"Lumuhod ka bilisan mo!" sigaw ng isang babae habang naka-cross Arm ito at nakataas ang kilay.
"P-Pero Aya—" Nauutal na sagot ng isang matabang lalaki na nakatayo sa harapan ng babae habang hawak-hawak ang magkabilang braso nito ng tatlong babae.
Nakangisi ang babae habang matalim na nakatingin sa matabang lalaki "Di ba? Gusto mo ako? Gusto mo akong maging girlfriend. Lumuhod ka muna at makiusap sa'kin," sarkastikong sabi ng babae.
Wala siyang nagawa kundi ang mag maka-awa kay Aya, kung hindi niya lang ito mahal hindi niya ito hahayaang gawin sa kanya ang mga ito. Si Aya ang crush niya noong highschool pa siya. Isa ito sa mga pinapangarap ng mga lalaki sa school nila at isa siya sa mga lalaking nangangarap na maging girlfriend si Aya. Kaya naman ng bigla siyang kausapin at pansinin. Hindi na niya ito pinakawalan. Ginawa niya ang lahat ng gusto ni Aya para maging girlfriend lang ito. Hanggang sa mangyari ito.
"Bakit ba 'niya ako pinahihirapan ng ganito? Lahat naman ginawa ko para mahalin niya rin ako." Bulong niya habang nakatingala siya kay Aya.
Nakaramdam siya ng lamig sa katawan dahil walang pakundangan siyang binuhusan ng malamig na tubig na may cube ng yelo. nanginginig siya sa sobrang lamig dulot ng binuhos sa kanya nang lingunin niya ang mga kaibigan ni Aya. walang tigil ang paghalakhak ng mga ito. Para siyang basang sisiw sa harapan nila at kaawa-awa.
"Oh? Ano na Kenneth lumuhod ka na baka sagutin pa kita pag ginawa mo iyon." Nakangisi pa ito sa kanya. Tuwang-tuwa pa ito sa mga ginagawa nito sa kanya.
"Aya, ayaw yatang lumuhod sa iyo." Sabay tawa ng malakas ng isa niyang kaibigan.
"Bakit kailangan mo akong pahirapan? Ano bang ginawa kong kasalanan sa iyo? ginawa ko naman ang lahat ng gusto mo pero ito pa rin ang igaganti mo sa'kin Aya––"
Lumapit ito sa kanya parang akala mo hahalikan siya ngunit dinuraan lang siya nito. Pagkatapos pumihit patalikod sa kanya si Aya. Pagkuway tumawa ito ng malakas gayon din Ang mga kaibigan nitong tuwang-tuwa sa eksenang nakikita nila.
"You know what?" Pailalim siyang tinitigan nito. "You're so stupid fuckin stuff, bakit naman kita magugustuhan! Ang pangit-pangit mo, ang taba mo, ang kapal ng salamin mo. Mas malala ka pa sa neird alam mo ba iyon? nakakaawa ka. Kaya lang naman kita pinag tiyagaang kausapin at pakisamahan dahil sa isang pustahan. Alam mo ba two hundred thousand ang nakuha ko para lang sa paglapit ko sa iyo. At dahil nakuha ko na ang pera wala ng saysay para kausapin pa kita. Hindi ka bagay sa akin dahil— ouch!" Sigaw ni Aya.
Isang babae ang nasa harap niya ngayon. Nakita niya kung paano nito suntukin sa mukha si Aya. Alam niyang sobrang sakit iyon dahil natumba si Aya, humarap ito sa kanya pagkatapos ngumiti at yumuko ito sa kanya hinawakan nito ang kamay niya.
"You're safe now." Mahinang sabi nito sa kanya ng babae.
"Who are you? Magbabayad ka sa ginawa mo sa'kin! Walang hiya ka!"
Aakmang susugod muli si Aya sa babae upang makaganti sa babaeng bigla-bigla na lang nanapak sa kanya. Pero bago pa man siya makaganti hinawakan ng babae ang braso ni Aya at pinilipit niya ito sabay tulak kay Aya.
"Don't do it again to my boyfriend or else i'll break your neck!"mariin nitong sabi kay Aya.
"Ha? Boyfriend? Sino? Ako ba 'yon?!"bulong ni Kenneth.
Para siyang nanonood ng live na Action movie na inililigtas ng isang super hero ang taong walang kalaban-laban.
"Sino kaya siya? Napakatapang niya para labanan si Aya at mga kaibigan nito. para siyang kamag anak ni Gabriela silang. Siya yata ang night in shinning armor ko. Teka? Ang bading ko naman di ba dapat lalaki ang night in shinning armor hindi babae. Baliktad yata" sa isip-isip niya habang pinapanood niya kung paano labanan si Aya gayon din ang mga kaibigan nito.
"Hoy! kayong mga panget kayo! Gusto niyo bang ipagtanggol ang kaibigan niyong pinaglihi sa espasol! Game! hindi pa naman ako nakapag praktice ng martial art ngayon kayo na lang gagawin kong exercise. Dali! Sugod! Umakto pa tong parang si Jackie Chan. Ang mga kaibigan naman ni Aya natakot. Nagsitakbuhan sila papalayo kasama si Aya na akay akay nila.
Nakapameywang ito habang tinatanaw sila Aya na "Tsss. Duwag mga panget na iyon. Halika ka na boyfriend wala na yung mga pangit." Wika nito habang nakangiti sa kanya.
"Sino ka? Bakit mo ako niligtas? Bakit mo ako tinawag na boyfriend." Tanong niya sa babae.
Tumawa ito sa kanya. "Teka? boyfriend isa-isa lang ang tanong. Ako nga pala si Amaya Nicole. tara! Alis na tayo rito gusto kong kumain gutom na ako eh," hinila siya nito papalayo.
"Kenneth Paul ang pangalan ko." Sabi niya habang hawak-hawak nito ang kamay niya at patuloy silang naglalakad palayo.
"Hi! Kenneth. Kain tau libre mo ako ha!"sagot nito.
Tumango na lang siya tanda ng pagsang-ayon, ngunit bakas sa mukha niya ang maraming katanungan sa babaing si Amaya.
“So, wala ka bang ibang sasabihin kung hindi ang tumango-tango lang sa’kin?” Tanong nito sa kanya habang naghahanap sila ng fast food na malapit sa lugar na ito.
“Wala naman akong sasabihin. You’re still a stranger for me.”
Huminto sa paglalakad si Nicole? “ Wow! Bago yan ah? Lalaki na ngayon ang pa-hard to get.” Sabay tawa nito.
“Tsss. Whatever.”
“Ayon! Fast food chain!” Sigaw pa nito na tila ngayon lang nakakita ng isang fast food chain sa tanang buhay niya.
“Let’s go!” Pagkatapos nauna siya naglakad dito.
“Hey! Wait for me!” Habol nitong sigaw sa kanya.
“Hurry up!” Sagot nito.
Hindi niya ito pinansin nagtuloy-tuloy siya sa paglalakad. Bahala ito kung susunod pa sa kanya. Kahit na kasi tinutulungan siya nito hindi pa rin maalis sa kanya na isa itong stranger sa kanya.