Chapter 2

2107 Words
"Kuya, I'm sure, Darryl likes you--" "Shut up, Lianna!" Pinandilatan niya ang kapatid. "Kanina ka pa, ha? Naiirita na ako." Tapos, pinagpatuloy niya ang pagtitipa. Nasa dining table siya noon, at gaya ng madalas niyang gawin, tablet ang gamit niya tapos sa bluetooth keyboard siya nagta-type. Inokyupa ni Lianna ang katabing upuan ng kaniya. "E kasi naman, Kuya, isipin mo na lang yung kanina. Talaga sinusundan ka pa niya ng tingin." "We are customers. Sinasadya niya iyon para ma-feel niyang welcome tayo at ganahan pang bumalik. And of course, don't forget na influencer siya. Ginagamit niya ang sarili niya for marketing na rin," mahaba niyang paliwanag. Kanina, napag-alaman niyang kilalang w*****d writer si Darryl at ngayon ay namamayagpag na rin sa ** bilang isang influencer. Hindi siya aware doon, kahit may w*****d at ** accounts naman siya. Hindi kasi siya masyadong nag-e-explore. And it's not like he cares about those online celebrities, anyway. "Itong si Kuya, masyadong advance mag-isip." Ngumuso pa si Lianna. "Wow, ha? Look who's talking?" Napaikot pa siya ng mga mata. "Nagiging realistic lang ako." Rowan stopped typing. Ano na nga ulit ang isusulat ko? He looked at his keyboard, trying to figure out what was that. s**t, pati vocabulary niya, bigla yatang naglaho. "Hindi nga, Kuya. Maniwala ka sa akin. Type ka ni Darryl. Nakikita ko sa mga mata niya. Iba ang titig--" "Puta naman, Lianna! Pwede bang tumahimik ka na?" singhal niya sa kapatid. Natahimik naman ito. Marahas siyang napakamot ng ulo. Ito na, may writer's block na naman siya. Isa pa naman iyon sa kinabwibwisitan niyang mangyari. Sabay silang napitlag nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto hindi kalayuan sa kanila. "Hoy, kayong dalawa dyan, pwede bang magpatulog kayo?" masungit na turan sa kanila ng mid-30s at may katangkarang babae, ang kanilang Tita Lani. Bunsong kapatid ito ng mama nila, at sa condo unit nito sila tumutuloy. "Sorry po, Tita," sabay nilang sabi ni Lianna. "Anong oras na ba? Matulog na kaya kayo? Lalo na ikaw, Lianna. May pasok ka pa." "Sige po, Tita. Maghihilamos lang po." Kakamot-kamot ng ulo ang kapatid niya saka tumayo. Umismid naman ang tiya nila saka muling pumasok sa kwarto at sinara ang pinto. "Ito kasing Lianna na ito. Napagalitan pa tuloy kami," bulong niya sa sarili saka binasa ang sinusulat niya. Article iyon na ipapasa niya sa isang popular Asian blogsite. Ipagpapatuloy na sana niya ang pagsusulat nang bigla na namang sumulpot si Lianna sa tabi niya. May nakasabit na tuwalya sa balikat nito. "Ano na naman ba?" pagsusungit niya rito. "Ito lang ang masasabi ko, Kuya. Being too realistic--as you put it--is not good. Kailangan mo ring maging idealistic minsan. Besides, how could you find the love of your life if you cannot even muster up the courage to find for one? Kumakatok na ang grasya, Kuya. Isang Darryl pa. You should make a move." Bumuntonghininga siya. "Pwede ba, Lianna? Wala ka namang pruweba na may gusto siya sa akin. And I'm not even looking for a boyfriend. And I don't like Darryl. Where did you get that idea?" Yet he knew he was lying. Inggit na inggit nga siya sa mga nakikita niyang magjowa. "Weh? Wala raw siyang gusto? Kaya pala pulam-pula ka kanina." Tinaasan niya ito ng kilay. Alam niyang tama naman ito. Hindi lang niya gustong tanggapin sa sarili niyang kinilig talaga siya kanina. "Ewan ko sa iyo. Matulog ka na nga. Tatapusin ko pa itong article ko." "Okay. Bala ka d'yan. Kapag si Darryl nawala, wag kang iiyak ha?" Tinalikuran na siya nito. Kapag si Darryl nawala? Sinundan niya ing tingin ang kapatid niyang papasok sa banyo. Bakit naman ako iiyak kapag nawala siya? And yet that thought bothered him. May punto naman talaga si Lianna, ayaw lang niya aminin. Ramdam niyang nagka-crush siya sa lalaki the moment their eyes first met. Ang gwapo ba naman kasi nito. Pero hindi. It was too good to be true. Tumayo siya at humarap sa salamin na nakalagay sa gilid ng doorway ng kwarto. He saw his frail figure and small stature. Pangit pa at walang kadating-dating. Paano ito magugustuhan ng isang celebrity? Not to mention, pareho pa