ABALA si Krissa sa pagbabasa sa kanyang paboritong libro ng tumunog ang message alert tone ng cellphone niya na nakalapag sa ibabaw ng bedside table.
Napakagat siya ng ibabang labi nang makita at mabasa kung sino ang nag-message sa kanya. Hindi din niya napigilan ang pagkabog ng dibdib sa sandaling iyon.
Itiniklop ni Krissa ang hawak na libro at mabilis niyang binuksan ang natanggap na message para basahin.
From: Jackson
Are you busy?
Mabilis siyang nag-reply rito. Sinabi niyang hindi siya busy. At kahit naman na busy siya, sasabihin niya rito na hindi.
Ilang segundo lang ang hinintay ni Krissa ng tumunog na naman ang message alert tone ng cellphone niya. May reply siya galing rito.
From: Jackson
Can we talk now?
Kagat ang ibabang labi na nag-reply siya ng 'okay' dito. Akala niya no'ng nag-reply siya ng 'Okay' ay tatawag ito sa kanya para makapag-usap sila gaya ng gusto nito. Pero laking gulat na lang niya ng tumunog muli ang message alert tone ng phone niya.
From: Jackson
Come outside. Nasa harap ako ng bahay niyo.
Nanlaki ang mga mata ni Krissa sa nabasa. At nang medyo nahismasan ay dali-dali siyang bumaba sa kanyang kama. Sa kakamadali pa niya ay muntik pa siyang mapasubsob sa carpeted floor, mabuti na lang at na balance agad niya ang katawan.
Patakbo ang ginawa ni Krissa palapit sa bintana. At mula ro'n ay sumilip siya sa labas. Naroon nga si Jackson, nakita niyang nakasandal ito sa hamba ng kotse habang nakatutok ang atensiyon nito sa hawak na cellphone.
Umalis siya mula sa pagkakasilip sa bintana at nagmamadaling lumabas ng kwarto para puntahan si Jackson pero bumalik ulit siya sa loob ng maalalang wala pala siyang suot na bra. Hindi kasi siya nagsu-suot ng bra kapag nasa loob na siya ng kanyang kwarto.
Nang makapag-ayos ay tuluyan na siyang lumabas ng kwarto at nang bahay. Hindi na naman napigilan ni Krissa ang pagkabog ng dibdib habang naglalakad siya palapit sa kinaroroonan ni Jackson.
"Hey," tawag niya sa atensiyon nito. Nag-angat naman ito ng tingin. At lalong trumiple ang kabog ng dibdib niya nang magtama ang paningin nilang dalawa.
Malakas talaga ang impact ni Jackson sa kanya—lalo na sa puso niya. Tingin pa lang kasi nito ay pinapakabog na nito ng husto ang puso niya.
No wonder, she was smitten by him.
He is Jackson Galvez—one of the campus crush s***h campus heartthrob sa Montenegro University na pinapasukan nila. Maraming babae na nagkakagusto rito dahil sa nag-aapaw na hotness at ka-gwapuhan nito. Idagdag pa na matalino ito, he's consistent deanlister. At isa siya sa mga babaeng nagkakagusto kay Jackson sa campus nila.
Na like at first sight si Krissa rito noong una niya itong makita ng mag-transfer siya sa Montenegro University no'ng second year college siya. Naging kaklase pa niya ito. Pareho kasi sila ng kursong kinukuha—ang Civil Engineering.
Madalas din na kasama ni Krissa si Jackson sa mga group projects nila sa school. At ito ang madalas na group leader nila.
Mabait si Jackson, lalo na sa kanya. Kapag nasa classroom sila ay lagi siya nitong nilalapitan para kausapin. Kapag may hindi siya naiintindihan na lecture ng professor nila ay nilalapitan niya ito para magtanong at magpaturo. Wala namang pagdadalawang isip na tinuturuan siya nito.
And as time passed by, hindi napapansin ni Krissa na nahuhulog na pala siya kay Jackson.
She was falling for him fast and hard—like a bullet.
Pero inilihim ni Krissa ang nararamdaman para kay Jackson. Alam naman kasi niyang hindi nito masusuklian ang nararamdaman niya kung sakaling magtatapat siya na mahal niya ito.
Because Jackson was in love with someone else. May girlfriend kasi itong ubod ng ganda, ubod ng sexy at gaya nito ay popular din sa University nila. Si Jenny—ang campus sweetheart at campus babe ng Montenegro University. At bago niya makilala si Jackson ay girlfriend na nito ang dalaga.
At aaminin ni Krissa, sa tuwing nakikita niya ang dalawa na magkasama ay hindi niya mapigilan ang puso na masaktan. Nagseselos siya kahit na wala naman siyang karapatan.
Well, she tried her best to forget her feelings for him. Pero hindi niya mapigilan at maturuan ang puso, masyado kasing pasaway ang puso niya na kahit na nasasaktan na ay patuloy pa rin ito sa pagmamahal kay Jackson. Tanga nang matatawag pero kahit na alam niyang may mahal itong iba ay lihim pa rin niya itong minahal.
Pero isang araw, nabalitaan ni Krissa na nag-break ang dalawa. Masama man, pero natuwa siya sa balitang iyon dahil nagkaroon ang puso niya ng pag-asa. Pag-asang posibleng maging sila ni Jackson at mahalin din siya nito tulad ng nararamdaman niya para rito.
Ginawa ding way ni Krissa ang pagiging broken hearted ni Jackson para makalapit siya rito—lalo na sa puso nito. Hindi siya umalis sa tabi ng binata, dinamayan niya ito. Gusto kasi niyang ipakita sa binata na nando'n lang siya sa tabi nito. Iparamdam na hindi lang si Jenny ang babae sa mundo. And of course, she helped him to move on secretly.
Pero habang nasa tabi niya ito ay nagulat na lang si Krissa ng hingan siya ng tulong ni Jackson. Tulungan daw niya ito na bumalik si Jenny rito. Mahal daw nito si Jenny at hindi daw nito kayang mawala ang dalaga sa buhay nito.
Nang sabihin nga ni Jackson iyon sa kanya ay todo ang ginawa niyang pagpipigil huwag lang umiyak sa harap nito. Akala niya manhid na ang puso niya sa sakit pero nakaramdam pa rin iyon ng sakit ng sabihin nito sa harap mismo niya kung gaano nito kamahal si Jenny.
Siyempre, tinanggihan ni Krissa si Jackson. Ayaw kasi niyang magkabalikan ang dalawa. Pero nakiusap si Jackson sa kanya at dahil mahina ang puso niya pagdating dito ay pumayag siya kahit labag sa loob niya.
Sinabi naman ni Jackson kung paano niya ito tutulungan. Sinabi nito na kapag nasa paligid si Jenny ay magpanggap sila na mag-boyfriend-girlfriend para pagselosin ito. Nararamdaman pa naman daw ni Jackson na mahal pa ito ng babae.
At nasa isip din ni Krissa na habang nagpapanggap sila na mag-boyfriend and girlfriend. Gagawin naman niya ang lahat para mabaling ang pagmamahal nito sa kanya.
It's like hitting two birds with one stone.
At iyon ang ginawa ni Krissa sa dalawang linggo na pagpapanggap nila. She makes him fall in love with her.
Umayos ng pagkakatayo si Jackson nang makita siya nito. Pagkatapos ay naglakad ito palapit sa kanya. She just smiled at him. "Hmm... ano pala ang pag-uusapan natin?" tanong niya rito ng huminto ito sa harap niya.
Ipinasok ni Jackson ang dalawang kamay sa loob ng bulsa ng suot nitong pantalon at tinitigan siya nito ng matiim sa mga mata. Pilit naman niyang sinasalubong ang titig nito kahit na nanlalambot ang mga tuhod niya.
Mayamaya ay ngumiti ito sa kanya. Iyong klase ng ngiting halos magpakabog ng triple sa dibdib niya. "It's success," nakangiting balita nito.
Bahagya namang kumunot ang noo niya. "Success?"
Tumango ito. "Nagseselos si Jenny sa ating dalawa. At inamin niyang mahal pa rin niya ako. At gusto niyang makipagbalikan sa akin." masayang balita nito sa kanya.
Kitang-kita ni Krissa ang kasiyahan sa mga mata nito pero kabaliktaran naman iyon ng nararamdaman niya sa oras na iyon.
Para siyang binagsakan ng langit at lupa sa ibinalita nito. Para din may malaking kamay na sumakal sa puso niya sa sandaling iyon lalo na nang makita niya ang kasiyahan sa mga mata nito.
He really loves Jenny so much.
Pero kahit na nasasaktan ay pilit pa rin niyang ngumiti rito. Darn, it's hurt like hell. "Really? Congratulations," sabi niya. Gusto din niyang palakpakan ang sarili dahil nagawa pa rin niyang makapagsalita ng buo ng hindi pumipiyok sa harap nito. "So, magbi-break na tayo?" Nagawa pa niyang magbiro sa kabila ng nararamdaman.
Tumango ito dahilan para lalong masaktan ang puso niya. "Thank you so much, Krissa. Kung hindi dahil sa tulong mo ay hindi siguro babalik sa akin si Jenny. I owe my happiness to you."
Tumikhim siya para maalis ang bara sa kanyang lalamunan. "It's... not a big deal," sabi niya rito. "Hmm...I wish your happiness with her." Halos pabulong lang na dagdag niya.
"Thank you," wika ni Jackson.
"Oh, I forgot," mayamaya ay wika niya. "Sorry, Jackson. Kailangan ko ng pumasok sa loob. Naalala ko, mag-o-overseas call pala si Papa sa akin ngayon," sabi niya. Kahit ang totoo ay hindi naman talaga tatawag ang Papa niya. Alibi lang niya iyon para makaalis na dahil hindi na niya kayang pigilan ang emosyon.
"It's okay. Sige, pasok ka na."
She smiled and wave at him. Hindi na rin siya nagsalita. Tumalikod na siya at naglakad papasok sa bahay.
Saktong pagkatalikod ay bumagsak ang luha na kanina pa pinipigilan ni Krissa.
Coming soon...