Cassandra’s POV Isang linggo na rin ang lumipas simula ng ipagtapat sa akin si Mr. Vanderberg ang tunay niyang nararamdaman para sa akin. Sa totoo lang hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na umibig ito sa isang maganda at batang katulad ko. Tanggap ko na ang lahat, at handa akong kalimutan ang pangarap ko na maging isang magaling na street fighter. Alam ko sa aking sarili na ayaw kong mawala sa akin si Mr. Vanderberg. Hindi pa nga ako handang mag-asawa o sa anumang responsibilidad sa buhay may asawa ngunit nangako sa akin si Mr. Vanderberg na handa siyang maghintay sa akin hanggang sa makapagtapos ako ng pag-aaral at maging successful. Hindi na rin daw niya hahadlangan kung ano ang gusto ko, pero mahigpit niyang ipinagbabawal ang mga kalokohan na nagawa ko noon. At sy