silang lalaki at hindi niya alam kung silahis ba ito. Umiling-iling siya saka bumalik sa kinauupuan kanina para ipagpatuloy ang pagsusulat. But instead of finishing the article, iba ang tumatak sa isip niya. Iba ang nais niyang isulat. Just this once, gusto niyang mangarap. Gusto niyang isipin na baka nga tama si Lianna. Na baka may gusto si Darryl sa kanya. And he would write a short scene about it. Ano pa nga ba? Kaya nga minahal niya ang pagsusulat. Magagawa niyang totoo ang isang pangyayaring alam niyang hindi mangyayari sa kanya. So he opened another document file and wrote this: Our eyes met in full coincidental. I don't know what to do. I, after all, was a mere book nerd with horrible social skills. This was something I am not comfortable dealing with. The moment his eyes flickered in recognition, it was a cue for me to turn away and pretend as if I did not see him. But before I could, he smiled at me, flashing those beautiful, pearly white set of teeth, and right that moment, I swore to God, I don't want this moment to end. He crossed the distance between us, each step was making my heart beat louder. "Hey! It's been a while. How are you?" was his words before touching my left cheek and lightly pinching it. "I have looked for you everywhere. Thankfully, you're here now." "You are looking for me?" But why? What does this most sought bachelor in town want from someone like me, the most boring person you would ever know? "Why not? I like you." Rowan stopped writing. Ganito... ganito sana ang gusto niyang mangyari. If Lianna was right, then Darryl would look for him at all cost. Makikipagkaibigan ito sa kanya, at kalaunan ay aamin din. But of course, that was impossible. Especially not with Darryl. And that thought frustrated him. So frustrating, he actually cried at that moment... - "SURE KA, Kuya, na ayaw mong tumambay muna sa Mojol's?" tanong ni Lianna habang naglalakad sila sa overpass, patungo sa main gate ng UST. Tinutukoy nito ang coffee shop na pag-aari ng mama ni Darryl. Hay ewan ko sa iyo, Lianna. Umiling siya. "Hindi na. Saka dadaan pa tayo sa ospital, remember?" "Maaga pa naman, oh? Past one pa lang." Sa halip, hindi na lang niya ito pinansin. Unfortunately for Rowan, bawal siyang pumasok sa campus ng UST nang hindi nag-iiwan ng ID kaya nagdesisyon sila ni Lianna na sa gilid na lang sila dumaan. "Grabe naman kasi itong guard. Kasama naman kita," reklamo ni Lianna. Rowan just shrugged his shoulders. "Yaan mo na. Policy nila iyon, e. Baka masisante pa si Kuya Guard. Kawawa naman." Umismid na lang si Lianna at tahimik na naglakad. Ten minutes later, nandoon na sila sa gate sa Dapitan. Ito lang ang gate na pwedeng pasukan ng mga outsider nang hindi nag-iiwan ng ID. "Gusto mo bang kumain muna?" tanong niya sa kapatid habang nakatingin sa McDonald's sa tapat ng ospital. Umiling ito. "Hindi na. Kunin na lang natin ang x-ray ko." May bahid pagtatampo ang tono nito. "Saka mas gusto kong kumain ng cake sa Mojols." Rowan just shrugged his shoulder. May plano si Lianna, sigurado siya. Kaya ito nagpasundo sa kanya kahit half-day lang ito tuwing Biyernes. Katwiran, samahan daw siyang kuhanin ang x-ray nito sa UST Hospital, pero gustong dumaan sa cafe ni Darryl? Dumiretso sila sa ospital. Unfortunately, nasa lunch break pa raw ang nakatoka sa pagbibigay ng x-ray. Parating na raw, sabi ng babaeng nurse na dinatnan nila sa reception desk, pero wala pa rin iyon matapos ang kalahating oras. Napailing-iling na lang tuloy si Rowan saka nagppaalam muna sa kapatid na gagamit siya ng toilet. Medyo tanga si Rowan sa direksyon. At dahil medyo confusing para sa kanya ang loob ng ospital, naligaw siya at medyo natagalan. Pabalik na sana siya nang makatanggap siya ng text mula kay Lianna na nakuha na raw nito at nasa lobby na ito. Tapos muli siyang nakatanggap ng bago: Dalian mo kuya!!! Daliiiiiii!!!!! Napataas tuloy siya ng kilay sabay reply ng, Sandali. Aba, bigla na naman siyang nakatanggap ng text na pinagmamadali siya nito? Sasabunutan ko itong kapatid ko, e. Iiling-iling na lang siya saka mabilis na nilakad ang patungo sa lobby. Agad niyang nakita si Lianna malapit sa may exit doorway. And she was not alone. May kausap itong lalaking matangkad. Napamulagat na lamang si Rowan. Darryl? Napalunok na lamang siya. Gusto niyang tumakbo palayo! E kaso tinamaan ng magaling, biglang tumingin sa direksyon niya si Lianna. "Kuya!" galak nitong tawag sa kanya saka sumenyas na lumapit. Samantalang, ibinaling din ni Darryl ang tingin sa kanya, at biglang sumilay ang pamatay nitong ngiti. Rowan swore his heart berserked again. s**t, bat ba ang gwapo nitong nilalang? Saktong bumukas pa ang sliding door, dahilan para pumasok ang liwanag at masilaw siya. No exaggeration. Parang nagliwanag si Darryl dahil sa nangyari. This should be illegal! Ang gwapo niya! Habang palapit ito, napalunok na lamang siya. Pakiramdam niya'y matutunaw siya sa tingin ntio kaya ibinaling na lang niya ang tingin sa karga nitong bata. The boy was cute, with his round and curious eyes. Tapos, bigla pa itong ngumiti at lumabas ang biloy nito. Tuloy, hindi napigilan ni Rowan ang kawayan ito. "Hello?" sabi pa niya sa matinis na boses. "Ang cute mo naman." He lightly pinched his cheek and patted his head. The boy giggled. Tapos, nagpababa ito bago gumawi sa kanya. "Karga," sabi pa nito, with his hands extended upward. "So you like kids, huh?" Darryl said, with his lips molded to an amused smirk. "No, I don't." Pero iyon siya at kinarga ang bata. "What's your name?" tanong niya sa bata. "Mojols," payak na anito saka hinilig ang ulo sa leeg nito. "Mojols?" kunot-noong aniya. "Di ba, iyon ang name ng cafe ninyo?" dugtong naman ni Lianna. Tumango si Darryl. "Yes. Pinangalan ni Mama sa kanya ang cafe." Tapos, tiningnan nito ang wrist watch. "Anyway, I need to go. May schedule ako mamayang alas cinco. Mojols, let's go." Darryl put his hands under Mojols's armpit. But the child wailed in protest. Tapos, hinigpitan pa nito ang yakap sa leeg niya dahilan para masakal siya. "Mojols, let go. Nasasakal si Kuya Rowan," sabi muli ni Darryl. Mahina nitong tinapik ang braso ng kapatid. Pero ayaw talaga nito. Siniksik pa nga lalo ang mukha sa leeg niya. Napakamot ng ulo si Darryl. "Sorry, Rowan," paumanhin naman nito. "I have never seen Mojols so attached to someone. And I honestly don't know how to deal with it either." Noon lang niluwagan ni Mojols ang yakap sa kanya. Then, the child poked his cheeks and giggled. "Kuya, anong ginawa mo? Bakit nagustuhan ka niyan?" bulong naman sa kanya. "Ayaw akong pansinin niyang kanina." "Really?" nagtatakang aniya. Tapos, hinarap niya ang bata. "Uwi na raw kayo. Bigay na kita sa kuya mo." But hearing those, bigla na naman itong yumakap nang mahigpit sa kanya sabay sabing, "Ayaw!". He uttered an hopeless, "Oh my God!" in response. It made Darryl laugh for whatever reason, at dahilan iyon para bigla siyang matahimik at mapaiwas ng tingin sa lalaking kanina pa nagpapatorete sa kanya. "But I really need to go." Sinubukan ulit kuhanin ni Darryl ang kapatid sa kanya, but to no success. Napakamot na lang ito ng ulo. "Nako, love na love ka talaga ni Mojols, Kuya." Humagikhik si Lianna saka ibinaling ang tingin kay Darryl. "Ganito na lang, Kuya Darryl. If you don't mind, pwede mo namang isama si Kuya. Wala siyang gagawin." "Hoy!" singhal niya sa kapatid. When Lianna looked at him, a playful smirk was carved on her lips. "Mahiya ka nga." "Pwede rin naman. Hatid na lang kita. Taga-saan ka ba?" Gulat siyang napatingin kay Darryl. "What?" But Lianna interjected and expressed her approval. Sinabi pa nito ang address nila. "Padre Faura? Nadadaanan ko naman iyan. Malate lang naman ako." "Yun naman pala, e. Tara lets na!" masayang anunsyo ni Lianna saka umabre-siete sa kanya. Alam ni Rowan na maging ito ay hindi rin sigurado kung gaano kalayo ang bahay nito sa condo nila. "Hoy, mahiya ka nga," bulong niya sa kapatid. Sasagot pa sana si Lianna, pero inunahan ito ni Darryl. "Okay lang, Rowan. Wala rin tayong magagawa kung ayaw bumitaw ni Mojols sa iyo," sabi naman nito. "And besides..." Umiwas ito ng tingin at nagkamot ng ulo. "Ano?" tanong naman niya. "Gusto rin kitang makilala." Then, Darryl's face suddenly became red. WHAT?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD