Nagulat silang lahat ng makita nilang pinuno ni Nicole ang wine glass niya ng red wine. Halos napanganga silang lahat. Hindi kasi nila inaasahang gagawin iyon ni Nicole. Parang tubig lang kasi ng inumin niya ang alak na iyon. Ilang saglit pa nakita na nilang bumagsak ito. Marahil sa sobrang kalasingan. Nagmadaling tumakbo si Kenneth papunta sa kanya at binuhat niya ito. "Hindi naman kasi umiinom ng alak. Nagpakalasing, tsk!tsk!" Ani Fema. Dinala niya ito sa silid ng Ate Vanessa niya. At pagkatapos pinagmasdan niya ang tulog na tulog na si Nicole. "Inom nang inom hindi naman pala kaya ang sarili." Kausap niya sa tulog. Kumuha siya ng damit ng ate niya at umalis na siya ng silid. "Fema, ikaw na ang magpalit ng damit kay Nicole. May damit na doon, tulog na kasi si manang Lorna." Sabi ni K