Chapter 2

1992 Words
Cassandra’s POV “Sigurado ka ba sa desisyon mong yan Cass? Ako ang kinakabahan sa’yo...” pang-ilang beses ng naitanong ito sa akin ni Ronald ang bestfriend ko, hindi rin ito mapakali sa kan’yang kinatatayuan. “Chilax, Ron bakit ka ba kinakabahan? Eh, hindi ka naman na bago dito, pang-ilang beses na ba tayong lumaban ni isa wala pa tayong talo.” Ang mayabang kong sabi sa kan’ya na bahagya ko pa itong nginisihan. “Kalalaki mong tao kinakabahan ka!? bakit hindi ka gumaya kay Cassandra ng magpaulan ang Diyos ng kayabangan sinalo na niyang lahat.” Si Cristoff sa boses na nang-aasar kaya nagtatawanan silang lahat, hindi ko na lang ito pinansin dahil sanay na ako sa mga tirada ng isang ito. “Hindi naman sa ganun, kinakabahan ako dahil balita ko ang makakalaban mo ngayong gabi ay iyong siga sa kabilang bayan, balita ko manyakis daw ‘yon at ilang beses ng nakapatay. Mayaman lang ang pamilya kaya hindi nakukulong.” Si Ron na kababakasan mo ng labis pag-aalala ang tinig nito. Sa lahat ng kaibigan ko ay ito ang pinakamalapit sa akin kapatid na ang turingan namin sa isa’t-isa. Halos sa isang plato na kami nito kumakain at walang sinuman ang makakasira sa pagkakaibigan namin. “Eh, di maganda para mas lalo nating malaman kung hanggang saan talaga ang ibubuga ng gagong ‘yon.” Ang nakangisi kong sagot sa kan’ya, napapailing na lang ito sa kayabangan ko. “Mag-ingat ka, basta, kapag hindi mo na kaya nandito lang ako sa likod mo.” Ang tila sumusuko nitong sabi sa akin, alam kasi nito kung gaano katigas ang ulo ko kaya wala na itong magawa. “Tinatawagan ko ang mga maglalaban ngayon umakyat na dito sa ring!” Ang pag-aanunsyo ng Emcee na nakatayo sa gitna ng ring. Yumakap sa akin si Ron bago tinapik ang aking balikat ramdam ko ang malakas na kabog ng dibdib nito ibig sabihin ay talagang kinakabahan ito. “Bro pigilan mo yan baka mapagkamalan tayong bakla...” ang pang-aasar ko pa sa kan’ya. “OUCH!” Ang sigaw ko ng pitikin nito ang aking noo. Hinimas ko gamit ng aking kamay ang nasaktan kong noo bago ako umakyat sa ibabaw ng ring. Narinig ko ang malakas na hiyawan ng mga tao, ang ilan sa kanila ay sumisipol pa. Nakasuot ako ng isang jogging pants at isang maluwang na black shirt. Nakasuot ako ng isang itim na sombrero habang ang aking mukha ay natatakpan ng itim na facemask. Ilegal ang street fighting na sinasalihan ko kaya patago ang bawat laban namin, hindi ko hangad ang perang napapanalunan ko dito. May gusto lang akong patunayan sa sarili ko at kung tatanungin ninyo ako kung ano ‘yon? Well hindi ko rin alam, basta ang alam ko masaya ako sa tuwing lumalaban ako. Umakyat ang isang matangkad na lalaki at sa tingin ko ay hanggang leeg lang ako nito, tila nagulat pa ito ng makita ako. “T***-***! bakit babae ang ilalaban n’yo sa akin!? Anong palagay n’yo sa’kin mahina!?” Anya sa galit na boses, mabangis ang dating ng mukha nito at parang gusto akong kainin ng buo sa paraan ng tinging pinupukol nito sa akin. Narinig ko ang malakas na tawanan at asaran ng mga tao sa paligid para sa akin ay isang uri ng insulto iyon. “Alam mo Miss mabuti pa ay umatras ka na, sumama ka na lang sa akin at paliligayahin pa kita...” nakangisi ito habang sinasabi sa akin ang mga bagay na iyon. Nagmukha tuloy itong manyakis sa aking paningin. Bahagya kong itinaas ang aking sombrero bago ngumiti ng matamis sa kan’ya kahit hindi naman nito nakikita ang aking mukha. “Ah, huwag mo kong ngitian ng ganyan namimis ko tuloy ang bulldog ko.” Ang malambing kong sabi sa kan’ya na lalong ikinatawa ng lahat sa paligid. Nakita ko naman ang galit na lumarawan sa kan’yang mukha. Narinig ko ang pagtunog ng bell hudyat na magsisimula na ang aming laban. Humakbang ako patungo sa gitna ng ring ganun din ang ginawa nito at may isang dipa lang ang layo nito mula sa akin. Inihanda ko ang aking sarili ng magsimula itong kumilos, mabilis nitong hinaklit ang aking braso, ngunit mabilis kong binigyan ng isang malakas na jab ang dibdib nito. Napaatras siya at naubo habang hawak ang dibdib nito may kalakasan kasi ang suntok na binigay ko sa kan’ya. Bumangis lalo ang mukha nito at napipikon na sumugod sa akin. Sumipa ito sa kanang bahagi ko kaya mabilis ang ginawa kong pagyuko upang maiwasan ito. Sinamantala ko ang pagkakataon at mabilis na sumipa mula sa ilalim na tumama sa isang paa niya ang pinakawalan kong sipa, kaya bumagsak ito sa sahig. Malakas na hiyawan ang narinig ko sa buong paligid habang ang iba ay nangongolekta ng mga pera mula sa kanilang pustahan. “Bro galingan mo naman, sayang lang ang effort ko kung hindi man lang ako pagpapawisan sa’yo, tsk.. tsk.. tsk...” anya sa tono na tila inaantok. Umakto pa ako na tila nabobored na sa laban. Galit na tumayo ito at pabara-barang sumugod sa akin, sunod-sunod na suntok ang pinakawalan nito kaya naman panay lang ang iwas ko. Hindi ko na napaghandaan ang pekeng ataki nito at nahagip ng suntok ang aking panga. “Ano masakit ba? Masyado kang mayabang!” Anya pagkatapos tumama ng suntok nito sa aking panga. Sumugod na naman ito sa akin pagkatapos sabihin ‘yon, ngunit sa pagkakataong ito ay umikot ang katawan ko sa ere at tumama sa kan’yang panga ang aking sipa na siyang kinabagsak nito sa sahig. Mabilis akong lumapit sa kan’ya at makasunod na suntok ang binigay ko sa mukha nito. “Punyeta ka! mukha ko pa talaga ang binangasan mo!” Ang galit kong sabi sa kan’ya habang patuloy na inuupakan ito sa mukha, ha! Lintik lang ang walang ganti! Mayayari ako kay Daddy bukas dahil siguradong magmamarka ang suntok nito sa akin. Ilang sandali pa ay naramdaman ko ang pag-angat ng aking katawan palayo sa iababw ng lalaki. “Tama na Cass baka mapatay mo yan!” Ang awat sa akin ni Ron habang nakayakap mula sa aking likod at hinahatak ako nito palayo. “Eh, gago yan eh! Tinamaan ako sa mukha! Yari ako kay daddy bukas!” Ang galit kong sabi kaya biglang natawa ang lahat dahil sa sinabi ko, nagmukha tuloy akong bata na takot sa palo ng magulang. Hindi na nakalaban pa ang lalaki at duguan na ang mukha nito kaya umuwi kaming panalo. Ibinigay ko kay Ron ang perang napanalunan ko dahil alam ko na mas kailangan niya ng pera para sa kan’yang pamilya. “Basta sagot mo pagkain ko bukas ha, sarapan mo ng luto.” Ang sabi ko sa kan’ya pagkatapos kong iabot ang pera. “Bro pinaghirapan mo ito tapos ibibigay mo lang sa akin...” anya habang napapakamot sa kan’yang batok halata sa mukha na nahihiya ito. “Ano ka ba! Mas kailangan nina nanay yan, huwag mo na akong isipin dahil hindi ko naman kailangan yan.” Ang sabi ko sa kan’ya habang patuloy lang kami sa paglalakad, naramdaman ko na umakbay ito sa akin. “Salamat Cass wala na talaga akong masabi sa ugali mo.” Ang malambing nitong sabi bago ngumiti sa akin. “Wala yon magkapatid tayo di’ba!” Sabay kindat sa kan’ya, kaya natawa na lang ito sa akin. Kinaumagahan ay tamad akong bumangon at hindi ko na namalayan ang oras tanghali na pala at late na ako sa school. Narinig ko ang biglang pagbukas ng pinto kasunod ang paborito kong alarm clock na gumigising sa akin tuwing umaga. “My God Cassandra! Tanghali na hindi ka pa rin bumabangon!? tumayo ka d’yan kung ayaw mong buhusan kita ng malamig na tubig!” Ang malakas na sigaw ng daddy ko ito ang ganap sa umaga ko araw-araw. Kasi ang mommy ko napagod na sa akin kaya si daddy naman ang pumalit. “Good morning Dad! Love you...” ang malambing kong wika bago pinapungay ang magaganda kong mata, ngunit dumilim lang lalo ang mukha ni daddy at hindi na maipinta ito. “Bakit may pasa ka sa mukha!? Sinong may gawa sa’yo niyan? Ilang ulit ko bang sasabihin sayo na hindi gawain ng matinong babae ang nakikipag-away! My God CASSANDRA! Kailan ka ba magtitino!?” Ang mahaba nitong litanya at halos umusok na ang ilong nito sa sobrang galit. “S-sorry na po Dad promise hindi na po mauulit.” Ang sabi ko na pinalambing pa ang aking boses. “Hindi na mauulit!? 16 years old ka na Cassandra at 16 years mo ng paulit-ulit na sinasabi sa akin yan! Isang linggo kang grounded ngayon! walang cellphone! walang allowance at pagkagaling mo sa school diretso ka ng bahay at hindi ka lalabas!” Pagkatapos sabihin ‘yon ay tinalikuran na ako nito kaya naiwan akong mag-isa sa aking kwarto. Mabilis na akong bumangon at pumasok sa loob ng banyo upang maligo at magbihis ng aking uniform. Pagdating sa school ay nakabusangot ang aking mukha habang naglalakad sa pathway patungo sa aming room, “Grounded?” Ang tanong sa akin ni Ron na sinabayan ako nito sa paglalakad. Dito na rin nag-aaral si Ron sa Guardian Angel University isang private school na kung saan ako nag-aaral. Napagkasunduan kasi namin na lumipat siya dito sa school na pinapasukan ko para madali na sa’min ang lahat kapag may mga lakad kami. “Ano pa nga ba hayyyytttsss...” ang naiinis kong sabi sabay pa kaming lumingon sa isang tauhan ni Daddy na nagbabantay sa akin. “Tsk, ang laki ng pasa mo sa mukha kaya siguro napuno na sa iyo ang Daddy mo.” Napapailing na sabi nito sa akin. Hanggang ngayon kasi ay masakit pa ang labi ko at namamaga. Pagkahatid nito sa akin sa room ay umalis kaagad ito upang pumasok na sa kanyang first subject. Tahimik naman ang buong araw ko sa klase hanggang sa mag-uwian na, hindi na ako nakapunta sa hideout ng barkada dahil may bantay ako ngayon. Katahimikan ang sumalubong sa akin pagpasok ko sa loob ng bahay, diretso akong umakyat ng hagdan at tumungo sa aking kwarto. Ngunit natigil ako sa paghakbang ng makarinig ako ng mga boses na nanggagaling sa library. Bhagyang nakaawang ang pinto kaya malinaw kong naririnig ang pag-uusap ng aking mga magulang. “W-wala na akong magagawa dahil sa magkasunod na problema sa kumpanya, sinabayan pa ng peste sa mga hayupan at taniman natin kaya malaki ang inilugi ng ating mga negosyo. Dahil sa pagkalugi ay mapipilitan tayong ibenta ang share’s natin sa kumpanya. Nabaon na rin ako sa utang dahil hindi ko na nabawi ang malaking ipinuhunan ko ngayong taon na ito. Ang masaklap pa ay kailangan na mabayaran ang aking inutang kay Mr. Vanderberg kung hindi ay kukunin niya sa atin ang Hacienda na ito.” Ang aking ama sa malungkot na boses na tila nawawalan na ng pag-asa. “W-wala na bang ibang paraan Fernand?” Ang umiiyak na tanong ng aking ina. “ M-meron at ayon sa abogado ni Mr. Vanderberg mababayaran natin ang lahat ng pagkakautang natin sa kan’ya kung isa sa ating mga anak ang maikasal sa kan’ya.” Ang malungkot na sagot ng aking ama na siyang ikinaiyak ng aking ina. Umalis na ako sa pintuan at tinungo ang aking kwarto, nalulungkot ako dahil sa sinapit ng aming mga negosyo. Isa lang ang ibig sabihin no’n, naghihirap na kami. Sa akin walang kaso ‘yon dahil sanay ako sa hirap. Natigilan akong bigla ng sumagi sa aking isipan ang huling pinag-usapan ng aking mga magulang. Nakadama ako ng katuwaan dahil sigurado ako na si Ate Almira ang ipapakasal sa Mr. Vanderberg na ‘yon, kaya ang ibig sabihin no’n ay magkakaroon na ako ng pag-asa para kay Christian! Dahil sa isiping iyon ay nagdiwang ang puso ko, para akong bulate na binudburan ng asin sa ibabaw ng aking kama dahil sa labis na kasiyahan.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD