Chapter 35 -Kailangang lumaban-

2129 Words

┈┈┈┈◦•✩•◦┈┈┈┈ Panibagong isang linggo ang lumipas at tuluyan na ngang nawalan ng komunikasyon si Natalie sa kanyang asawa. Ilang beses niyang sinubukang tawagan ngunit hindi na ito nakontak pa ni Natalie. Gusto niyang magalit, pero dahil sa kanyang anak ay tinatatagan niya ang kanyang kalooban. Alam niya na kay Nathan lang siya maaaring humugot ng lakas upang mapatatag niya ang kanyang kalooban. "Ate, akala ko ba kakain tayo ngayon sa labas?" Napatingin si Natalie sa kanyang kapatid at isang simpleng ngiti ang gumuhit sa labi nito. "Akala ko ba kasama si Rouge, nasaan na ang Kuya Rouge mo?" Sagot ni Natalie. Ipinapakita niya sa kanyang kapatid na okay lang siya, na kaya niya ang lahat ng pagsubok na darating sa kanya. "Ate okay ka lang ba?" "Oo naman. Huwag mo akong alalahanin Mellar

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD