Harvey’s POV Kasalukuyan akong nandito ngayon sa aking opisina, tambak ang aking trabaho ngunit hindi ko naman masimulan, dahil hanggang ngayon ay hindi maalis sa aking isipan ang imahe ni Cassandra. Lalo na ang ginawa nito sa akin kaninang umaga at sa tuwing naaalala ko ‘yon ay nagsisimulang mag-init na naman ang aking katawan. Ilang sandali pa ay bumukas ang pintuan, pumasok ang isang magandang babae sa loob ng aking opisina, napakaseksi nito sa suot niyang miniskirt na tinernuhan ng isang hanging blouse. Walang pag-aatubiling lumapit ito sa akin, bago umupo sa aking kandungan. “Hello, honey, namiss kita, don’t you miss me!?” Ang malandi nitong wika habang gumagapang ang kamay nito pababa sa aking dibdib, nakatingin sa akin ang nang-aakit nitong mga mata habang naka kagat labi pa it