bc

MAGIC PARADISE: THE LOST PRODIGY PRINCESS

book_age16+
1.0K
FOLLOW
4.1K
READ
adventure
reincarnation/transmigration
time-travel
magical world
friendship
secrets
superpower
rebirth/reborn
supernatural
special ability
like
intro-logo
Blurb

Normal na namumuhay si Erris Lily sa Earth kagaya ng lahat ngunit nagbago ang lahat nang dumating sa buhay niya ang dalawang lalaki na kalaunan ay nalaman niyang nanggaling sa Magic Paradise para sa isang misyon. Noong una, akala niya magiging saling pusa lamang siya sa misyon ng dalawang ito, hanggang sa lumala ang mga nangyayari at kinailangan niyang sumama sa mundo ng mga mahika.

Sa Magic Paradise kung saan nakatira ang lahat ng uri ng magic user, tinawag si Erris Lily na isang common magic user, pero sa paglipas ng mga araw matatagpuan niya ang iba't-iba pang sikreto na naghihintay lang matuklasan.

ERRIS LILY'S JOURNEY TO MAGIC PARADISE AND HER SECRET IDENTITY.

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
HIGHEST RANKING REACHED ON w*****d: Fantasy Category Top 1 (2014-2015) Wattpad Reads (As of 2021): 6 MILLION READS NOTE: Hindi po ito inedit o nirevise nang todo kaya kung paano ko siya isinulat noong highschool student pa lang ako at first time magsulat sa w*****d ay ganoon pa rin siya hanggang ngayon dito sa Dreame (kasi wala na ako timeeee mag-edit). At ang story po na ito ay pinili ni Dreame na ilagay sa PAY-TO-READ program o VIP story, meaning po noon ay may bayad na siya (na mapupunta sa author) per chapter bago mababasa. Yun lang po salamaaaat!!! TEASER "Pero bakit po sakin... ganoon din?" Kumibit balikat ito. "Bakit naman hindi? Ikaw naman ang prinsesa." Ilang segundong hindi pa ako nakaimik. Teka, tama ba ako ng rinig o sadyang nagkakamali lang ang diwatang kausap ko? "Ikaw ang anak ni Queen Leila at King Leo ng Magic Paradise. Ikaw ang nawawalang prinsesa, ikaw si Infinity Princess na may maraming uri ng magic sa mga kamay," minwestra pa nito ang mga kamay sa ere na parang namamangha sa kinukwento. "Kaya mong lumikha ng kahit ano mula sa wala." "Teka po, mali po yata kayo. Normal na tao lang po ako na galing sa mortal world." Tumawa ito. "Ikaw yon, Erris. Umpisahan mo ng maniwala simula ngayon na ikaw ang prinsesa. At bakit naman ako magkakamali? Alam ko lahat ng sikreto sa Magic Paradise. Alam ko lahat ng nangyari sa past at mangyayari sa future. Hinding hindi magkakamali." kumindat pa ito habang suot ang ngiti. Biglang dumilim ang paligid, naalarma ako kaya mula sa pagkakaupo kanina ay sinubukan kong tumayo pero pakiramdam ko nakalutang nalang ako sa ere ngayon na puro lang dilim. “Kaya mong lumikha ng kahit ano mula sa wala, Erris Lily. At ang tanging mahika ng kalaban mo sa mundong ito ay pagsira.” Nagpalinga-linga ako sa paligid. Boses nalang niya ang naririnig ko. Nag-umpisa akong matakot. “Lahat ng bagay na mangyayari ay may dahilan, maraming gagawa sayo ng mali,” palayo ng palayo ang boses ng kausap ko, pakiramdam ko nahuhulog na rin ako sa bangin... “una mo sanang matutunan ay magpatawad.” Biglang napunta ako sa lugar na iba ulit mula sa kinaroroonan ko kanina. May kaharap akong lalaki na hindi ko kilala. “Erris... sorry. Hindi ko ginustong maging ganito tayo...” Umiyak siya sa harapan ko, nagtaka ako dahil hindi ko siya kilala pero... bumigat bigla ang pakiramdam sa puso ko. Pakiramdam ko malapit na tao siya sakin at mahalaga. Pakiramdam ko sinaktan niya ako sa sobrang bigat ng pakiramdam ko. Sino siya?

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

POSSESIVE MINE

read
971.3K
bc

My Secret Agent's Mate

read
115.3K
bc

The Billionaire's Bed Warmer ✔

read
91.7K
bc

His Precious Property

read
615.2K
bc

PLEASURE (R—**8)

read
57.8K
bc

The CEO's First Romance | Completed

read
1.4M
bc

ANG NABUNTIS KONG PANGIT

read
477.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook