Prologue

500 Words
“Here is the passport,” Rosella said. I have business in Thailand—dark and bloody business. Matapos kong bumisita roon ay sumaglit ako sa Pilipinas para lang makipagkita kay Rosella. Partikular sa palikuran ng mga babae sa isang fast food dito sa Vigan. She was my personal maid in Columbia. Noong namatay ang tatay ko noong nakaraang taon ay pinauwi siya rito sa Pilipinas. I opened the passport sleeve she handed over. Kiara Ruiz… Nakasulat ang panandaliang pangalan ko roon at ang larawan ko. Birthday, February 14. I am now a pure Filipino, according to this passport. Itinabi ko roon ang driver’s license na binigay niya rin sa akin. Changing passports wasn’t new to us. This is basic in the business we have. “Now, let’s change!” “S-sigurado ka ba na hindi ako makikilala?” nag-aalala niyang tanong. “Hindi ka makikilala ng flight attendant. Napansin ko na bago lang siya bukod pa sa malabo ang kanyang mata. Napansin ko ‘yon kanina mula sa Bangkok kaya pala siya ang itinoka sa akin ni Roberto. Kung sakaling hilingin niya na tanggalin mo ang shades mo, pwede kang mag-Italian o gumawa ng eksena. You know how to act. Pagdating mo sa Dubai para sa layover, gumawa ka ng paraan para makapunta sa Arcadia Hotel nang hindi mapapansin. Iniwan ko sa suite ang mga kailangan mo para makatakas. Narito sa bag ang key card. Money, new passport and credit cards are also there.” Dalawang buwan kong pinaghandaan itong pagtakas ko kaya naman alam ko na walang posibleng maging problema. “Magkikita pa ba tayo?” tanong niya sa akin. “You know that I can find you.” Hinaplos ko ang kanyang buhok. Ang mas ipinag-aalala ko ay kung mauna siyang makita ng mga gustong pumatay sa akin. I clenched my fist. “Let’s go! We have to move faster bago sila maghinala kung ano ang ginagawa ko rito.” Nagpalit kami ng susuotin. Rosella and I have the same body size, same height, and same skin color. Parehas kami na may Italyano ang ama at Filipina ang ina. Ang naiiba sa amin ay ang mismong ganda ng mukha, kulay at haba ng buhok, at pananamit. Mabilis akong yumakap sa kanya bago ko siya pinalabas ng palikuran. Naghintay ako ng twenty minutes bago ko isinuot ang shades at saka naglakad papalabas ng kainan. Isang simpleng sasakyan ang nakahanda na rin para sa akin. Nagmaneho ako papuntang Tarlac. Doon ay panibagong sasakyan muli ang ginamit ko para makaiwas sa mga gustong humabol sa akin. Five hours later… Umiinom ako ng wine sa Grand Emerald Hotel na narito sa kahabaan ng Ermita. Iniisip ko kung mananatili ako rito sa Maynila o gagamitin ko na ang passport para lumabas ng bansa. Sigurado ako na hindi nila iisipin na mananatili ako rito. This is one of Takayama’s territory. Nabigla na lang ako nang ipalabas sa telebisyon ang bagong-bagong balita. My private plane crashed! They killed Rosella which supposed to be me!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD