CHAPTER 2

2853 Words
Two hours has passed pero di pa rin tumitila ang ulan. Patuloy pa rin itong bumubuhos ng malakas. Meron yatang paparating na bagyo. Sa mga ganitong oras ay tiyak meron nang mga kalsadang lubog na sa tubig at meron na rin mga stranded na sasakyan. Dagdag pa ang buhol-buhol na traffic. Hinanap ko ang chargeable flashlight sa cabinet. Nang makita ko ay chinarge ko ito kaagad. Baka magka-brown-out mas maigi yong naka-ready na ako. Mabuti na lang at medyo maaga kong pinauwi sina Chen at Julie bago pa bumuhos ang malakas na ulan. Kung nagkataon ay tatlo na naman kaming matutulog ngayon dito sa clinic, na iisa lang ang higaan. At malamang sina Julie at Chen ang magkatabing matutulog sa higaan at ako ay mas pipiliin kong mag-isa sa sofa. From time to time ay napapatingin ako sa transparent glass door ng clinic habang inaantay ko ang inorder na food delivery. Nang biglang magbrown-out. Tama ang hinala ko. GOSH! Ako pa naman lang mag-isa dito! Bumalot sa akin ang matinding kaba. Sobrang dilim ng paligid. Pinailaw ko ang cellphone ko at kinuha ang naka-charge na flashlight. Sana umabot ang battery nito hanggang sa magkaroon ulit ng ilaw. Para mabaling sa iba ang atensiyon ko at para humupa na rin ang kaba sa dibdib ko ay naisip kong tawagan si Nana Selya. “Hello Nana. Kumusta po dyan? Brown-out din po ba dyan sa bahay? Ang lakas ng ulan. Dito pa ako sa clinic baka dito na rin po muna ako matutulog ngayong gabi. Sasaglit na lang po ako dyan bukas ng umaga.” Tuluy-tuloy na sabi ko. “Ah sige iha. Mas mabuti yan para maiwas ka sa aberya. Delikado sa kalsada kapag ganitong malakas ang ulan. ‘Wag ka mag-alala sa akin dito. Ipagluluto kita ng almusal bukas. Dito ka na mag-almusal.” At bumukas ulit ang ilaw. “Hay salamat… Nagka-ilaw na po ulit dito Nana.” Unti-unting nawala ang mga tila nagtatakbuhang maliliit na daga sa dibdib ko. “Mabuti naman kung ganu’n. Siguro mayamaya lang ay magkakaroon na rin ng ilaw dito sa atin.” Meron akong narinig na mga  katok sa pinto ng clinic. Nagpaalam na ako kay Nana Selya. “Sige po Nana. Meron pong kumakatok sa pinto. Baka ‘yon na yong inaantay ko na food delivery.” “Sige iha. Mag-iingat ka dyan.” Pagkatapos kumain ay agad ko din itong iniligpit para itapon sa may malaking trash bin na nakalagay sa gilid ng building. Naglalakad na ako pabalik nang biglang tumunog ang alarm ng sasakyan ko. Nakaparada ito limang metro ang layo sa kinatatayuan ko. Napahinto ako sa paglalakad. Nakiramdam. Nag-isip. Close na ang lahat ng establishment sa paligid. Sa ganitong oras ng gabi…habang malakas ang ulan, ano ang posibleng cause ng pagtunog ng alarm…? Tao? Sino? Magnanakaw? s**t…magnanakaw! Dahan-dahan akong lumapit sa kinarororoonan ng sasakyan ko. Tiniklop ko ang hawak kong payong para gawing depensa sa sarili kung saka-sakali.. Saan ba ang security guard ng building na ito? Hindi pa ba oras ng roving nito? Do I have to shout for help now? Right at this moment, pinagsisisihan ko talaga kung bakit hindi ko naisip noon mag-enrol sa taekwando class! Nang makalapit na ako ay meron akong naaninag sa bandang likuran ng sasakyan ko. Bahagya itong naaaninuhan ng puno na sumasayaw sa pag-ihip ng hangin. It’s a shape of a human! But why lying on the ground? What is he doing? Lumapit pa ako sa kinaroroonan niyon. Halos hindi ko na kayang kontrolin ang dibdib ko. Parang gustong kumawala ng puso ko sa lakas ng pagkabog, abot hanggang tenga ko. Kasabay ng panghihina ng mga tuhod ko! May tao nga! Pero bakit hindi ito kumikilos eh nasa harapan na nya ako. I aim the end of my umbrella towards this unknown person. “Wh-Who are you?” Pero hindi ito sumagot. Hindi rin ito kumilos. Kung paano ang posisyon nito nung una kong naaninag ay ganu’n pa rin hanggang ngayon. But definitely it’s a guy based on his clothes and features. Gosh! Patay na ba ito? “Who are you?” Mas malakas kong tanong. Wala pa rin akong nakitang reaksiyon. I immediately squatted and feel his pulse…buhay pa! Hindi na ako nagdalawang-isip. I dragged him towards the clinic. Hindi ko alam kung ito ang pinakatamang desisyon ko right at this moment…ang tulungan ang taong ito! At hindi ko rin alam kung gaano katagal bago kami nakarating sa loob ng clinic. Ang bigat nya…pero kinaya ko! Wasting  no time I immediately unzipped his black jacket to check. Merong sugat sa tagiliran below the ribs but its not serious. Daplis lang. Looks like tama ng baril na tumagos ang bala kaya dalawang sugat ang kelangang tahiin. Just a few stitches. Luckily sa tissue lang at walang internal organ na tinamaan. Ang isa pang sugat nito ay sa kaliwang noo. Medyo mahaba ang hiwa. Baka may tumamang matigas na bagay sa noo nito kaya nagkasugat at maaari ay ito rin ang dahilan kung bakit nawalan ito ng malay. I finished dressing his wounds, and stitches were also done! Kelangan kong palitan ang basa nitong kasuotan bago ko sya mailipat sa higaan na sa kasalukuyang nasa tiled floor lang ito nakahiga. Pumasok ako ng kuwarto at naghanap ng bihisan. Kelangan ko rin magpalit ng damit dahil parehas kaming basang-basa pagpasok ng clinic. Puro feminine clothes at mga lab gown lang ang laman ng cabinet. Walang damit na kakasya para sa lalaki…ah alam ko na! Pagkatapos magbihis ay kumuha ako ng isang lab gown. Iyon ang ipapalit ko pansamantala sa basang damit ng lalaking iyon. Bahala na. Ang importante mapalitan ang basa nitong kasuotan. Matapos kong hubarin ang duguang white T-shirt nito ay tumambad sa dalawa kong mga mata ang manly features nito. Those firm muscles all in the  right places. Broad shoulders. Thin chest hairs…and a thin shadow of beard on his handsome face. Pupuwede itong maging action star. Yong heroic roles. Yong ililigtas nya ang princess with his swift, skilful moves. Wow! Almost perfect! Bigla kong natampal ang noo ko. Ano ba itong nasa isipan ko. Kanina lang ay sobrang takot ko. Pero ngayon ay full of curiosity kong tinititigan ang halfnaked na katawan nito. This guy---could be a bad guy! Right! At tigilan mo na iyang pagpipiyesta mo sa kakatingin dyan sa lalaking ‘yan, sigaw ng isipan ko.  Kinuha ko ang towel and gently dried his long long, curly hair, then his body. Pagkatapos ay dahan-dahan kong isinuot ang lab gown sa kanya. Saglit na naman akong natigilan… And here I am again! Nagdadalawang-isip kung tatanggalin ba ang black jeans nito o hindi. Pero paano ko sya mailipat sa higaan kung ganyan at basa pa ang pang-ibaba nito. Omigosh! Virgin pa ako! I never glimpse the reality yet! Napapikit ako. Am I doing this right? Sana hindi ko na lang muna pinauwi sina Julie at Chen. Sana! Bahala na… Pagkatapos kong hubarin ang sapatos nito ay pikit-mata ko na ring tinanggal ang natitirang basang kasuotan nito. Inayos ko na rin ang lab gown para maitakip ng maayos sa katawan nya. I’m almost done, bulong ko sa sarili. Sana magkamalay na ito. Dahan-dahan ko syang ibinangon, inilagay sa magkabilang balikat ko ang mga braso nya at unti-unting binuhat papasok ng kwarto. This guy is so heavy… Sobrang hingal ko nang maihiga ko na ito sa higaan, kahit halos ilang hakbang lang naman ang pinanggalingan namin. Inayos ko sa pagkakahiga ang lalaki at kinumutan. Saka lumabas na ng kuwarto at naupo sa sofa. Iri-report ko ba ito sa pulis? Itatawag ko ba ito kay Nana Selya para makapag-suggest sya kung ano ang dapat kung gawin? Safe ba ako sa lalaking ito kapag nagkamalay ito? Hindi ba ako gagawing hostage nito at ikakapanganib ng buhay ko? Subalit…hindi ko na namalayang nakatulog na pala ako sa sofa. Kinaumagahan, pagkagising ko ay kaagad kong tinungo ang kwarto. Sumilip ako sa bahagyang nakabukas na pinto. Nakaupo ang lalaki sa gilid ng higaan. Nakayuko ito hawak ang ulo. Agad akong pumasok ng kwarto. Sabay pa kaming nagulat nang inangat nya ang ulo at napatingin sa akin. Hindi nya siguro agad napansin na nandoon ako. Ako naman ay sa bigla nyang pagtingin sa akin ang ikinagulat ko. Magkahalong takot at pag-alala ang nararamdaman ko. Bukod pa dun bigla akong nakaramdam ng hiya nang maalala ko kagabi ang mga ginawa ko sa kanya. Kung paano ko sya binihisan. At yong manipis na lab gown lang ang kasalukuyang takip sa katawan nito. Agad akong napayuko. I know I’m blushing. Ramdam ko ang pag-init ng mukha ko. “Wag ka matakot. Hindi ako masamang tao.” “I’m sorry---“ Please don’t move. Don’t take off your covers.” Itinuro ko ang kumot habang nakayuko pa rin. “Ahm…okay. I’m sorry.” Naunawaan nito ang ibig kong sabihin. Inayos nito ang kumot. Pero nanatili pa ring nakaupo. Saka ko lang inangat ang ulo ko. “A-Are you okay? Does…your head still hurts?” Tanong ko na kinapa ko pa ang kaliwang noo ko para ipahiwatig sa kanya na ang ibig kong sabihin ay ang sugat nya sa noo. “Yep. Konti.” Sagot nito habang nakatitig sa akin. Very casual ang boses ng pagkakasabi nito. As if it sounded like we have known each other long ago. Eh kagabi ko lang naman sya unang nakita. At wala pa ngang malay. “Ahm…Tingin ko, kelangan mo magpa X-ray…just to be sure nothing’s harmed aside from your skin on your forehead.” “Hmm.” Tumango lamang ito. “Can I borrow your cellphone? I have to make a call.” Oo nga pala. I’ve checked his clothes last night pero wala akong nakitang kahit na ano. No identification card. No wallet. Tinitigan ko sya. Dapat ko bang ipagkatiwala dito ang personal belongings ko? Pero sa tingin ko matagal na itong nagkamalay habang ako ay natutulog pa lang. Kung may masama itong binabalak dapat kanina pang wala pa akong kaalam-alam sa pupuwede nyang gagawin. Okay. For the benefit of the doubt…inabot ko sa kanya ang cellphone ko. Pagkatapos kunin ang cellphone sa kamay ko ay matiim na naman itong nakatitig sa akin. Na para bang binabasa ang nilalaman ng utak ko. Last night, I fight against tempting to take advantage of you huh! Naging mabait ako. Hindi kita pinagsamantalahan ng mga inosenteng mga mata ko. Saglit lang kitang pinagpiyestahan pero inihinto ko kaagad iyon dahil nakakahiya sa’yo kapag nalaman mo. But what you’re doing now, kung makatitig ka sa akin ay wagas. Parang inaalam mo pati kaibuturan ng bituka ko. Huh! “I want to make a private call, can I please?” At pinalalabas pa ako nito ng kwarto. “Excuse me?” Kunot-noo kong sabi. “This will only take a matter of minutes. An urgent call.” Pailing-iling akong lumabas ng kwarto. After ten minutes ay kumatok na ako. “Are you done? I need my phone.” “Ah yes, thanks.” Narinig kong sagot nito mula sa loob. Hindi na ako pumasok ng kwarto dahil inilabas na nito ang isang kamay na may hawak ng cellphone. “Mag-o-order ako for breakfast, what do you want to eat?” Naisip ko, lulubus-lubusin ko na ang pagiging good Samaritan. “Meron na. Nag-order na ako for breakfast nating dalawa.” Sagot nito mula sa loob ng kuwarto. A firm statement. Pero malumanay ang boses nito. Walang awkwardness tone. Walang pag-aalinlangan. As if he really have known her… kahit wala pang twelve hours kami nito unang nagkita? Teka, sabi nya urgent call tapos mag-oorder lang pala ng pagkain. Ay ibang klase ito. “Saglit lang yon. Paparating na yon.” Muli itong nagsalita mula sa loob ng kuwarto. Tama nga. In no time ay may dumating na delivery boy. Pero walang pangalan ng kung anong fast food chain o kaya restaurant ang damit nito. Pinapasok ko ito sa loob ng clinic. Pinalagay sa table ang mga bitbit. Apat na paper bags ito. Ang dami naman yata ng inorder ng lalaking iyon. Kumuha ako ng pera sa wallet para bayaran pero… “Pinadi-deliver lang po sa akin ito Ma’am. Wala pong bayad ito.” Napakunot-noo ako sa narinig. “Oh okay, thank you.” “Sige po Ma’am.” Nang makaalis ang nagdeliver ay dinala ko ang mga paper bags sa loob ng kwarto. Inilapag muna sa higaan at nag-set ng maliit na table, sa gilid ng higaan. Inilabas ko ang mga pagkain at nilagay na doon. Nagulat ako sa laman ng natitirang dalawang paper bags. Hindi pagkain ang laman niyon kundi damit. Men’s clothes. Napatingin ako sa kanya, pero ako rin pala ang pinagmamasdan nito. He was watching silently while I was busy setting our breakfast. I feel the awkwardness within me, habang inaabot ang paper bags na may lamang mga damit nya. Stop staring me! Hiyaw ng isipan ko. “Ah--That’s mine.” Kinuha nito ang paper bag. Inilapag sa ito sa higaan. “Puwede na ba tayong kumain?” “Sure!” Parang natauhan kong sambit. Tahimik kaming kumain. Paminsan-minsan ay palihim ko siyang pinagmamasdan. This guy is so mysterious! Sa nangyari kagabi na maaari nyang ikamatay kung sakaling naging fatal ang tama ng baril sa katawan nito, and yet he’s so calm. Walang akong nakikitang takot sa mga mata. Wala man lang bahid ng pag-alala ang bawat kilos. Who really are you…? “Kumain ka muna. Lalamig ang pagkain.” Napansin siguro nitong natigilan ako at napapaisip. “Don’t count me as one of those bad guys you know. I’m different from them.” Nababasa yata nito ang utak ko! “Who are you?” Hindi ko na napigilang itanong. “Maybe it is alright to ask you those things, it bothers my mind.”   “I can’t answer your every question for now.” Sagot nito habang patuloy na kumakain. Everything’s in my mind went dropped dead! Sige magtanong ka pa Fyona wala ka rin namang kasiguraduhang sasagutin nya ito, sermon ng isipan ko. Pagkatapos kumain ay iniligpit ko na rin ang mga pinagkainan. Nilinis ko pati mga naiwan kong kalat kagabi. Nagwalis at nag-mop ng sahig. Mabuti at sumikat na rin ang araw. Hindi ko namalayan kung anong oras huminto ang ulan pero kaninang pagkagising ko ay maliwanag na sa labas. Tumunog ang door chime. “Hi. Good morning.” Bati ni Julie sa akin. Kapag Sunday ay 10:00 a.m. na kami nagbubukas ng clinic pero napaaga ito ng dating ngayon. Fifteen minutes past nine pa lang ay nandito na ito. “Medyo maaga ako pumasok kasi sabi ko maglilinis muna ako pero mukhang patapos ka na sa task na gagawin ko sana hehe. Sige ako nalang ang magtatapos niyan.” Kinuha ang pamagpag ng alikabok na hawak ko. At nagsimula na itong magpagpag dun sa mga nakasalansan na files. “Mukhang dito ka na natulog.” “Ah oo. Malakas ang ulan kagabi. At hindi na ako nakauwi,” sagot ko sa kanya. Pero dun sa taong nasa loob ng kwarto naka-focus ang isip ko. Ano kaya ang magiging alibi ko kay Julie kapag nakita niyang meron akong kasamang ibang tao dito. Hindi ko rin pupuwedeng ikwento sa kanya dahil hindi ko rin naman masasagot ang ibabato niyang mga tanong sa akin. Ni ako nga…di ko rin alam ang buong pangyayari bakit sugatan ito at bakit dito napadpad ito. Isa pa, ni hindi ko alam ang identity nito. Basta tinulungan ko lang ito kagabi… Iniwan ko si Julie sa receiving area. Tinungo ang kwarto. After knocking twice ay tuluy-tuloy na akong pumasok. Nakapagbihis na pala ang lalaking ito. Naitali na rin nito ang buhok at nakatago na sa suot na white cap. Hindi rin kita ang gauze na nakatakip sa sugat nito sa noo. Gray round neck shirt ang pang-itaas nito na tinernuhan ng light brown cargo shorts at sneakers. He dressed just like those ordinary guys on ordinary days…at kung tingnan ito ay parang walang nangyari kagabi. “I was thinking…I was supposed to clean your wounds.” Balak kong lilinisin muna sana ang mga sugat nya bago umuwi. “No worries, I will do it later.” “Ahmm---uuwi muna kasi ako. Pero babalik din ako later. Maiiwan muna kita---“ “No. I’m going with you. Then just drop me along the way. May dumating na palang kasamahan mo, narinig ko kausap mo awhile ago. You can tell her I’m your friend whenever she asks. Just say I came this morning brought some breakfast to share with you. ”  “Pero alam ni Julie na wala akong male close friend.” Bigla kong nasabi. But that’s the truth! He chuckled. “When curiousity arises, you can tell her you met me at the disco bar recently.” “Hah??!” Natulala sya. Alam nito na pumunta ako ng disco bar? Nandu’n din ito? Nakita ako nito kung gaano kalasing? Dr. Fyona Andrada you’re dead…twice! Nakita ako nitong nagkalat du’n! Sobrang nakakahiya! “What kind of reaction is that?” Lumakad ito papalapit sa akin. Paatras naman ako hanggang sa bumangga ang likod ko sa wall. Sobrang lapit nya sa akin. Itinukod nya ang isa niyang kamay sa wall habang nakatitig sa akin. Halos magkadikit na ang mga mukha namin. I suddenly felt something strange inside me as I stared back at him. “Don’t you know you’re beautiful…so innocently beautiful, hmm?” Pabulong nitong sabi. Then he suddenly pressed a finger on my forehead. Saka huminga ito ng malalim. “I’m really going to kiss you when we go on like like this…” Bigla akong natauhan. Bahagya ko syang itinulak sa dibdib at tuluy-tuloy nang lumabas ng kwarto. I’m blushing again! Mabilis kong hinablot ang nakabalot na pinagbihisan kagabi. “Maiwan muna kita Julie…see you later. “ Mabibilis ang mga hakbang ko patungong pintuan. “O, may bisita ka pala…Hi ---” Ah oo.” Nilingon nya ang lalaki. Nakasunod lang pala ito sa kanya. “Dinalhan ako ng breakfast kanina…” Gosh! Wala akong masambit na pangalan. Hindi ko naman kilala ang estrangherong ito! “Hi.” Bati nito. “See you next time, Julie.” “Sure.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD