Nagising siya kinabukasan dahil sa ingay narinig. Minulat niya ang mga mata at nakita niyang naka tayo ang boss niya sa pintuan habang kausap nito si Elecxxon. "Dad, why didn't I see Auntie Lara when I woke up? Did you bring her to your room?" malakas na tanong ng bata. Siya naman hinintay ang isasagot ng lalaki. "Yes" Maikling tugon ng lalaki. Parang gusto niyang matawa, she don't know na ganun pala ka obsessed boss niya sa kanya para kunin siya sa nursery room ng bata at dalhin sa kwarto nito. "Why?" nakapamewang na tanong ng bata na tila malaki ang kasalanan ng ama. "No more questions, Kiddo let's go, you need to eat your breakfast and take your vitamins too." seryosong sabi ng lalaki at binuhat ang bata. Naiiling bumangon siya at tumungo sa banyo habang nakatagpis lang ng kumot