Nakangiti si Fema habang kausap niya si Kenneth. Naroon kasi sila sa isang restaurant along makati. "So, Makakaasa ba ako sa iyo Fema?"tanong ni Kenneth kay Fema. "Oo naman! Basta tutupad ka sa usapan ha! Tutulungan kitang ilakad ka kay Nicole. Tutulungan mo rin ako Kay Vincent."sagot ni Fema. "Deal!"sabi niya. "Teka nga pala Kenneth, Bakit sa lahat ng babaing nagkakagusto sa iyo si Nicole ang nagustuhan mo? Di ba? Hindi naman siya humahabol sa iyo?bakit siya pa?" "Kung ano ang dahilan mo kung bakit gustong-gusto mo si Vincent ganoon din ako."tipid na sagot niya. Nagkibit-balikat si Fema. "Kung sabagay! Hindi mo naman kayang turuan ang puso mo kung sino ang dapat mong mahalin. Dahil kusa itong nararamdaman." "Tama ka! Kaya nga humingi na ako sa iyo ng tulong para makapangligaw na ak