Chapter 28 -I love you my wife-

2248 Words

❀⊱Natalie's POV⊰❀ Hawak ko sa kamay ang aking anak habang naglalakad kami sa mall. Biglang nawala sa paningin ko si Aaron kaya nagpalinga-linga ako sa paligid. Saan ba kasi nagpunta ang isang 'yon? "Bakit ate?" tanong ni Mellard. Muli akong tumingin sa paligid, pagkatapos ay humarap na ako sa aking kapatid. "Nasaan si Aaron? Bigla kasi siyang nawala. Umuwi na ba, bakit hindi nagpaalam sa akin?" tanong ko. "Bakit mo hinahanap?" tanong niya na may halong panunukso kaya iniparapan ko ang aking kapatid. Haharap sana ako sa may likuran ko pero bigla niyang hinawakan ang magkabilang balikat ko at muli akong tinanong. "Bakit mo nga hinahanap? Miss mo na agad kahit saglit pa lang naman siyang nawawala?" Tumaas ang isang kilay ko at inalis ko ang dalawang kamay niya sa magkabila kong balikat.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD