Cassandra’s POV “Kumusta ka na? Ilang buwan ka na naming hindi nakakasama.” Malungkot na sabi sa akin ni Ronald bago ito umupo sa aking tabi. Walang gana akong tumingin sa kan’ya habang nakapangalumbaba. “Naiinis na nga ako, ang boring ng life ko dahil sa fiancee ng aking kapatid. Tapos sina Daddy parang wala ng pakialam sa akin, ni hindi man lang ako magawang kumustahin kung okay pa ba ako o hindi. Halos kontrolado na ng matandang ‘yon ang buong buhay ko.” Malungkot kong sabi sa aking kaibigan. Naramdaman ko na umakbay ito sa akin at kinabig nito ang ulo ko kaya nakasandig ako ngayon sa kan’yang balikat. “Okay lang yan, siguro mas mabuti pa ay mag focus na lang muna tayo sa pag-aaral.” malumanay na sabi nito. “Kaso lagi na lang akong nakakulong sa loob ng bahay o di kaya sa opisin