Pinaharurut ni Lenard ang kotse niyang Lamborghini Aventador LP700 lutang ang isip niya hindi niya lubos maisip bakit niya nagawa iyo kay Nicole. alam niyang maling-mali ang ginawa niya. Dahil doon mas lalo siyang nawalan ng pag-asa na mapalapit sa puso ni Nicole. "Stupid jerk! Kahit kailan stupid ka talaga!" Kausap niya sa sarili. Dahil sa ginawa niya wala na siyang mukhang ihaharap sa dalaga. Ang sakit ng katawan na naramdaman niya sa mga suntok at tadyak ni Kenneth. Higit na mas masakit ang nararamdaman niya sa loob ng dibdib niya at ito ay nakakamatay sa sakit. Payak siyang tumawa. Kung iisipin marami ang naghahabol sa kanya. Maraming babae ang nangangarap na mapansin niya. Pero sa lahat ng babaeng iyon doon pa siya na in love sa babaeng hindi siya napapansin. "God, eto ba ang karm