IKA-TRIYENTA KUWATRO NA KABANATA

2674 Words

"Ipagtimpla mo nga ako ng juice dalhin mo sa garden. Bilisan mo!" malakas na utos ni Silvia sa kasambahay ng mga 'magulang' niya kuno. Sumama siya sa mga ito sa Baguio at ibinigay ang lahat ng makapagpapasaya sa kanya bagay na labis naman niyang ikinatuwa. "Ang sarap sa pakiramdam ang para kang reynang pinagsisilbihan," madalas nga niyang sabihin sa sarili. Hindi naman siya naghirap sa piling ng nakagisnang ama. Pero wala pa sa hinliliit niya ang kayamanang tinatamasa niya sa piling ng mga 'magulang'. Ang anklet nga'y binayaran na rin niya ng buong-buo bago sumunod sa mga ito sa Baguio. "Oh, anong ibinubulong-bulong mo? Ang sabi ko'y ipagtimpla mo ako ng juice hindi ang para kang bubuyog diyan! Bilisan mo!" singhal niyang muli sa pobreng katulong. Yes! Matapobre ito na hindi nalingid

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD