Kennedy Gusto ko ng i-untog ang ulo ko sa pader. Umiral ang inis ko sa tatlong babaeng dumalaw, paano naman kase sa mga araw na nandito ako, walang tigil ang pagbisita ng mga babae. Ubos na ang pasensya ko. Nawalan ako sa control kanina lalo na at mas gugustuhin pa ng asawa ko ang labas-kaluluwang mga hitad kaysa sa birheng katulad ko. Ang tatlong babae kanina, nadagdagan ng tatlo. Ang sarap talagang ikulong ang asawa ko sa liblib na lugar para wala ng dumadalaw sa kanya. Dinampot ko ang telepono, ako ang sinusubukan niyo hah. "Good morning, Ma'am."bungad ko. "Who is this?"tanong ng ahas number one. "Secretary po ni Sir Blair. I just want to let you know that your time with Mr. Blair has been reduced to a five-minute meeting.” "WHAT!!!ARE YOU CRAZY!!!"binaba ko na ang telepono. Ti