga itong mahigpit sa kaniya. Kahit sa kasal ng nag-iisa niyang kapatid, hindi man lang siya nagawang payagan ng mga ito.
"May problema ka ba, Megan?" tanong sa kaniya ni Garreth. Kilala niya si Garreth, alam niyang noon pa man makulit na talaga ito.
Wala ng siguro itong paboritong kinukulit kung hindi siya lang. Sabagay wala naman nakakalapit sa kaniya maliban sa nag-iisang lalaking 'to. Palibhasa anak ng bise mayor sa siyudad nila, kaya ganoon na lamang kalakas sa mga magulang niya.
Gwapo naman si Garreth, magalang, mabait at madalas niyang nakakasama sa lahat ng bagay. Isa lang naman ang ayaw niya dito, ang pagiging pakialamero nito sa lahat ng ginagawa niya sa buhay. Ito pa nga ang madalas magsumbong sa kaniya sa mga magulang niya pag naiisipan nyang gumala sa gitna ng klase nila.
Nurse din ang kursong kinukuha ni Garreth, kaya nga halos sa lahat ng araw na ginawa ng diyos sila na talaga ang magkasama.
"Hoy. Para naman wala akong kasama dito," may himig pagtatampo nitong sambit sa kaniya.
Sa pagkakataong iyon nilingon niya ito. May nabubuong plano sa isip niya at alam nyang isa si Garreth sa makakatulong sa kaniya--- umaasa siyang makikita niya si Leonora bago ito ikasal.
"Samahan mo ako sa Manila, Garreth---"nakangiting sabi ni Megan kay Garreth. Malaki ang tsansa niyang makakaalis siya sa kanila sa tulong ni Garreth--- gagamitin nya ang nobenta porsyento na papayagan siya ng papa nya sa malaking tiwala nito kay Garreth. Pero syempre itatago niya ang totoong dahilan. Hindi dapat malaman ng mga itong sa Manila sila pupunta.
"Pinagsasabi mo, Megan?"
"Kailangan kong makita si Ate Leonora--" totoong tugon niya dito. Pero sa isip niya hindi lang naman si Leonora ang kailangan niya, gusto nya rin makita si Ramon--- ang ideal man niya kahit nabuhay lang ito sa isip niya dahil sa kwento ng Ate Leonora niya.
Nasasabik siya.