Kennedy Wow, ang gaan ng atmospera sa pagitan namin. Damang-dama ko ang pagiging tahimik niya na naman at kitang-kitang ko rin ang makulimlim niyang hitsura. Kasalukuyan na naming tinatahak ang daan papunta sa Baguio. Siguro dalawang oras na ang nakakalipas at siguro dalawang oras na hindi rin kami nagkikibuan. Hindi ko talaga siya maintindihan. Iba na ang timpla ng mukha niya pagkabihis niya. Pero tumingin rin ulit ako sa kanya, medyo pagod ang mukha niya at may hitsurang wala pang tulog. "Blair, stop over muna tayo." "Bakit?"tanong niya habang nakatingin parin sa daan. "Itulog mo muna kahit konting oras lang, mukhang wala ka pang tulog." "No, I'm ok."tipid niyang sagot. Bumuntong hininga ako, bipolar talaga. Kaagad akong bumaba sa sasakyan ng makarating kami ni Blair sa rest hou