Chapter 5

1573 Words
Napapalingon ako sa paligid dahil sa nagagandahang display at paninda. May ilan namang naglalaro sa tabi ng daan. Napapangiti ako sa sigla nang bayan ng Asura, sakop pa rin ito nang kaharian ng Alanta. Minsan na rin akong nakapunta dito noon, kasama sina Mommy. "Thania, dito tayo," narinig kong sabi ni Bella. Sumunod ako sa kanya nang pumasok siya sa isang lumang pagamutan. Naglalakad kami sa loob habang may nakakasalubong kami at binabati. "Kilala si Daddy dito, maging ako dahil lagi akong inuutasan na magdala ng mga gamot dito," sabi ni Bella. "Napakahusay talaga ni tito," nakangiti kong sabi. "Hahaha tama ka, kaya maswerte din ako dahil may nalalaman din ako tungkol sa panggagamot," nakangiti niyang sabi. Pumasok siya sa isang kwarto kaya sumunod din ako. "Dad!" tawag niya sa kanyang ama na may binabasa sa mesa. Bumaling ito sa amin at napangiti nang makita kami. "Bella, mabuti at nandito ka na, oh Thania nandito ka rin pala," sabi ni tito kaya ngumiti ako sa kanya. "Oo Dad, heto na pala iyong gamot na sinasabi niyo." Binigay ni Bella ang dala niyang gamot sa kanyang ama at kinuha rin ito. Napatango ito nang tingnan niya ang mga gamot. "Tama ito, " sabi ni Tito. "Ahm Dad, magpapaalam po pala ako. Biglaan ito kaya hindi ako nakapagpaalam nang maayos kay Mommy. Sasamahan ko kasi si Thania," sabi ni Bella at tumingin sa akin. Kaya napatingin din si tito sa akin. "Bakit? Saan ka ba pupunta Thania?" tanong ni tito sa akin. Napatingin ako kay Bella at bahagya siyang tumango. "Actually tito, I'm going to Allejera and Bella wants to come with me," sabi ko. Napansin kong natigilan siya at napatingin kay Bella. Tumango si Bella sa kanyang ama. "Allejera? Ano naman ang gagawin mo doon?" muling tanong ni tito. Bahagya akong napabuntong-hininga at napatingin kay Bella. "Aalamin lang namin Dad kung may koneksyon sa kanya ang lugar na iyon. We know that she is an adopted daughter. Sa Allejera siya natagpuan nina tita at tito noon, kaya pupunta kami doon," paliwanag ni Bella sa kanyang ama. Napatango ito at bahagyang naging seryoso ang mukha nang tumingin sa amin. "Alam niyo ba kung gaano ka-delikadong pumunta roon?" seryoso niyang sabi. "Alam namin Dad, kaya may isasama kami na maraming alam patungo sa Allejera at alam kong kilala niyo kung sino iyon," sabi ni Bella. Hindi agad nakasagot si tito at bahagyang bumaling sa akin. "Dok, nandito na po iyong pinabibili niyo." Sabay kaming napalingon sa bagong dating. Natigilan ako nang makilala siya. "Drake!" tawag ni Bella. "Oh Bella, nandito ka pala teka, Kethania?" sabi niya at tila hindi makapaniwalang makita ako. Alanganing ngumiti ako sa kanya. Sa lahat ba namang lugar dito pa talaga kami magkikita? Drake was my brother's friend. Nanliligaw siya sa akin noon pero bigla na lang siyang nawala at hindi ko na alam kung nasaan siya. Nalaman kong lumipat na pala sila nang tirahan at hindi ko inaasahang pagkalipas ng dalawang taon, makikita ko siya ngayon. "Yes, Drake! Actually, may sasabihin sana ako saiyo. Pwedi mo ba kaming samahan ni Thania na pumunta sa Allejera?" sabi ni Bella sa kanya. Napansin kong natigilan siya at napatingin sa akin. Bakit ba sa tuwing binabanggit ang lugar ng Allejera, nagugulat sila. Ano bang klaseng lugar iyon para magulat sila nang ganito. "Huh? Ano naman ang gagawin niyo doon?" "Aalamin namin kung anong koneksyon ni Thania sa lugar na iyon. Baka malaman namin kung sino ang totoo niyang magulang, ganoon," paliwanag ni Bella. Bumaling si Drake sa akin at tela nag aalangan sa kung ano mang sasabihin niya. "Sigurado ba talaga kayong pupunta doon?" seryoso niyang sabi. "Oo," sagot ko. "That place was already abondon for many years, that's what I've heard. Lalo na ang palasyo sa lugar na iyon. Alam ko ang papunta doon pero hindi ganoon kadali. Kaya sigurado ba talaga kayo?" Nagkatinginan kami ni Bella. Tumango siya kaya napatango ako. "Oo," mariin kong sabi. "Hindi sapat ang kapangyarihan mo Thania, para makalagpas sa harang ng isa sa mga lugar na madadaan natin. Ano bang kapangyarihan mayroon ka?" seryoso niyang tanong. Hindi ako nakasagot. "Actually, hindi niya pa alam. She knows how to fight with her sword, but she didn't know what power she have," sabi ni Bella. Napailing si Drake sa sinabi ni Bella at tumingin sa akin. "Kailangan mo munang alamin iyon, Thania, bago ko kayo samahan." "Dalhin mo siya kay Minerva, Bella," biglang sabi ni tito. "Siya ang makakatulong kay Thania tungkol sa bagay na iyan," muling sabi ni tito. "Yes Dad, tara Thania dadalhin kita kay tita Minerva," sabi ni Bella. Tumango ako. "Puntahan mo na lang ako, alam mo kung saan ako makikita Bella," sabi ni Drake. Tumango si Bella sa kanya at sabay na kaming tumalikod sa kanila upang lumabas. Bago ako lumabas, lumingon ako at nakita ko pang nakatingin sa amin si Drake. Ngumiti siya sa akin kaya napaiwas lang ako nang tingin. I didn't know how to react that now he's here. Matagal ko siyang hindi nakita kaya nagulat ako nang makita siya ngayon. Napatingin ako kay Bella. Alam niyang nanliligaw sa akin si Drake noon, botong-boto pa nga siya sa amin noon. Kaya bakit wala siyang sinabi sa akin na nandito pala si Drake. Bakit niya ito inilihim? Napalunok nang maramdaman ang kakaibang aura sa paligid. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. "Tita Minerva!" tawag ni Bella, nasa labas kami ng isang bahay. Biglang bumukas ang pinto at wala akong nakitang taong nagbukas noon. Hindi naman ako dapat kabahan, sanay na akong may ganito. Ngunit iyong kakaibang aura na nararamdaman ko ang nagpapabigat sa akin. Sumunod ako kay Bella nang pumasok siya. Pagkapasok namin bigla namang sumara ang pinto kaya nagulat ako. "Hehe huwag kang mag aalala, ganyan talaga si tita pag tinatamad magbukas ng pinto. Halika, dito tayo," anyaya niya. Kaya sumunod ako. Nakarating kami sa sala at doon nakita ko ang isang babaeng nakaupo habang umiinom ng kape. "Bella, why are you here and who's this?" sabi nito. Natigilan ito nang makita ako. Sinuyod niya ang kabuuan ko at nakita kong dahan-dahan niyang binaba ang hawak niya. Tumayo siya nang hindi inaalis ang tingin sa akin. "Ahm actually tita, we're here because we want your help," sabi ni Bella. Tumingin ito kay Bella saglit at muling ibinalik ang tingin sa akin. "I see, what is it?" tanong niya at muling tumingin kay Bella saka ngumiti. "Maaari mo bang alamin tita, kung anong kapangyarihan mayroon siya?" sabi ni Bella at bumaling sa akin. Muli itong tumingin sa akin. "Oh Really? Hmmm," tugon niya at muling sinuyod ang kabuuan ko. Napatingin ako kay Bella. Tumango lang siya na tila sinasabing hayaan ko itong suriin ako. "I can feel the power inside you, but it was blocked. Kaya hindi mo mailalabas ito nang ganoon kadali. Come with me," sabi nito at tumalikod sa amin. Sumunod kami sa kanya. "Maraming alam si Tita kung paano alamin ang isang kapangyarihan. Ngunit hindi rin naman siya ganoon kalakas pagdating sa labanan. She can feel a strong power and also danger," narinig kong sabi niya habang naglalakad kami kasunod ng tita niya. Hindi ako nagsalita nang makapasok na kami sa isang kwarto. Medyo madilim ang paligid at may nakita akong tila bulang crystal sa isang maliit na mesa. Sinineyasan niya kaming umupo kaya sumunod kami. "What's your name?" tanong nito sa akin. "I'm Kethania," tugon ko. "Hmmm, Kethania, can you give me your hand?" sabi nito kaya binigay ko ang kamay ko. Pumikit siya nang mahawakan ito ang kamay ko. Nakita ko kung paano nagbago ang ekspresyon ng kanyang mukha. Nagkatinginan kami ni Bella at sabay bumaling sa tita niya. Nagmulat ito at binitawan ang kamay ko. "As I've said earlier, your magic power was blocke. You can't break the barries unless you found the place where it's belong. I can sense that you are a swordwoman. For now, you can only use that ability and you can't use a magic power," paliwanag niya. Hindi ko maintindihan, bakit? Who is the person that block my power? "Don't worry about that young lady, masasagot ang lahat nang tanong sa isip mo kapag nakapunta ka na sa lugar na pupuntahan mo," makahuluhan niyang sabi. Lugar na pupuntahan namin? Alam niya na may pupuntahan kami? "Hindi ko alam kung saang lugar kayo pupunta. Tulad nang sabi ko, sa lugar na iyon matatagpuan ang lahat nang sagot sa katanungan mo." Nagkatinginan kami ni Bella. "Sige po tita, maraming salamat," sabi ni Bella dito saka tumayo. "Walang anuman, Bella," tugon nito. Tumayo na rin ako kahit medyo naguguluhan. "Sandali," narinig kong sabi nito nang akmang lalabas na kami ng pinto. Lumingon kami sa kanya. "Hindi ko alam kung kailangan ko bang sabihin ito saiyo, pero siguro makakatulong na rin ito. Mag iingat ka, dahil pakiramdam ko may mangyayaring hindi maganda saiyo. Nararamdaman ko ang panganib na darating saiyo, kaya ingatan mong mabuti ang sarili mo." Hindi ako nakapagsalita. Saglit akong napatulala sa sinabi niya kung hindi ko lang narinig ang sinabi ni Bella. "Opo tita, nandito naman kami para samahan siya," sabi ni Bella. "Mabuti naman kung ganoon, sige mag ingat kayo sa pupuntahan niyo." Tumango kami at sabay nang umalis doon. Hindi pa rin mawala sa isip ko ang sinabi niya, mas lalo akong nalito. Una, nakaselyo ang kapangyarihan ko, tapos ngayon sinasabi niyang mag iingat ako sa lugar na pupuntahan namin. Bakit? Ano nga ba ang naghihintay sa akin sa Allejera?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD