bc

LIHIM NA MUNDO

book_age16+
1
FOLLOW
1K
READ
dark
HE
escape while being pregnant
scary
another world
like
intro-logo
Blurb

Ang kwento ng babaeng wala ng pag asa sa buhay ngunit sinagip ng isang prisepe ng mga Engkanto na may utang na loob sakanyang Ina. Naka paloob sa kwentong ito ang tinatawag na "Philippine Myths". Itim na Duwende, Aswang, Engkanto at iba pa.

chap-preview
Free preview
LIHIM NA MUNDO
Sa isang mapayapa at tahimik na Baryo sa Bansang Pilipinas isinilang si Agatha, Amerikano ang kanyang ama samantalang ang kanyang ina ay isang Pilipina. Namumuhay sila sa pamamagitan ng pangingisda dahil malapit ang kanilang tirahan sa maganda at mayaman na karagatan. Namumuhay sya kasama ang kanyang Ina, nasa ibang bansa kasi ang kanyang ama kasama ang mga magulang nito at nangakong babalik naman sa pinas bago tumanda si Agatha. Taong 1950 nasa edad na kinse anyos ang dalagang si Agatha nang mamatay ang kanyang Ina sa kadahilanang nalason ito sa pagkain ng isang hindi pamilyar na isda, bumagsak ang Mundo ng dalaga hindi nanya alam ang gagawin sakanyang pag gising, hindi nanya alam paano uusad sa buhay at sa araw araw hindi nya alam kung babalik paba ang kanyang ama para alagaan sya, nahihiya sya at ayaw umasa sakanilang mga kamag anak sa kadahilanang matapobre ito sakanya dahil nahaluan sya ng ibang lahi. Sa mga lumipas na araw mag isang nanirahan si Agatha sakanilang Kubo, sya narin ang nag pagtuloy ng trabaho ng kanyang Ina dahil wala din syang pag pipilian dahil ayun lang din ang naiisip nyang kabuhayan. Ilang buwan ang lumipas habang naroon sa tabing dagat si Agatha at nakatingin sa agos ng karagatan may kumalabit sakanyang likuran at noong lumingon naka silay sya ng isang gwapo, matipuno at napaka puting lalaki na kamukhang kamukha nya, kaagad syang tumayo sa gulat, alam nyang ang kanyang kaharap ay ang kanyang ama na kaagad syang niyakap, nakapag tatakang marunong din ito mag makipag komunikasyon sa wikang Pinoy. " Tay? Bakit ngayon kalang? Wala na si Nanay". malungkot na salubong ni Agatha. " Totoo ba? Hindi ko alam, walang nag padala ng sulat at nakapag balita sakin ng nangyari kailan pa?". nabiglang sagot ng kanyang ama. " Ilang buwan na ang nakakalipas tay, Ako nalang mag Isa dito inaapi ako ng mga kamag anak namin ibang iba nila ako tratuhin dahil hindi daw ako purong Pilipina, isama monako sayo AYOKO na dito nahihirapan nako mabuhay". umiiyak na Saad ni Agatha. " Hindi nako aalis, titira ako kasama mo hindi kita maisasama sa aming bansa dahil anak ka ng Pilipina pero hindi kita iiwan, hindi kana mag tatrabaho ako na ang bubuhay sayo". muli pang sagot ng ama ni Agatha habang niyayakap ang nag hihinagpis sa iyak na dalaga. Sobrang sarap ng buhay ni Agatha kasama ang kanyang Ama, hindi nasya nahihirapan at hindi nasya nakakaramdam ng pag kukulang sakanyang sarili, sobrang maalaga at mapag mahal din ng kanyang amang banyaga dahilan para mas lalo syang kainggitan ng kanyang mga kamag anak, sa tuwing lumalabas sya ng kanilang tahanan palagi syang nakakarinig sa mga ito ng mga salitang.. " Matangos ang Ilong, Hindi kayumangi, Hindi yan Pilipina, dapat wala sya dito". " Baka nga inampon lang yan ni Feliz eh, Ampon yang babae nayan, hmm, sampid!!". Hindi magawang masanay ni Agatha sakanyang mga naririnig at masakit padin para sakanya, gustuhin nyang lumaban mataas ang respeto at pag mamahal nya sakanyang Ina at ayaw nyang pakitaan ng kapangitan ng ugali ang mga kamag anak nito dahil kung nabubuhay ang kanyang Ina ang tanging sasabihin lang nito ay " GALANGIN MO PADIN SILA". Isang maulan na gabi, hindi padin umuuwi ang Ama ni Agatha nag aalala nasya dito dahil huli itong nakita noong nag paalam iyon sakanya na iinom kasama ang mga barkada nitong mangingisda. Pag patak ng alas dyis may kumatok sakanilang Kubo, alam nyang tatay nya iyon kaya dali dali nyang pinag buksan at inakay papasok, amoy na amoy dito ang sang sang ng alak at talagang lasing na lasing ito. Malaking tao ang kanyang ama kaya naman talagang nabigatan sya. Noong naihiga nya ito sa katre akma syang tatayo para sana kumuha ng pamunas dito at maasikaso ng bigla sya nitong hinila at sinasambit ang pangalang.. " FELIZ, MAHAL KO I'VE ALWAYS WANTED TO BE YOU AGAIN, I WAITED FOR THIS FOR SO LONG, AND NOW YOU'RE HERE". Humigpit ang hawak ng ama nya kay Agatha, sumabay ang malakas na buhos ng ulan sa pag sigaw at pag iyak nito sa pag hingi ng tulong, hinubaran sya ng kanyang ama at pinag hahalikan sa kahit saang sulok ng katawan nito, hindi makapalag ang kawawang si Agatha at nag tagumpay ang kanyang ama na Gahasain sya. Naiwang tulala at wala sasarili si Agatha habang walang saplot na nakahiga sa katre, habang ang kanyang ama naman ay nahiga ng parang walang nangyari at payapang natulog. Naka tingin sa kawalan si Agatha, hindi nya alam kung may luha pabang papatak sakanyang mga mata, duming dumi sya sakanyang sarili at hindi sya makapaniwala. Habang naka tingin sa kawalan, napunta ang kanyang wisyo sa isang Lugar kung saan mayroong matipunong lalaki na may korona ang naka tingin sakanya at halatang awang awa ito, inabot nito ang kamay sa dalaga at niyakap ito habang hinahayaan itong umiyak sakanyang bisig, hindi sya binitawan ng lalaki hanggat hindi sya tumatahan, nakakaramdam sya ng matinding koneksyon sa lalaki at sobrang pag ka komportable, hanggang sa nag wika ito ng... " Ako ang bahala sayo Agatha, hinding hindi kita papabayaan, makakasama din kita mag sasama tayo sa payapang mundo". Matapos ang lahat ng pangyayari, nagising si Agatha umaga na at humupa na ang ulan wala din ang kanyang ama sakanyang tabi na magandang pag kakataon para ayusin ang kanyang sarili, umalis sya ng bahay at muling umupo sa dalampasigan. Ayaw nyang makita ang kanyang ama, ayaw nyang umuwi alam nyang nadala lang ito ng kalasingan at pag ka sabik sakanyang Ina ngunit hindi padin nya matanggap ang sinapit nya sa murang edad. Sa bawat pag hampas ng tubig sakanyang mga paa, paulit ulit syang umiiyak at hinahanap ang presensya ng kanyang ina, walang wala syang malapitan, makausap at mahingian ng tulong. Wala syang kaibigan at wala ding kamag anak na mayroong pakeelam sakanya, sa kalagitnaan ng pag dadalamhati may lumapit sakanyang binata na bago sakanyang paningin sakanilang Baryo pero pakiramdam nya ay nakita nanya kung saan, naka suot iyon ng pang ibabang kasuotan at walang pang itaas. " Tila malala ang iyong pinag dadaanan, nabalitaan ko ang nangyari sa Nanay mo, kahit matagal na ay hindi panaman yata tapos ang pag luluksa mo, dipanaman siguro huli na sabihin kong nakikiramay ako". Saad nito. " Salamat, bakit moko kinakausap? Baka makita ka ng kung sino at pag tawanan kapa, hindi moba nakikita ang itsura ko? Hindi ako purong Pilipino, ayaw ng mga tao sakin". " Ano naman ang gagawin ko sa opinyon ng mga taong may inggit sa katawan, ang mga pananalita at aksyon nilang ganyan at nag rerepresinta sa kainggitan nila at hindi pag mamahal sa Bansa, dihamak naman kasi na mas mabait at mas maganda ka sa mga kamag anak ng nanay mo, mukha silang mga bruha ni hindi nga nila mahugasan ang kanilang mga buhok, dapat lang na itakwil kanila dahil hindi ka bagay sa angkan ng mga mapang mata at matapobreng tao." " Teka bakit parang ang dami mong alam? Sino kaba? Taga dito kaba sa Amin?". " Oo taga dito ako hindi lang ako madalas lumalabas, Gilas ang pangalan ko wag kanang mag pakilala alam kong ikaw si Agatha, naiintindihan kita higit pa sa inaakala mo, alam moba noong bata ako wala nakong magulang kaya nauunawaan kita." " Naku, mas malala papala ang sinapit mo kaysa sakin, nahiya na tuloy ako mag dalamhati." " Sus, walang masama damdamin lahat ng problema iba naman tayo ng pinag daanan eh, ano kaba?". " Kasi.... Kasi hindi ko alam pano sasabihin kaka kilala lang natin nahihiya ako, ang dumi kong babae, sobrang dumi ko hiyang hiya ako sa Ina ko". biglang iyak na sambit ni Agatha. " Ha? Anong sinasabi mo? Anong mga paratang sasarili moyan?". " Ginahasa ako ng tatay ko kagabi, lasing sya hindi ko alam kung alam nya ang kanyang ginagawa dahil habang ginagawa nya yon binabanggit nya ang pangalan ng nanay ko, ayoko syang makita, ayokong umuwi gusto konang umalis dito, tulungan moko Gilas!". " Hala, hindi pakita pwedeng isama sa ngayon pero matutulungan kita sa salapi para maka alis na sa lugar na ito, babalik ako dito mamayang hapon ng alas singko, aantayin kita dadalhin ko ang perang kelangan mo, umuwi kana at kumain mag dala ka kahit kaunting gamit pag ka abot ko ng pera sayo umalis kana". " Sge Gilas, salamat sobrang salamat aasahan koyan pupunta ako mamaya, madaming salamat sayo ". Kaagad na kumaripas ng takbo si Agatha papunta sakanilang tahanan, ramdam nya ang pag gaan ng kanyang loob kay Gilas kaya sobra ang kanyang pag titiwala dito. Pag pasok nya sa pintuan bumungad sakanya ang kanyang ama kasama ang mga barkada nito na malagkit ang tingin sakanya... " Saan ka galing? Sinong nagsabi sayo na umalis ka ng walang paalam?!". " Eh wala po kasi kayo kanina, ang aga nyo naman po yata umuwi". " Wag kanang lalabas ah?! Dito kanalang, iinom kami ng mga kaibigan ko dito, pag silbihan mo kami!!". " Hindi poba kayo aabot ng hapon? May pupuntahan po kasi ako." " Ah? HAHAHAHAHAHHA saan, sa dalampasigan? Sinabi ng mga kaibigan ko nakita kadaw nilang nag sasalitang mag isa nababaliw kanaba anak?!". " Baka po kung ano ano na nakikita nyo sa Dami ng alak na dumadaloy sa utak nyo!". Kaagad dumiretso si Agatha sakanilang silid at hinanap ang nag iisang memorya ng kanyang Ina, ang kwintas nitong kaagad nyang binulsa dahil kapag hindi padin umalis ang mga kaibigan ng kanyang ama ay hindi sya makaka daan sa pinaka pintuan at wala syang pag pipilian kundi tumalon sa bintana. Hindi sya mapakaling nag aantay ng oras habang inaantay matapos ang maingay at matinding inuman ng kanyang ama at mga kaibigan nito. Ilang oras ang lumipas bumukas ang pinto ng kwarto, akala nya tapos na ang inuman dahil pumasok na ang kanyang ama, ngunit duon sya nag kakamali dahil sumunod dito ang tatlo nitong barkada at sinarado ang pintuan. Ngumisi ang kanyang ama sakanya at alam na ni Agatha ang mangyayari, nag sisigaw sya ngunit tinakpan ang kanyang bibig at hiwakan ng iba panitong mga kaibigan ang kanyang kamay at papa upang hindi sya makapalag, binaboy sya ng apat na lalaki kasama ang kanyang ama, pinag pasa pasahan at pinag salit salitan sya, pumikit nalamang sya habang umiiyak at hindi makalagaw.. " AGATHA, PASENSYA KANA WALA AKONG MAGAGAWA MATATAPOS NA ANG PAG HIHIRAP MO MALAPIT NA, HINDI KITA PAPABAYAAN". Tinig ng isang lalaki na bumulong sakanya habang sya ay naka pikit, katulad ng tinig na narinig nya sakanyang panaginip. Sinubukan pang pumiglas ni Agatha pero hindi nya magapi ang lakas ng mga demonyong lalaki na gumagawa ng kababuyan sakanya. Halos isang oras bago matapos ang kalbaryo ni Agatha, umalis ang mga hayop na parang walang nangyari at pupunta na sa laot para mangisda, naiwang luhaan at duguan ang ari ng dalaga, iyak sya ng iyak at hindi manlang maka galaw maski kanyang mga daliri, alam nyang malapit nang mag hapon, hindi sya pwedeng hindi sumipot kay Gilas dahil ayun nalang ang tangi nyang pag asa pero maski pag gapang ay hindi nya magawa. Mawawalan na sana sya ng pag-asa ng di inaasahang pumasok si Gilas sakanilang Kubo at agad syang niyakap, hindi magkanda mayaw sa iyak at pasasalamat ang dalaga at dumating si Gilas at matutulungan sya, binihisan sya nito at nilinisan naiintindihan ng binata na hindi ito makakalakad kaya binuhat nya ito, unti unting nawawalan ng wisyo si Agatha dahil sa sakit ng ulo, ang huli nyang nasilayan at sumakay sila ni Gilas sa isang puting kabayo. Gabi na ng magising si Agatha, muntik nasyang sumigaw sa takot dahil nakita nyang nasa gitna sya ng gubat sa sobrang dilim pero kaagad syang nilapitan ni Gilas at nag paliwanag sakanya... " Huwag kang sumigaw, baka mabulabog mo ang mga bagay na hindi natin nakikita, at tyaka magaling kana kaya mona mag lakad". " Ha? Paano naman nangyari yon? At tyaka nasan na tayo? Bakit nasa gubat tayo?". " Ginamot kita ( sabay kagat sa hawak nitong bayabas) kung gutom ka madaming prutas dyan, tyaka eto lang ang daan na alam ko na hindi tayo masusundan ng kahit sino, masyadong malagim ang Araw mo pero nabalitaan ko kanina namatay daw ang tatay mo dahil nalunod?". " Ha? Teka??? Bakit masyadong maraming nangyayari?!.... Pero sabagay, ayos naman na na wala nasya para wala nang bumaboy sakin, mas pipiliin kopang maging ulilang lubos, pero magaling lumangoy ang tatay ko paano yung nangyari?!." " Malay mo hinila sya ng mga shokoy o kaya sirena sa dagat dahil ayaw non ng mga demonyo sa balat ng lupa HAHAHAHAHAHAHAH". " saan natayo pupunta ngayon?". " Kahit saang baryo basta malayo sa mga taong ginawang miserable ang buhay mo". " Gilas, bakit mo ito ginagawa?" " Dahil kailangan mo ng tulong ko, ay may maibibigay naman ako." "Pero hindi moko kilala". "Anong hindi, alam konga kung kailan ang kaarawan mo at kung paano ka pinanganak ng nanay mo diba nga muntik kapang mahulog sa banig?". Mas pinili nalang ni Agatha ang manahimik, ayaw nyang masyadong madaming malaman sa araw naiyon at ibinaling nalang ang atensyon sa iba, wala syang ibang ginawa buong gabi kundi umiyak sa mga braso ni Gilas na nariyan para sakanya at hindi sya hinusgahan. Kinabukasan maaga silang nag lakbay palabas ng gubat, sa bukana ng kanilang daanan pansin ni Agatha ang pagiging kakaiba ng lugar. Parang paraiso ito sa sobrang ganda na parang wala sya sa totoong mundo, lahat ng tubig na nakikita nya ay kumikinang, mga dahon at sobrang masagana tignan ang mga puno na mayayabong at hitik sa bunga, malinis na daanan na tila para talaga sakanila. Ayaw mag salita ni Agatha kaya hindi nasya nag tanong, kahit pa nahihiwagaan nasya sa lugar at nakaka pansin ng mga kakaibang hayop na hindi nyapa nakikita kailanman. Hindi din nag tagal at malapit nanilang marating ang labasan ng gubat dahil nakakakita nasya ng mga tao sa paligid na nangangahoy, binati sya ng isang lalaking nangangahoy dahil napansin sya nito.. " Maganda Umaga Binibini, mag iingat ka sa gubat na ito lalo at nag iisa kalamang". Napa pilit na ngiti si Agatha at napa tingin kay Gilas at sa kasama nitong puting kabayo na nasa tabi nyalang mismo, ngumiti lang din naman sakanya si Gilas at nag patuloy lang sila sa pag labas sa gubat. Isang panibagong baryo ang bumungad kay Agatha, malayong malayo sakanyang nakalakihan dahil wala nang dagat, puro bundok at kapatagan ang kanyang nakikita na talaga namang nag pabago sakanyang paningin. " Oh Agatha, maganda ba? Sobrang layo na nito sa dati mong Lugar, siguro naman magiging payapa na ang buhay mo dito". " Ang Ganda nga Gilas, pero hindi mobako sasamahsn manirahan dito? Mag isa lang ako?". " Hindi kanamin masasamahan ni Lantok, marami kaming mga responsibilidad at may sarili kaming Buhay, pero hindi kanamin papabayaan, sinasabi ko sayo hindi mona kakailanganin mag trabaho SUSUPORTAHAN kita mapa salapi manyan, pagkain o dikaya ay kagamitan, nakita mo yung malaking kawayan na bahay nayan? Nabili koyan para sayo, pumasok kana doon at mag ayos kana ng sarili dahil ang dungis mona tignan, heto ang mga ginto na ipagpapalit mo kung kailangan mo ng salapi para saiyong mga kagustuhan. Ngapala, kung kailangan mo ako humarap kalang sa unang puno ng balete na makikita mo sa gubat tapos umuwi kana, pupunta kami ni Lantok kaagad". " Salamat Gilas! Hindi ko alam bakit moto ginagawa, bumalik balik ka dito ha?, Mag iingat kayo ni Lantok, sya ang unang unang kabayo na nakita ko sa buong buhay ko, wala nyan sa dalampasigan eh". sambit ni Agatha habang niyayakap si Gilas. Umalis na si Gilas matapos mag paalam, lumapit na si Agatha sa sinasabi nitong bahay na para sakanya. Naroon ang isang matandang babae na paniguradong ang nangangalaga sa bahay na iyon at inaantay sya.. " Ineng, bakit nag sasalita ka mag isa kanina? Tinatakot mo naman ako, Ako nga pala si Inang Lidya ako ang makakasama mo sa bahay nato bayad nako ng limang buwan para matulungan ka sa mga gawain dito, huwag ka mag alala ako ang bahala". " Kausap kopo yung bumili ng bahay nato, hindi nyopo ba nakita? pwede poba patingin na ng loob? Nasasabik napo kasi ako at unang beses ko tumira malayo sa dalampasigan ". Pumasok sila sa kawayang bahay at tuwang tuwa si Agatha sakanyang nakita, mas maayos na gamit KUMPARA sa kanyang mga nakalakihan sa Kubo ng kanyang Ina, malilinis na higaan at magandang detalye ng bahay. Pakiramdam nya ay ligtas na ligtas sya sa loob nito, malaki din ang kanyang katre hindi kagaya ng katre nya sa kanilang Kubo na lumalagpas ang kanyang paa dahil sobrang iksi. Hindi rin nag tagal ay tinawag nasya ng matanda para kumain ng nilagang kamote, sarap na sarap ang dalaga dahil mas madalas nyang kainin ang isda kumpara sa mga ganitong putahe noon. Makalipas ang ilang linggo ay naging kampante nasya sakanyang bagong buhay kung saan naalagaan sya ng maayos ni Inang Lidya. " Inang, gaano napo kayo katagal dito?". " Matagal na matagal na, dito nako isinilang". " Wala po kayong anak?, Napaka maalaga nyopo kasi ang swerte po siguro nila". " Mayroon akong anak, tatlo panga eh kaso iniwan na ako dahil may sari sarili ng pamilya, Ikaw ba Iha? ilang taon kana?" " Kinse po, malapit napo ang kaarawan ko tatlong buwan na lamang at disi-sais nako". " Ang bata mopa, ang mga magulang mo? Nasaan? Bakit mag isa kanalang ngayon?". " Nalason po ang nanay ko ng nakain nyang isda, ang tatay ko naman noong araw na nakarating ako dito napabalitang nalunod". " Maganda ang iyong wangis, banyaga ba ang tatay mo?". " Banyaga sya, pero ayokong tawagin syang tatay, ginahasa nyako, dalawang beses, at sa pangalawang beses ay kasama ang kanyang mga barkada. Napaka hayop nila, wala silang puso, nararapat lamang sakanila ang mamatay.". " Napapansin ko hindi kapa dinadatnan ng buwanang dalaw mo, nag karoon kanaba non? Jusko maawaing Panginoon huwag naman sanang nag dadalang tao ka". "Po? Ano pong ibig nyong sabihin????!". " Baka buntis ka Iha, baka nabuntis ka ng mga gumahasa sayo!!, Hindi maari masyado kapang Bata, at Hindi natin alam kung may mananagot ba sa batang iyan, at isa pa nandito ka sa baryo kung saan hindi kalayuan ang pugad ng mga Aswang." " Aswang???! May Aswang sa baryong ito?, Sandali inang mabilis lamang ito". Kaagad kumaripas si Agatha sa unang puno ng balete sa gubat at tinawag si Gilas habang sya ay lumuluha, matapos nyang tawagin ito ay kaagad syang bumalik sakanyang tahanan at nag antay sakanyang silid, sa paglaon ay naka rinig sya ng isang mabilis na takbo ng kabayo at alam nyang si Lantok at si Gilas na iyon. " Napatawag ka? ". hingal na wika ni Gilas habang pumapasok sa silid ng dalaga. " Gilas, may tyansa na nabuntis ako sa pang gagahasa sa akin, sabi ni Inang hindi daw kalayuan dito Ang pugad ng mga Aswang paano kung maamoy nila ako? Paano nako Gilas! tyaka ang bata kopa ayoko pang mabuntis!!". " Akin na ang tyan mo at papakiramdaman ko, malabo namang mabuntis ka nila". " Gilas, pakiramdaman mo oh, damahin mo tignan mo kung may bata ba dito, hindi ko kaya manganak, ayoko pa, tyaka takot ako sa mga Aswang, ano nalang sasabihin ko sa bata kung sino ang tatay nya". " Wag kang masyadong madaming iniisip, magagawan natin yan ng paraan, ang problemahin mo ang kaligtasan mo sa mga Aswang". " Eh paano nga? Bata lang ako, hindi din ako mapoprotektahan ni Inang Lidya. Lagi kapang wala dito, mamamatay nalang ba ako dito?". " Syempre hindi, hindi ko hahayaan na mangyari yan kahit naman dimo ako nakikita ay nandito lamang ako nag babantay sayo, hindi kanamin papabayaan ni Lantok". " Huwag kana muna umalis ngayon dito kalang muna, bakit ba ayaw mong mag pakita kay Inang Lidya? Hindi karaw nya nakikita". " May mahirap paliwanag pero hindi nya talaga ako pwedeng nakita, walang sinong pwedeng makakita sakin bukod sayo pero sige mananatili ako dito pero hindi ako lalabas ng silid mo". Magdamag tulala ang dalaga at iniisip kung anong gagawin nya at kung ano pang magiging buhay nya sa hinaharap, bilang isang laking dalampasigan mahirap sakanya ang mabuhay sa kapatagan dahil naroon pala ang mga Aswang na nag dudulot ng takot sa kanya at sa kalagayan ng kanyang magiging anak. Buong araw nyang iniiyakan ang mga nangyayari sakanyang buhay at kung paano nya haharapin ang kanyang anak na bunga ng kababuyan na ginawa sakanya ng kanyang ama at ng mga kaibigan nito, natatakot din syang kapag lumaki ang bata ay matulad sakanya at husgahan ng ibang tao, kaya lubos nalamang ang pasasalamat nya ng misteryosong dumating si Gilas sakanyang buhay. " Gilas, mag gagabi na natatakot ako baka may mga Aswang sa paligid". " Wala pang interes sa dugo ng anak mo ang mga Aswang nayan, pero sa lilipas na limang buwan tyaka kana kabahan halos buo nayang bata at paniguradong hindi kanila titigilan. Sa pag kaka alam ko ikaw lang ang nag dadalang tao sa baryong ito". " Edi nasakin ang tuon ng mga Aswang? Umalis nalang kaya tayo dito Gilas? Natatakot ako para sa atin." " Hindi tayo pwedeng umalis dahil dito lamang ang natatanging baryo na malapit sa tahanan ko, kapag lumayo kapa ay baka hindi kita mapuntahan sa oras na kailangan mo ako, kahit may mga Aswang dito ay mas mapoprotektahan ka". " Bakit kasi hindi mo nalamang ako isama sa tahanan mo? Dun nalang tayo tumira Gilas, parang awa mona". " Hindi pa pwede sa ngayon Agatha, wag nating gawing kumplikado ang lahat basta banggitin molang ang pangalan ko at dadating ako, Hindi kita papabayaan". Habang nag uusap bigla namang pumasok si Inang at nag bigay ng suhestyon... " Agatha, pumunta kana kaya sa Albularyo kakaiba kana at nag sasalita ka mag isa? At para nadin may proteksyon ka sa mga nilalang na maaaring gumambala sayo". " Inang, baka dahil napo sa katandaan nyo kung bakit hindi nyo makita si Gilas, maputla kasi ito eh. Nangako naman si Gilas na poprotektahan nyako, hindi napo nating kailangan ng albularyo." " Naku Agatha, baka ineengkanto kana! Matutulog nanga ako at mag pahinga kana, ipag lalaga kita ng saging na saba bukas". Napa kibit balikat nalang ang dalaga habang tumatawa lang sa higaan si Gilas, magkatabi silang natulog ni Agatha at mag kayakap lamang mag damag, ramdam na ramdam ni Agatha ang mabagal na pag t***k ng puso ng isang natutulog na si Gilas, tinititigan nya ang gwapo nitong mukha habang paulit ulit itong nag papa salamat sa isipan nito sa mga naitulong nito sakanya, pasimple nyapang hinalikan sa labi ang binata at natulog na. Nanaginip si Agatha na nasa isang paraiso sya kung saan malaki na ang kanyang tiyan, madaming magagandang bulaklak ang nasa paligid at madaming magagandang paru paro, di kalayuan nakakita sya ng lalaking mala anghel dahil sa ayos ng mukha at pangangatawan nito na papalapit sakanya.. " Magandang araw Agatha, sinabi ko naman sayo na hindi kita papabayaan diba? Na sasamahan kita sa lahat ng oras at pag kakataon". " Sino ka? Bakit madaming mga hayop sa Lugar nato na hindi kopa nakikita, bakit may mga nag lalakad na halaman? Mga puno? Nasaan ako?". " Kilala mona ako Agatha, hindi ang tatay mo o ang mga kabarkada nyang bumaboy sayo ang naka buntis sayo, kundi ako naalala moba nung nanaginip ka na niyakap mo ako habang umiiyak? Nag karoon tayo ng matibay na koneksyon sa isat isa dahilan para mag bunga ang nararamdaman ko sayo, aalagaan ko kayo ng anak natin, huwag kang mag alala, gumising kana Mahal ko, kumain kana at Umaga na". Nagising si Agatha sa ingay ng tilaok ng manok, Umaga na at wala na si Gilas sa tabi nya. Marahil ay hindi nasya nito ginising dahil masarap ang kanyang tulog. Sinalubong sya ni Inang Lidya at inaya syang kumain at kinausap... " Agatha? Saan mo nakuha ang mga ginto na naroon sa silid mo? Ang dami, bakit sa kawayang tahanan kalang naka tira?". " Po? Ah,,, baka si Gilas ang nag bigay, ako nalang daw ang bahala na ipalit yan sa salapi at sa mga pagkain, ayokong pumunta sa syudad ayos nako dito sa probinsya ". " Sino bakasi yan si Gilas? Hindi kaya ineengkanto ka? May kasintahan kabang engkanto?". " Kung engkanto si Gilas, hindi kosya mararamdaman, hindi kosya mayayakap, pero isa din yan sa pinag tataka ko, bakit hindi nyo sya nakikita?, Hindi kodin alam kung kasintahan kosya". " paano moba nakilala si Gilas?". " Nakilala kosya nung araw na unang beses akong ginahasa ng tatay ko, bigla nalang syang sumulpot sa aking likuran at dinamayan ako na alam na alam nya kung anong mga pinag daanan ko sa Buhay. At tinulungan nyakong makatakas sa dalampasigan dinala nyako dito, nag kakaroon din ako ng mga panaginip kung saan naroon ako sa isang paraiso sinasabi sakin ng isang lalaki na hindi nyako papabayaan at sya ang ama ng anak ko". " Bakit ba ayaw mong maniwala na ineengkanto ka? Aantayin mopabang sa susunod na managinip ka ay hindi kana magising at habang Buhay kanang nasa Mundo nila?". " May tiwala ako kay Gilas, hindi naman sya parang mga duwende na kapag tumutulong ay palaging may kapalit, kung sakaling engkanto sya". " Basta mag iingat ka, ayaw naman kitang iwanan dahil ang sinasahod ko sayo ay ayun din ang nag tataguyod sa akin, anak nadin ang turing ko sayo basta kapag may kailangan ka huwag kang mahihiyang lumapit sakin". " Salamat inang, pero matanong kolang kung hindi mo nakikita si Gilas sinong nag bigay ng trabaho sayo para bantayan ako?". " Kakatapos kolang mag laba at kaka higa kolang sa Kubo ko, ayun din yung araw na iniwan ako ng mga anak ko dahil nag karoon kami ng alitan kasama ang mga apo ko, bagsak na bagsak ako noon ng may biglang kumatok sa aking pintuan, wala akong naabutan na kahit sino, basta madaming pera sa ibaba at may letra na nagsasabing pumunta ako sa Lugar nato at may aalagaan akong dalaga". " Marahil si Gilas nga gumawa nyan, pero sigurado ako hindi sya engkanto baka sadyang Patay lamang ang Gasera noong nag tungo ka sa aking silid para kausapin ako kagabi". " Nagawa kitang makita at ang mga gamit sa kwarto mo dahil maliwanag ang buwan, pero wala akong Gilas na nakita ". Tumalikod na ang matanda at marami padaw syang gagawin, nag palipas lamang ng Oras si Agatha sa pag upo sa ilalim ng puno ng Narra sa labas ng kanyang Bahay, naka tulala lamang sya habang dinadama angasarap na hangin sa buong paligid at pag nood sa mga batang nag lalaro na ka edad nya sa mga bakuran ng kanilang tahanan. Hindi nya maiwasan ang mainggit dahil kahit kailan man sakanyang buhay ay hindi nya naranasan mag laro, para syang may sakit dahil iniiwasan sya ng mga tao sa pagiging banyaga nya, napapa isip nalang tuloy sya na sana sakit nalang ang rason kung bakit iniiwasan sya ng mga tao, hindi dahil sya ay banyaga. Ayaw na ayaw nyang magkaroon ng kaunting patunay na anak sya ng kanyang ama, dahil ang inaakala nyang paglayo dito ay magiging kalayaan nya ay mas lalo pala syang nakulong at nabahag sakanyang tahanan. Sa mga nakalipas na buwan nanatiling sikreto ang kanyang pag bubuntis, si Inang Lidya at Gilas lamang ang may alam, hindi nadin sya lumalabas ng tahanan o kahit sumilay manlang sa bintana, naging mahirap sakanya ang pag dadalang tao dahil sa bata at sensitibong matres nito, wala nasyang magawa sa araw araw kundi indahin ang sakit ng kanyang balakang at buong katawan, puro nalang sya higa at hindi na magawa ang bumangon, mabuti nalamang at nandyan para sakanya si Inang Lidya sa Umaga at si Gilas sa gabi. Patagal ng patagal ang pagsasama nila ni Gilas ay palalim ng palalim ang nararamdaman nito sa Binata, kahit wala syang ideya kung saan ito naka tira, ilang taon na ito at kung papaanong madami itong ginto gayong hindi naman ito pusturang mayaman, at ang Kabayo nitong si Lantok na parang nag Sasalita sa tuwing kinakausap ni Gilas. Madami syang tanong pero ayaw nyang kwestyunin ang binata, pakiramdam nya ay wala syang karapatang manghimasok at husgahan ang pagkatao nito dahil sa sobrang daming bagay na naitulong nito sakanya. Kung malaman manya na ito ay engkanto ay wala namang problema sakanya, tanggap naman nya ito hnbvy. pero hindi nya maiiwasan ang mag tanong ng mag tanong dahil hindi agad ito umamin sakanya sa tunay nitong pag katao. Sa pag tagal naging kumpirmado ang relasyon nilang dalawa, sila ay naging opisyal na mag kasintahan at nag mamahalan lamang, walang araw na hindi umuwi si Gilas upang bantayan at tignan tignan ang kasintahan. Pumatak ang ika anim na buwan ng tiyan ni Agatha, doon sya naka pansin ng mga kakaibang bagay ang dalaga, madalas nyang nasisilayan sa labas ng kanilang bagay ang misteryosong babae na may kasama na tatlong lalaki na malagkit tumitig sa tahanan nila, sa tuwing ginagawa ng mga ito ang ganoong bagay, sumasakit ang tiyan, nahihilo at kinikilabutan si Agatha. Grabe ang bigat ng presensya na nararamdaman nya sa kanilang panauhin sa baryo. Sinasabihan din sya ni Inang Lidya na huwag na huwag lalapit at makikipag titigan sa mga iyon dahil marahil ayun ang mga Aswang na sinasabi nya na naamoy na ang sanggol sakanya. Binilinan din sya na huwag mag papa pasok ng kahit sino sakanilang tahanan sa oras na aalis si Inang Lidya para mamalengke at mag asikaso ng ibang bagay dahil baka hindi nya alam Aswang napala ang pinapatuloy nya, mahirap nadin sa kalagayan ni Agatha dahil dalaga palamang ito at hindi alam paano ipag tanggol ang sarili, tumupad naman ang dalaga at nangako nasabi nadin kasi sakanya ni Gilas ang maaring gawin ng mga Aswang sakanya maging sakanyang Sanggol na dinadala. Maaari silang mapahamak o ang pinaka malala ay mamatay sila ng kanyang Anak. Ganon nalamang din ang takot ni Agatha sa mga nangyayari, alam nya kasing hindi malayo ang kapahamakan.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Enchantasia: The Academy of Magic ✔

read
125.9K
bc

Abducted By My Twin Alien Mates

read
38.8K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
183.4K
bc

The Real About My Husband

read
25.5K
bc

The Mystique Kingdom

read
36.2K
bc

Lady Boss

read
2.1K
bc

Heiress Bodyguard (Tagalog / SPG)

read
9.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook