Chapter 3 - Curiosity kill the cat

1960 Words
Patricia "Bakla ano kayang mayroon, bakit kaya ang daming press dito?" tanong ni Ram pagkatapos mag-park at napatingin ako sa entrance ng building.  "Bakit mo sa akin tinatanong eh kanina pa tayo magkasama." suplada kong sagot at humarap ito sa akin.  "Wow! May attitude ka na girl ha." nakataas ang kilay na sabi nito sa akin at ngumiti ako nang pilit.  "Baka naman may artista o kaya ay kilalang tao kaya maraming press." sabi nito pagkapatay ng makina ng sasakyan.  "Baka naman ako ang hinihintay nila." biro ko habang inaayos ang buhok ko sa salamin.  "Ay, nagpapatawa ang ale hindi naman nakakatawa." paismid na sabi nito at napasimangot ako.  "Tara na nga at baka hinihintay na itong mga order. Tawagan ko lang muna si Cynthia para sabihin na nandito na tayo". sabi ko.  Kinuha ko ang phone sa bag at tinawagan si Cynthia para ipaalam na dala na namin ang mga order nito. Matagal na namin itong customer at lagi itong nag-oorder sa kanila lalo na kapag may mga occasions. "Cynthia, nandito na kami sa parking lot saan ko ba dadalhin itong mga order mo?" tanong ko rito.  "Pasensya na Patricia hindi na kita masusundo sa lobby sobrang busy ko na kasi ngayon. Pwede mo kayang iakyat na lang dito sa office ko?" tanong nito sa akin at napatingin ako kay Ram.  Ilang beses na rin naman akong nakapag-deliver kay Cynthia pero usually sinasalubong lang ako nito sa lobby. Once pa lang ako nakarating sa office nito noong Chistmas party sa department nito.  "Ganoon ba? Okay no problem sis punta na lang kami riyan." sagot ko at nagsalubong ang kilay ni Ram.  "Busy na si Cynthia kaya hindi na siya makakababa para kunin ang mga orders niya. Tayo na lang ang magdadala sa office niya ng mga ito. May oras pa naman tayo kaya okay lang." paliwanag ko kay Ram at tumango ito bilang pagsang-ayon.  Pagdating sa loob ng building ay nag-log in muna kami at nag-iwan ng I.D. Laking pasasalamat namin at tinulungan kami ng isa sa mga security guard na magdala ng mga box. Pagpasok namin sa elevetor ay may tatlong babae kaming nakasabay at same floor din ang pupuntahan ng mga ito.  "Today na ipapakilala ang apo ni Madam Imelda ang magiging bagong president ng company si Sir Vincent. Ibig sabihin ay lagi na nating makikita ang kagwapuhan niya. Hindi na ako makapaghintay na makita siya araw-araw." kinikilig na sabi ng isa sa tatlo.  "Talaga ba! Siguradong madami ang matutuwa sa balitang 'yan. Pero totoo ba ang balita na single pa rin siya?" sabi naman ng isa.  "Yes na yes. Super single siya ngayon mga sister. Napakaswerte nang kung sino man ang mapapangasawa niya, buruin mo bukod sa super yummy at hotty ay richy pa. Daig pa ang nanalo sa lotto hindi ba? All in one kumbaga." kinikilig na sabi naman ng isa. Nagkatinginan kami ni Ram dahil sa mga naririnig namin. Hindi ko napigilan ang mapatawa nang nagkagat labi si Ram na sinamahan pa ng pagpikit. Nagets ko agad ang ibig sabihin nito kaya hindi ko napigilan ang mapatawa. Napatungo ako nang biglang lumingon ang mga ito at nakatingin sa amin. Pagtunog ng elevator ay nauna ng lumabas ang tatlong babae at saka kami lumabas. "Bessy, CONFIRMED. Nangangamoy buong paminta." sabi nito at napatawa lang ako.  "Tumigil ka nga riyan at baka may makarinig sa iyo." saway ko dito.  Nagpalinga-linga ako para hanapin si Cynthia pero hindi ko ito makita. Nag-decide na lang kami na puntahan ang table nito pero wala rin ito roon. Tumingin ako sa paligid para magtanong kaso wala kaming ma-abala. Halos lahat ng tao sa paligid namin ay abala.  "Manong guard ipatong na lang po ninyo dito sa lamesa. Maraming salamat po." sabi ko at umalis na ito.  "Don't tell me na hihintayin pa natin si Cynthia?" tanong nito habang palinga-linga.  "Alangan naman na iwan natin ang mga ito rito. Hintayin na lang muna natin baka naman pabalik na rin 'yon." sagot ko rito.  Ilang sandali lang ay humahangos na dumating si Cynthia. Inalalayan ko itong umupo habang nakahawak ito sa dibdib. Hindi ko mapigilang maawa dahil bakas sa mukha nito ang pagod at stress.  "Sorry. Sorry. Sorry talaga Patricia hindi ko na kayo nasalubong sa lobby kanina." hinihingal na sabi nito. Naghanap ako ng water dispenser at nang may makita ako ay kinuha ko ang tumbler nito sa ibabaw ng table. Nagtatakang nakatingin naman sa akin si Ram.  "Uminom ka muna ng tubig." sabi ko pagka-abot ng tumbler nito.  "Sorry Patricia, ang dami ko kasing ginagawa na abala ko pa tuloy kayo. Absent kasi 'yong secretary ng bagong Boss namin kaya ito hagardo versosa na ang lola mo. Hindi ko na nga alam kung ano ang uunahin ko." paliwanag nito.  "Okay lang 'yon, Cynthia." nakangiting tugon ko.  "Sana lang ay mapawi ng mga binake mo ang sungit ng Boss ko." sabi nito habang nakatingin sa mga box na nakapatong sa lamesa.  "Oo naman girl, sa sobrang sarap ng mga 'yan ay for sure malulusaw ang sungit noon sa katawan. Lahat ng ginagawa niya ay sinasamahan niya ng gayuma este pagmamahal pala." biro ni Ram at natatawang nag-high five ang dalawa ni Cynthia.  "Mam Cynthia, hinahanap na po ni Boss 'yong mga report na kailangan niya? Tinatanong din po niya kung naka-set up na daw po 'yong conference room." sabi nang isang staff at nakita kong parang mawawalan na ng bait si Cynthia.  "Kung okay lang sa'yo Cynthia kahit kami na ni Ram ang mag-arrange nito para matapos mo na 'yang pinapagawa sa iyo." prisinta ko rito at napatingin sa akin si Ram.  "Seryoso? Okay lang? Nakakahiya naman sa inyo pero hindi ko na 'yan tatanggihan kasi kulang na talaga ako sa oras." nakangiting tugon nito at tumango ako.  "Okay lang. Ituro mo na lang sa amin kung saan ba namin ito dadalhin para ma-arrange na namin." nakangiting sabi ko.  Tutal mamaya pa naman ang usapan namin ni Mia kaya may spare pa kaming oras. Nandoon na rin naman kami kaya naisip kong tulungan na ito. Sa tingin ko hindi naman ganoon kahirap at katagal ang gagawin namin kaya nagprisinta na akong tulungan ito.  "Salamat talaga sa inyo. Promise babawi ako sa inyo kapag may free time na ako para ma-treat ko naman kayo. Sobrang malaking tulong itong gagawin ninyo dahil ilang oras na lang ay mag-uumpisa na ang meeting." masayang sabi nito kasabay ang pag-abot ng isang sobre.  Pumunta na kami sa kwarto na tinuro nito kung saan ay aayusin namin ang dala namin. Napakalaki ng kwarto na 'yon may isang malaking projector at mahabang lamesa. Dahil parehas kaming HRM (Hotel Restaurant Management) graduate ni Ram kaya sanay na kaming mag-arrange at mag-set up. Isang mahabang lamesa ang nakapwesto sa may gilid ang nakita namin, kumpleto sa gamit mula sa blue and red tablecloth, kitchenware at isang malaking coffeemachine. Nag-umpisa na si Ram na mag-skirting at ako naman ay inayos ko na ang mga cupcakes, brownies at cookies. Inayos ko na rin ang mga tasa at platito sa ibabaw ng lamesa. May nakita akong malaking flower base, kunuha ko 'yon at nilagay sa pinakagitna ng lamesa as decorative. Nilabas na rin namin ang mga bottled water mula sa box at inayos ang mga 'yon sa ibabaw ng lamesa.  "Ang lakas maka-throwback naman nito bakla." sabi nito pagkatapos naming mag-selfie.  Pinadala ni Ram ang mga pictures nila kay Mia pero sinabi ko na huwag nitong ipopost dahil baka magkaroon kami ng problema. Hindi naman kasi talaga kami allowed na pumunta doon dahil hindi naman kami employees at wala kaming permission. Namiss ko tuloy 'yong mga ginagawa namin noong nasa college pa kami.  "Oo nga eh, college days lang." nakangiting sang-ayon ko.  Tiningnan namin ulit ang ginawa namin na set-up at napangiti kami nang ma-satisfied sa nakita. Nagkatinginan kami ng may marining kami na parang may nag-uusap sa likod ng pinto. Ewan ko ba pero bigla kaming nataranta ni Ram. Tumingin kami sa paligid at naghanap ng ibang pinto na pwede naming labasan. Napapikit ako nang walang makita na ibang labasan. Palakas nang palakas na ang mga boses at bigla naming narinig na may nagbukas ng pinto kaya agad na nagtago kami sa ilalim ng table. "We better do something before he gets everything. I won't let him have all of these." boses ng isang babae.  "But what can we do? Sooner or later he will found out about the missing funds and canceled transactions. Unless, something happen to him that will give us enough time para magawan ng paraan na matago ang mga 'yon. We can have all of these when his gone." sagot naman ng kausap nito na lalaki.  "Anong gagawin natin Ram?" pabulong na tanong ko rito.  Mukhang hindi simpleng usapan lang ang naririnig namin pero wala naman kaming kinalaman doon. Kailangan na naming makaalis agad dahil kung may makakita sa amin ay malaking problema ang kakaharapin namin. Napatingin ako sa orasan at ilang sandali na lang ay mag-uumpisa na ang meeting.  "Ewan ko." mahinang sagot nito.  "Bakit nga pala tayo nagtatago rito ay wala naman tayong ginagawang masama." bulong ko pagkalipas ng ilang minuto.  "Ewan ko, sumunod lang naman ako sa 'yo." inis na tugon nito.  "Ako? Eh ikaw nga itong praning na bigla kang nagtago dito kaya sumunod lang ako." gigil kong tugon.  Nagtakip kami ng bibig nang marinig na may pumasok pa. Rinig namin ang mga boses ng mga ito na nagtatalo, this time medyo malinaw na kaya sigudarong malapit ang mga ito sa pwesto namin. Nanalangin na lang ako na sana ay lumabas na ang mga ito para makaalis na rin kami. "Lord, please po sana tulungan mo po kami makaalis dito." mahinang panalangin ko.  Maya-maya lang ay narinig namin na  nagbukas na ulit ang pinto at tumahimik na. Nakiramdam muna kami ng ilang minuto bago sumilip si Ram para siguraduhin na wala ng tao. Nang makasigurado na wala na talagang tao ay mabilis pa sa alas kwatro na lumabas kami ng kwarto. Abot-abot ang panalangin ko habang mabilis na naglalakad sa hallway. Ngayon lang ako pinagpawisan at kinabahan ng ganito sa buong buhay ko.  Nagmamadali kami ni Ram na maglakad papuntang elevator pero pinilit pa rin naming umaktong parang wala lang. Abala pa rin ang mga tao sa paligid at mukhang wala naman nakapansin sa amin. Natatanaw ko na ang elevator kaya medyo nakakahinga na ako ng maluwag. "Hey!" sigaw mula sa likuran namin.  Kami ay biglang napatigil sa paglalakad at pigil namin ang paghinga. Pakiramdam ko ay maiihi na ako sa kinakatayuan ko dahil sa sobrang takot at nerbiyos. Ramdam ko rin na may mga maliliit na butil ng pawis sa noo ko. Halos nanunuyo na rin ang lalamunan ko at nahihirapan na akong makahinga. Alam kong wala naman kaming ginagawa na masama pero alam ko ay may company rules para sa mga outsider na katulad namin.  "Dito na matatapos ang reputasyon natin." nanginginig na bulong ni Ram.  Hinawakan ko ang kamay nito para patigilin ito sa pagsasalita. Hindi kasi ako makapag-concentrate kung ano ang dapat gawin at sabihin. Hinigpitan ko ang pagkakahawak sa kamay ni Ram na para bang iyon na ang huli.  "Sir, they are waiting for you." narinig kong may isa pang lalaki ang nagsalita. Ilang sandali lang ay nakarinig na ako ng mga yabag na papalayo. Kami ay agad na tumakbo papuntang elevator at sakto naman na bumukas 'yon. Halos himatayin kaming dalawa sa loob ng elevator pagkapasok namin. Pagkasara ng pinto ay noon pa lang ako totally nakahinga ng maluwag at maayos. Kinuha ko ang panyo sa bulsa ko at nagpunas ng pawis sa mukha.  "Gaga ka talaga kahit kailan." sabi ni Ram at napatawa ako nang makita ang itsura naming dalawa.  Sino nga ba ang mag-aakala na ang simpleng pagtulong namin ay muntik ng magpahamak sa aming dalawa. Hindi biro ang mga narinig namin at mukhang ang bagong Boss ang pinag-uusapan ng mga ito. Hindi ko lubos maisip na may mga tao na gagawa nang ganoon kasama para lang makuha ang lahat. Nakakatakot isipin pero ayaw kong madamay kami sa gulo ng ibang tao. Ayaw ko rin naman na makialam dahil hindi ko naman kilala ang taong tinutukoy ng mga ito. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD