Love By Mistake

Love By Mistake

book_age12+
193
FOLLOW
1.3K
READ
others
secrets
like
intro-logo
Blurb

"This is just a mistake, hindi dapat kita minahal"

But deep inside of her head, it was a mistake that she will never ever regret.

chap-preview
Free preview
Prologue
Sabrina Elayne Perrez "Ikaw na bata ka!! Wala ka na ngang kwenta, pabigat ka pa!!" mula sa iskinitang aking dinaanan ay rinig ko na ang panenermon ni mama kay Briel. Lakad-takbo ang ginawa ko dahil baka dumampis na naman ang palad ni mama sa bata. "Ma! Tama na!" mabilis kong inilayo si Briel kay mama pagpasok ko ng bahay. "Shhh baby tita-mommy is here na, stop crying hindi naman 'yon sinasadya ni lola eh" pagpapatahan ko dito. "Naku Sabrina, bakit kasi hindi mo pa dalhin sa bahay ampunan iyang batang 'yan ha" sigaw sa'akin ni mama, mula nang mag 1year-old si Briel ay ito na palagi ang kanyang sinasabi na pwede ko na raw itong iwanan sa bahay ampunan. "Ma, bakit kayo noong iwanan nila ako sainyo, inalagaan niyo din naman po ako diba? itinuring niyo kong totoo ninyong anak kahit papaano, ganoon din po ang gusto 'kong gawin kay Briel" kahit pagod ay gusto kong ipaliwanag kung bakit ko inalagaan ang anak ng kaibigan ko. "Tinanggap kita kasi babae ka! Walang kwenta ang mga lalake! Sa tingin mo ba mapapakinabangan mo 'yang batang yan paglaki niya?" sigaw ni mama kahit pa ramdam ko na ang mga chismosa naming kapitbahay sa may labas ng aming bahay. Hindi ko na ito muling sinagot at binuhat si Briel na patuloy parin sa pag-iyak. "Tita-mommy can we go to my mommy" sambit nito habang pinupunasan ko ang luha sa kanyang pisngi. Ngumiti ako at kinurot ang kanyang pisngi, ewan ko ba kung bakit englishero ito kahit pa tagalog naman naming kausapin. Makikita din ang ka-gwapuhan nito sa batang edad, makinis ang kanyang balat kahit na mumurahin lang ang sabong ginagamit ko kapag pinapaliguan siya. Baka gwapo ang ama. Umiling ako sa naisip ko at muling hinarap si mama. "Lalabas lang po kami saglit" pagpapaalam ko. "Behave ka lang ha" bulong ko kay Briel nang buhatin ko ito. "Opo tita-mommy, let's bring flowers din po please" lalo akong nanggigil sakanya nang ngumuso ito. Apat na taong gulang pa lamang ito ngunit diretso at malinaw na itong magsalita. "Oo naman, pipitas ulit tayo dun sa mga tanim na bulaklak ni Aling Sita, okay? Kailangan magpa-cute ka ulit sakanya para payagan tayong kumuha nung mga magandang bulaklak" nakangiti kong sagot sakanya. Pagdating sa sementeryo ay tumakbo kaagad ito sa puntod ng aking kaibigan, hawak ang mga bulaklak na pinitas nito ay nakangiti nitong inilapag ang mga ito sa lapida. Abiegail Laurent De Castro Born: December 05,1997 Death: February 20, 2017 Humugot ako ng malalim na hininga habang pinagmamasdan ang lapida ng kaibigan ko. Apat na taon na ang nakalilipas nang ihabilin nito sa'kin si Briel. ** "Sab please, nagmamakaawa ako, wag na wag mo siyang pababayaan, h-hindi ko siya pwedeng iwanan sa magulang ko dahil sakanya nila ibubuhos lahat ng galit nila sa'kin, please Sab ikaw lang talaga ang mapagkakatiwalaan ko" umaagos ang luha ni Abiegail habang buhat buhat ang anak nito. Gulong g**o akong kinuha ang bata, hindi ko maintindihan. Ano bang nangyari? Paano ka? Saan ka pupunta? Gusto ko siyang paulanan ng tanong ngunit walang lumalabas sa bibig ko, puno ng pag-aalala kung anong gagawin nito. "Sab sorry, susubukan kong balikan siya sayo, sa ngayon Sab ikaw na muna ang bahala kay Briel, nagmamakaawa ako wag mo siyang ibibigay sa mga magulang ko" patuloy parin itong umiiyak. Gusto ko itong yakapin at patahanin ngunit hawak ko ang anak niyang si Briel. Abiegail, mag ingat ka. Sambit ko sa isip ko nang sumakay ito ng tricycle. Ilang linggo na ang nakalilipas pero hindi parin bumabalik si Abiegail, buti nalang at nakakahingi ito ng breastmilk sa kapitbahay nilang bagong panganak din. Sinubukan nitong kontakin si Abiegail ngunit hindi ito sumasagot. "Naku kang bata ka! Naniwala ka naman sa kaibigan mo na babalikan niya iyan? Ganyan din ang ginawa ng magulang mo sayo, ang sabi babalikan ka sa susunod na linggo pero tuluyan ka na nilang iniwan saken" hindi ko pinansin ang sinabi ni mama, alam kong babalik si Abiegail. "Shhh baby wag na umiyak, pauwi na si mommy mo" pagpapatahan ko sa anak ni Abiegail na ang pangalan ay Briel. Biglang tumunog ang cellphone ko hudyat na may tumatawag, mabilis ko itong kinuha at tinignan ang caller i.d. Unknown. Sinagot ko ang tawag at napag alamang galing sa isang pulis ang tawag. "Ma'am kamag-anak niyo po ba si Abiegail De Castro?" nakaramdam ako ng kaba dahil sa kung ano mang kalagayan ni Abiegail ngayon. "K-Kaibigan niya po. Bakit po?" kinakabahan kong sagot. "Ahh hindi po kasi namin mabuksan ang cellphone nito at nakita lang po namin ang number niyo na maraming missed calls sakanya, natagpuan po namin siya dito sa may bandang Mexico sa may damuhan, wala na po itong buhay at sa tingin namin ay may nagtapon ng kanyang katawan dito matapos bawian ng buhay" napatakip ako ng bibig sa aking narinig. Sinabi ng pulis kung nasaan ang katawan ni Abiegal at mabilis ko naman iyong pinuntahan. Isa iyong morgue, mabilis na tumulo ang luha ko nang salubungin ako ng mga pulis. "Kayo po ba ang kaibigan ni Abiegail De Castro?" mabilis akong tumango at kaagad naman nila akong pinapasok. Sumalubong sakin ang katawan na nakatakip gamit ang puting tela. "Gusto niyo po bang makita?" tanong nang lalake na sa tingin ko ay nagtatrabaho sa morgue. Dahan dahan kong hinawakan ang puting tela at unti unti ko itong sinilip. Nanghina ang tuhod ko nang makita ang mukha ni Abiegail na puno ng pasa at sugat. Ganoon din sa ibang parte ng kanyang katawan. Kung sino man ang gumawa nito sayo Abiegail, pangako at bibigyan kita ng hustisya. "Patuloy parin po kami sa pag iimbestiga, medyo mahirap pong malaman kung sino ang nagtapon ng katawan nito dahil wala pong gaanong CCTV sa area na iyon" paliwanag ng pulis. Wala parin ako sa katinuan dahil hindi ko akalain na may gagawa ng ganoong bagay kay Abiegail, mabait at mahinhin ito, nagulat nga ako nang mapag alamang buntis ito kahit na nag aaral pa ito ng college. Limang buwan noong nag paalam si Abiegail na pupunta ito ng Manila para doon mag aral, hindi ko alam kung anong kalagayan niya doon pero ang sabi niya ay maayos naman siya. "Wala po ba kayong kilalang nakaaway niya o pinagtangkahan ang buhay niya miss?" yumuko ako at pinunasan ang mga luha. "W-Wala po, mabait na tao po ang k-kaibigan ko, lumuwas po ito ng M-Manila tapos pagbalik po nito ay buntis na siya, yun l-lang po ang alam ko, sa katunayan po ay iniwan niya sakin ang anak niya at sinabing b-babalik siya" hindi ko mapigilan ang sarili kong alalahanin nung gabing iniwan niya sakin ang kanyang anak. Takot na takot ito na para bang may humahabol sakanya. "Sige po ma'am sa tingin ko ay kailangan niyo na muna pong magpahinga, tatawagan nalang po namin kayo kapag may balita na. Siya nga po pala, kilala niyo po ba ang magulang nito? Maaari din po ba naming malaman ang contact number nila para maipaalam nadin po namin ang nangyari kay Ms. Abiegail" sambit ng pulis. Ibinigay ko ang contact number ng mga magulang ni Abiegail at umuwi narin ako. ** "Tita-mommy, masaya po ba sa heaven si mommy?" bumalik ako sa realidad nang magsalita si Briel. "Oo, sigurado ako doon ay wala nang mananakit sakanya, kaya dapat ipag pray mo si mommy, okay?" nagulat ako nang bigla nito ang yakapin. "I also want to hug her like this tita-mommy" sambit niya habang nakayakap padin ito sakin. "I'm sure she also wants to hug you very very tight" saad ko at ginantihan ang mahigpit nitong yakap. Pag-uwi ay mabilis itong nakatulog. Hindi kita papabayaan Briel, hahanapin natin kung sino ang pumatay sa mommy mo at sisiguraduhin kong mabibigyan siya ng hustisya. Kinaumagahan ay maaga akong bumangon oara maghanda ng almusal. Muli kong hinabilin kay mama si Briel at naghanda na para sa trabaho. Pagdating ko sa cafeteria na pinagtatrabahuhan ko ay naabutan ko ang may ari nito na halatang may pinoproblema. "Goodmorning ma'am" sambit ko rito at tangkang magpapalit na ng uniform nang tawagin ako nito. "Sabrina" lumingon ako dito at lumapit. "Nahihiya man ako sayo ay gusto ko lang ipaalam na nalulugi na ang negosyo ko" nagtatakha man ay pinilit kong tumango. "Dahil don ay kailangan ko magbawas ng empleyado, lima na lang ang kaya kong swelduhan" mabilis kong naintindihan ang ibig nitong sabihin. Tumango ako at muling kinuha ang aking bag. "Ito. Sana makatulong ito, maraming salamat Sabrina" tinanggap ko ang sobre at nagpasalamat. "Salamat din po Ma'am" tumango ito at lumabas nako ng cafeteria. Humugot ako nang malalim na hininga at naglakad papuntang parke. Haystt.. Lord tulungan po ninyo ako, hindi ko po kayang dalhin at iwanan sa bahay ampunan si Briel. "Sis!!" napalingon ako nang marinig ang pamilyar na boses. "Mika!" tawag ko din dito at mabilis na niyakap. "Omg ba't naman ganyan ang itsura mo, mukhang pasan mo ang problema ng mundo ha" sabi nito habang pinagmamasdan ako. "Ang hirap ng buhay lalo na't malapit na mag aral si Briel, kailangan kong magipon, kaso minamalas nga naman at natanggalan pako ng trabaho. Pero kamusta ka na?" sambit at pangangamusta ko. "Hay nako hindi ganoon kasaya ang buhay sa maynila lalo na't ako lang mag isa pero ayos naman, nakakapag ipon naman ako, ayaw mo ba sumama sa'kin sa manila?" napalingon ako dito. Anong magiging kapalaran ko dun? Isa pa, paano sina mama at papa? Si Briel? Umiling ako at tinanggihan iyon. "Ano ka ba! Alam mo ba naghahanap ng model iyong kumpanyang pinagtatrabahuhan ko, pwede ka don, maganda naman yung katawan at konting make up lang pwede ka na" mukha naman itong seryoso, hindi ko alam pero totoo ang sinasabi nito, maganda ang hugis ng katawan ko kahit pa hindi ko naman gaanong inaalagaan ang sarili ko. Pero hindi ko padin kayang iwanan sina mama. "Salamat sa offer, Mika. Bukod sa hindi ko hilig ang pagmomodelo, baka hindi ako qualified at high school lang ang natapos ko" paliwanag ko. "Sige naiintindihan ko, eto nga pala bago kong number, tawagan mo lang ako kung may kailangan ka ha?" inabot nito sa'kin ang papel na naglalaman ng contact number nito "mauuna na'ko iti-tread ko pa ng lunch sina mudra" nakangiti nitong paalam. Ikaw kaya Sabrina? Kailan ka aangat? Gamit ang perang binigay ng boss ko ay bumili ako ng lutong ulam sa may karinderya para may maiuwi sa bahay. Nagulat si mama nang makita ako, marahil nagtatakha ito kung bakit maaga akong umuwi. "Ang aga mo namang umuwi" sambit nito. "Ahh maaga kaming pinauwi dahil may cater daw sila" pagdadahilan ko, sigurado akong magagalit ito kapag sinabi kong nawalan ako ng trabaho, tumango lang ito at itinuloy ang pananahi. Pinaliguan ko si Briel bago pakainin ng hapunan, gamit ang lumang telepono ni mama ay ito ang pampalipas oras niya sa panonood ng mga nursery rhymes. "Siya nga pala Sabrina, balak kong magbukas ng maliit na tindahan at nang may mapagkakitaan din ako, hindi pwedeng alagaan ko lang yang batang yan at walang gawin, malapit na'rin mag retire 'yang papa mo sa pagkokonstraksyon" basag ni mama sa katahimikan habang kumakain "mamumuhanan ako kahit sampung libo lang sana ay pahiramin mo ako sa susunod na linggo, may ipon ka naman siguro" Huminga ako ng malalim bago ito sagutin. "Ma, malapit na mag aral si Briel, baka limang libo lang ang mapahiram ko sa'yo dahil kailangan kong paghandaan ang pag aaral niya" kita ko ang pagbabago ng ekspresyon ni mama. "Apat na taong gulang pa lang naman iyan, neksyir mo na iyan ipasok sa iskwelahan, atsaka ibabalik ko din naman, ipamumuhanan ko lang" ramdam ko na pilit lang nitong pinakakalma ang sarili para hindi ako sigawan. "Sige po, Ma" sambit ko nalang at tumuloy sa pagkain. Kinabukasan din ay naghanap ako ng trabaho, mahirap maghanap ng maayos na trabaho dito sa Pampanga dahil narin sa puro self-employed ang mga tao dito. Sinubukan ko na din magbukas ng sarili kong negosyo ngunit hindi rin tumagal ay ikinalugi ko lamang iyon. Ilang araw pa ang lumipas at wala pa din akong mapasukan na trabaho, hindi rin alam ni mama ang pagka-tanggal ko sa dati kong trabaho. "Miss pasensya na, ang gusto ni boss ay graduate ng highschool" sabi ng isang empleyado ng isang salon, binalik nito sa'kin ang mga papel ko at mabilis nito akong tinalikuran. Grade 11 lang ang natapos ko dahil nga sa kakapusan ay kusa akong tumigil, para saan pa dahil sigurado naman akong hindi ako makakapag college. Paglabas ko ng salon ay saktong tumunog ang cellphone ko, kinuha ko 'yon at sinulyapan ang caller i.d. "Ma pauwi na po ako, may ipapabili po ba kayo?" sagot ko nang makitang si mama ang tumatawag. "Sabrina jusko itong si Briel bigla nalang kinakapos sa paghinga, abala ako sa pananahi nang bigla itong lumabas ng kwarto na hingal na hingal" halos mabitawan ko ang cellphone ko sa sinabi ni mama. Mabilis akong puumara ng tricycle pauwi, sa boses ni mama ay nag aalala din ito at natataranta. Pagdating sa may kanto namin ay mabilis akong bumaba at tumakbo papunta sa aming bahay. Naabutan ko si mama na inaalo si Briel. "Ma, akin na si Briel dalhin natin siya sa center" binuhat ko si Briel at sumunod naman si mama sa'kin. Agad ko siyang inihiga sa ospital bed pagdating sa center, pinalabas muna nila kami upang tignan ang kalagayan ni Briel. Hindi ko maiwasan ang hindi kabahan dahil yun ang unang beses na mangyari 'yon kay Briel. Ilang minuto lang ay lumabas ang nurse kaya mabilis akong tumayo upang salubungin ito. "Kayo po ba ang gurdian ng bata?" tanong nito. "Opo, ano pong nangyari sakanya?" kinakabahan kong tanong. "He needs to be transfered to the hospital as soon as possible, may sakit po sa puso ang bata at kailangan po itong magamot kaagad bago pa po ito lumala" paliwanag nito, marami pa siyang sinabi ngunit wala nang pumapasok sa utak ko, paanong nagkasakit ito sa puso? Pinauwi ko na muna si mama at nagpaiwan kami ni Briel sa center, dito muna kami pansamantala habang hindi pa namin siya pinapatransfer sa ospital. Paano ko ito ipao-ospital gayong wala akong trabaho? Anong ipambabayad ko sa mga gamot nito? Hindi ko namalayan ang paglandas ng luha ko sa aking mga pisngi. Kinuha ko ang cellphone ko at napansin ang papel. Tinignan ko iyon at nakita ang contact number ni Mika. Kaya ko ba silang iwanan pansamantala dito? Wala na'kong ibang paraan. Ilang oras ko pa pinagisipan ng maayos bago i-dial ang number ni Mika. "Hello?" napakagat ako ng labi nang sumagot ito. "Mika.. si Sab to" sagot ko "sasama ako sayo sa maynila, susubukan kong maghanap ng trabaho doon" diretso kong saad. "Next week na alis ko Sab, ano bang nangyari?" tanong nito. "Saka ko na ipapaliwanag, sasama ako sayo" desido kong sabi. Sinabi niya sa'kin na mag impake na'ko at sa martes na ang alis namin, biyernes na ngayon at bukas ko sasabihin kay mama ang pag alis ko. Pangako Briel, hindi kita pababayaan. -- Kinabukasan ay pinayagan na kaming makauwi ng nurse, pag uwi sa bahay ay pinagpahinga ko na si Briel. Kakausapin ko na din si mama tungkol sa pagluwas ko sa maynila. "Ma" agaw ko sa atensyon nito sa pananahi. "Sigurado ka bang ayaw mong iwanan sa bahay ampunan iyan? Wala tayong ipampapagamot sa batang yan, hindi naman sasapat ang sweldo mo buwan buwan" saad kaagad nito. "Sa totoo po ma wala na'kong trabaho" pag amin ko, natigil ito sa kanyang ginagawa at tinignan ako "pero ma, may sasabihin pa'ko sayo bukod do'n" Nakatingin lamang ito sa'kin, halatang gusto na niya akong sigawan ngunit pinili niyang makinig sa susunod kong sasabihin. "Sasama po ako kay Mika sa maynila, doon po ako maghahanap ng trabaho" lumiwanag ang mukha nito sa sinabi ko. "Aba! Buti naman may ginawa ka ng tama" Pumayag si mama na lubos sakanyang kalooban. Pumasok ako ng kwarto at pinagmasdan ang natutulog na si Briel. Nilapitan ko ito at hinagkan. "Gagawin lahat ni tita-mommy mo ang lahat" bulong ko atsaka nagsimula ng mag impake. Binuksan ko ang aparador ko at kinuha ang mga damit ko doon nang hindi sinasadyang masagi ang isang malaking box at nagkalat ang laman sa sahig. Gamit ni Abiegail. Umupo ako sa sahig at pinulot ang mga gamit niya upang ibalik sa box. Hindi ko ito binuksan nang ibigay ito sa'kin ng mga magulang niya, umalis sila ng pampanga at hindi ko na alam kung nasaan na sila ngayon, ang tanging alam ko lang ay ibinenta nila ang bahay nila dito sa pampanga. Ibinalik ko ang box sa loob ng aking aparador, bumalik ako sa aking ginagawa nang mapansin ang isang litraro sa sahig, marahil ay galing ito sa mga gamit ni Abie. Pinulot ko ito at tinignan, litrato iyon ni Abiegail na may kasamang lalake. Kamukhang kamukha nung lalake si Briel. Eto ba yung ama ni Briel? May matangos itong ilong, saktong hugis ng mata at mapupulang labi, gwapo at matangkad base sa litrato. Pakiramdam ko ay ito ang magiging itsura ni Briel paglaki niya. Inilagay ko iyon sa bag ko at tinapos ang pag iimpake. Posible bang mahanap ko siya sa maynila? Pananagutan ba nito si Briel? May alam ba ito sa pagkamatay ni Abiegail? ~ messyjajai

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
91.4K
bc

His Obsession

read
98.9K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
160.0K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
21.7K
bc

The Cold Billionaire

read
17.8M
bc

Ang Mainit na Gabi sa Piling ni Ginoong Wild

read
8.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook