Chapter 1

896 Words
By Michael Juha getmybox@hotmail.comfb: Michael Juha Full --------------------------- First year college ako noon, labing-anim na taong gulang lang nang mapasali ako sa volleyball team ng unibersidad. Ang totoo niyan, hindi ako masyadong mahilig sa volleyball; basketball ang gusto ko. Ang siste, nasa 5’4” lang ang height ko kung kaya ay wala talagang pag-asa na mapasali ako sa team ng school. Anyway, napagkatuwaan lang namin ng kaibigan ko na sumali sa volleyball try-out. Dahil ang kailangan lang naman daw sa team ay tosser at walang specification sa height kung kaya ay nakasali kami. Kahit papaano naman kasi, nakapaglaro rin ako ng volleyball noong high school pa ako. Kaya sabi ko, magpapawis lang kami at mag-enjoy sa tryout. Kaya, go. Walang expectation, walang pressure, walang hassle. Basta mag-enjoy lang kami sa laro, solved na. Marami kasing magagaling at matatangkad ang sumali sa tryout. Halos lahat ng miyembro ng varsity team ay nasa third at fourth year college at ang pinakamababang height ay nasa 5’9”. Kaya alam kong wala akong pag-asa. Ngunit nang matapos na ang try-out, laking gulat ko nang ang pangalan ko ang isa sa dalawang tinawag. Halos hindi ako makapaniwala. “Ako ang nagrecommend na isa ka sa piliin. At ikaw din ang gusto ng karamihan sa team.” Sabi sa akin ni Romwel, ang team captain nila na tinaguriang “crush ng bayan” dahil sa angkin nitong kakisigan at tindi ng appeal. “Nakita ko kasing masipag kang kumuha ng bola kahit sa mahihirap na puwesto, maliksi, maganda ang ball handling at maganda rin ang pagpasa mo sa bola sa mga kasama. Malaki ang potential mo,” dagdag na paliwanag niya. Napangiti na lang ako, hindi pa rin makapaniwala sa biglaan kong pagkasali sa team. Doon ko na rin na-meet ang mga kasama sa team noong ipinakilala ako ni Romwel sa kanila. “Waahhhh! Ako ang pinakamaliit, at pinakabata!” Sigaw ko sa sarili. Simula noon, palagi na akong kasama sa practice maging sa mga laro at liga. Ang naging pinaka-close ko sa lahat ay syempre, si Romwel, ang team captain namin. Si Romwel ay 22 years old at fourth year na sa college. Graduating student, kumbaga. Ewan din ba kung bakit ako ang pinakagusto niyang asar-asarin at biru-biruin. Pero sobrang sweet naman lalo na kapag nasa ibang lugar o school kami naglalaro. Iyon bang kapag hindi niya ako nakikita, hinahanap at nag-aalala, tinatanong kung nasaan, kung kumain na ba, o baka nalipasan ng gutom o naligaw. Halos hindi ako hinahayaang mawala kahit ilang saglit sa tabi niya. Nakababatang kapatid na talaga ang turing niya sa akin. Kaya ang tawag ko sa kanya ay “Kuya Rom.” Actually, “Kuya” rin naman ang tawag ko sa lahat ng mga teammates ko. Pero iba si Kuya Romwel; feeling ko kasi, kina-career niya ang pagturing sa akin bilang baby-brother, na gustong-gusto ko naman dahil nag-iisang anak lang ako at walang matatawag na kuya. Sa pagiging close namin ay wala namang kahit katiting na sumagi sa isip ko na may malisya iyon. Lalaking-lalaki kasi si Kuya Romwel, may girlfriend, at palaging babae ang bukambibig kapag nakikipagbangkaan sa mga barkada. Unang athletic meet iyon ng taon na sinalihan ko. Ang venue ay sa isang state university sa karatig-siyudad. Syempre, sobrang excited ako dahil iyon ang unang beses na makasali ako sa ganoong paligsahan at iyong pagkakataon na magkakasama-sama ang mga teammates na matulog, kumain, maglaro. Kapag ganyan kasing event, sa isang kwarto lang naka-assign ang mga athletes ng magkasamang teams, at ang tulugan ay sa papag lang ngunit sama-sama naman. Syempre, kami ni Kuya Rom ang magkatabi. Unang gabi namin sa athletic meet na iyon, oras ng tulugan. Halos hindi ako makatulog dahil sa naghalong excitement, saya at ingay ng mga ka-tropa. Ngunit noong mag-aalas onse na, nagalit na si Coach at pinatay ang ilaw upang matigil ang ingay, at makapagpahinga kami. Si Kuya Rom naman, iyong isang kumot ay itinakip sa aming dalawa. Pagkatapos, tumagilid siya paharap sa akin. Nakatihaya lang ako. Maya-maya, idinantay niya ang isang paa sa tiyan ko at ang isang kamay naman ay inilingkis sa aking dibdib. Niyakap niya ako. Iyon ang pinakaunang pagkakataong may katabi ako sa pagtulog, at unang pagkakataong may ibang taong yumakap sa akin. Noong paslit pa lamang ako, tanging ang mommy ko o ang yaya ko lang ang yumayakap sa akin. Kaya naninibago ako. Sa pagdampi ng paa ni kuya Romwel sa aking tiyan, ramdam ko ang paggapang sa aking katawan ng kakaibang kiliting hindi ko maintindihan. Tila may kasabikan akong nadama. Ang sabi ko na lang sa aking sarili, “Ganito pala siguro kapag may kuya. Nilalambing ka, niyayakap, iniinis, binu-bully...” “Kuya, ambigat ng paa mo,” ang bulong kong pagmamaktol, pigil ang boses upang huwag marinig ng iba. “Shhh! Yaan mo na. Gusto ko may kayakap pag natutulog. Ang lamig kaya.” “Argggghh! Kuya naman eh. Paano ako makatulog nyan?” “O sige, ganito na lang…” sabay tanggal ng kamay at paa niya sa katawan ko at tumihaya. “Tumagilid ka nalang paharap sa akin, at ikaw na ang dumantay ng paa mo sa tiyan ko at ipatong mo na rin ang isang kamay mo sa dibdib ko.” “S-sige” ang sagot ko na lang. Idinantay ko ang isa kong paa sa ibabaw ng tiyan niya at ang isang kamay ko naman sa ibabaw ng dibdib. Maya-maya, nakatulog na kami. Ngunit sa kalagitnaan ng pagtulog namin, naalimpungatan kong ang paa kong nakadantay sa ibabaw ng tiyan niya ay hinawakan niya at itinulak-tulak ito pababa – sa umbok mismo ng p*********i niya! ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD