NANAMI'S POV Hindi ko alam kung anong nangyayare dahil may isang magandang babae ang dumayo sa dorm namin at bigla nalang akong niyakap. Wala akong matandaan na meron akong kaibigan na 'sing ganda nya? “Teka, teka, teka.” Hiniwalay ni Shasha sakin 'yong babae saka sya humarang sa harap ko. Hala si ateng maganda? Sinaniban ng kabaliwan. “Tinatanong kita kung sino ka?” Tinarayan nya si Shasha at binaling ang tingin sa 'kin. “I'm Yhanna. Yhan for short,” sabay lahad ng kamay nya sa harap ko. Ayaw kong maging isnabera kaya akmang makikipag-shake hands ako ng biglang si Shasha ang nakipag-shake hand. Hinawakan nya ako saka kami nag-teleport. “So-sorry,” hindi ko alam kung bakit sya ganyan. Problema nya? Naglakad nalang ako dahil magsisimula na ang klase panigu