Chapter 4: Meet again

1167 Words
"Ayos lang kuya, kaibigan ko siya. Pakitandaan nalang." He said. "G-Ganun po ba? Sorry po ma'am." Ngumiti ako at nag poker face nung nakapasok na.  "Aga natin ah!" Tawa ni Sam na nakasunod sa'kin. Hindi ba dapat siya ang sinusundan ko. I stopped and he also stopped. Humarap ako sa kanya. "Syempre, always behind the time ako." He laughed. Kung hindi tuloy ang interview... saan niya ako dadalhin? Sinundan ko lang siya hanggang sa makarating kami sa isang private office. Malaki dito, it looks like a boss's office actually. Hindi kaya sa CEO 'to? "Uh... hindi ba talaga tuloy 'yun?" "That's what he said. Hindi ko din alam ang rason eh."He said and touched his chin like he's thinking. Ngumiti ako ng mapait. Sayang naman ang punta ko. He shouldn't cancel interviews like that, paano yung iba na dumadayo lang dito para makapag-apply? Like me? I mean that's what he announced panigurado madami din ang nag handa para makuha sila sa trabaho na 'to. "Pwede ba dito muna ako? Baka lang naman mag bago ulit ang isip niya."Tawa ko. "Sure. It's up to you, Staying in my office is free." So kanya nga 'to? Sabagay ay kapatid niya ang may ari dapat lang na malaki din ang office niya. Umupo ako sa couch at inikot ang tingin sa paligid. Minimalist ang design ng office niya, plain lang. Usually pag lalaki talaga ang plain ng gustong design 'no? Kung ako? Gusto ko madaming details elegant pa din tignan. "Do you want some coffee? Tea?" "Uh... Tea nalang."I smiled. Nagustuhan ko ang tea sa belvoir. Dati hindi talaga ako nainom nun dahil napapaitan ako, pero pag inaraw-araw mo masarap din pala. Teka hindi ba dapat ako ang magbigay sa kanya? Tumayo ako at pinigilan siya maglakad. "Ako nalang kukuha! Kuhanan din kita gusto mo?" He chuckled. "Okay then. Coffee lang akin, I don't drink tea." Tumango ako at ngumiti. Lumabas ako sa office niya at may mga nag tinginan sa'kin. Why? Well suot ko naman yung coat ko ah?  Hindi naman reveal na reveal yung suot ko. May mga iilan na ngumiti sa'kin. Yung iba naman ay nakakunot ang noo. "Hi! Where can I get coffee or tea here?"Tanong ko sa babae na mukhang mabait naman. "A-Ah doon po."She said and pointed her finger at the end corner. Ngumiti ako at nag pasalamat sa kanya. Nandito na ako sa harapan ng coffee maker pero hindi ako marunong gumamit nito. I don't even know how to make a proper coffee.  Yung ibang Tea siguro pwede pa eh binababad lang naman 'yun sa mainit na tubig. I did some experiment on their coffee maker since hindi ako marunong kung ano ano nilagay at pinindot ko. Finally the coffee is in the cup. Ngumiti ako nang makita ito, Maganda naman siya tignan kaya baka masarap na din ang lasa. Sa sobrang excited ko ibigay nakalimutan ko gumawa ng sarili kong tea. Pag balik ko ay busy na siya sa table niya, he's doing some paperworks I guess. Nilapag ko ang coffee sa gilid ng table niya, napatingin siya doon at tinignan niya ako. "Thank you." Ngumiti ako. I don't even know if that's a real smile dahil hindi ko alam ang lasa ng ginawa kong kape para sa kanya. Mukha naman maayos at masarap kaya feel ko magugustuhan niya naman- "What the?!" My jaw dropped when he burst out all the coffee he drank. Agad ko binigay sa kanya ang panyo sa bulsa ko. He wiped the mess on his clothes and mouth. "What the hell was that! Lalasunin mo ba 'ko?"He said with anger. It doesn't look like the Sam I met. Siguro dahil busy siya at natapunan din ang mga papel na nasa harapan niya. Yumuko ako. "First time mo ba gumawa ng coffee?" Halata pa din sa boses niya ang inis. "Oo... I'm sorry." I pouted. "Sige na. Nangyari na eh." He said. Tumayo siya at lumabas habang pinapagpag ang kanyang damit. Akala ko masarap ang coffee na ginawa ko, dapat pala tinikman ko muna 'no? Nako! Badshot na 'ko nito. Lumapit ako sa table niya at sinubukan ang kape na ginawa ko. Muntik ko na iluwa sa table niya pero napatakbo pa ako sa basurahan. Nako! Pag sa table ko nailuwa 'yun edi dagdag problema na naman. - "First time mo mag dala ng babae dito after nung sainyo ni Rachel ah?" "Wag ka maingay! Maaga pumunta 'yan dito, wag mo istorbohin yung tulog." Wag istorbohin eh iniistorbo niyo na nga 'ko. Ang iingay! "Bakit mo dito pinaantay 'yang girlfriend mo bro?" "We're not in a relationship. I told you she wants to apply as kuya's secretary!" I opened my eyes, but not fully. Umupo ako at hinawakan ang aking ulo. Hindi naman ako puyat pero bakit nakatulog ako dito sa couch? Tingnan ko ang katawan ko na nakabalot na sa kumot. "Ang ingay niyo naman." "Miss, nasa opisina ka. Wala ka sa hotel." Tawa ng lalaki na hindi ko kilala. I cleared my eyes and my eyes widened when I saw their faces! Nasa office pa pala ako ni Sam and the guy! Daryl! Oh my God! "Cleo?" He said in a shock too. Si Daryl! Yung crush ko noong highschool! I can't believe hindi ko siya nakilala kaagad, it's been what? 5 years? "You know each other?" "Shh! Kamusta? Si kuya mo? Hindi ko na siya nakita simula nung umalis ka."He said. Pinalabas namin sa mga kakilala namin na sa abroad na kami nanirahan para hindi sila mag duda.  "Ayos lang naman ako, Ikaw you look fancy!" I skipped the question where he asked my brother. Hindi ko na din alam kung nasaan si kuya Jasper. After he visit me 5 years ago, hindi na 'yun nasundan. Liar. He told me he'll visit often.  "Nah, okay. Catch up lovers."Sam said. Tumawa si Daryl  at maski ako ay natawa. Hindi naman kasi kami lovers, but wait. Did he just tease me to Daryl? Well... I thought he liked me since gusto niya ako makilala. "Mag a-apply ka as secretary?" "Yup. Gusto ko sana mag trabaho naman dito."I smiled. "I can help you. The owner is my bestfriend too, same with this guy right here."He said at nilapitan si Sam para akbayan. They're all related? "Kung ako sa'yo Cleo bumalik ka nalang ulit sa resched ng interview. I don't think kuya would change his decision."Sam said. Tinignan ko ang orasan at alas kwatro na ng hapon. I'm just wasting my time, yun ang lumalabas na ginagawa ko dito. I'm not even working a proper job. Ganito ka siguro talaga kapag naghahanap ng trabaho no? You can't get the opportunity that easily, at kung anong decision ng boss yun na yon. Kahit man nasan ka siya pa din ang masusunod. "Uh... Okay then."I said and forcedly smile. Kinuha ko ang resume ko na dala mula sa lamesa na nasa harapan ko. I stood up and thanked them. "Who are you guys talking to?" Lahat kami ay napalingon sa pintuan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD