Kennedy "Hindi ka talaga papasok? Bakit?" tanong ko matapos ko siyang madatnan sa salas at nagbabasa ng diaryo. Akala ko nang nanghuhugas na ako, naghanda narin siya sa kanya pagpasok sa kumpanya niya. "Bakit? Hindi na ba ako pwedeng hindi pumasok sa sarili kong kumpanya."sagot niya sa akin. Ang kwento sa akin ni Mama, napakaworkaholic niya. Wala pang araw daw na hindi siya pumapasok sa opisina kaya sinabihan ako ni mama na huwag siyang kulitin every week days. At hindi ko naman talaga ‘yun gagawin. "May sakit ka ba? May iniinda ka ba?"tanong ko sa kanya. Napatawa siya sa hangin, ‘yung feeling na punong-puno na siya sa akin. Aba! Kasalanan ko ba? Mukha naman kasi siyang wala sa sarili niya na naman. Nakakapanibago. "Pwede bang maglinis ka na lang ng bahay, pwede ba hah. Lalong sumas