Sa pag gising.

199 Words
Pungay ng mga mata ko at lumbay na nararamdaman ay pinawi ng bukang liwayway sa aking pag gising. Unang tanong ko sa aking sarili, anong gusto mo limang taon sa hinaharap? Paano kung nakuha mo na ang gusto mo, anong gagawin mo? Mga tandang pananong na aking hinahanapan ng sagot, at alam kong matatanaw ko yun kung gagawa ako ng hakbang. Isang pananaw na aking ibabahagi ay, maging malikhain tayo sa bawat paggising hindi sa artistic na paraan kundi sa pagpaplano ng ating hinaharap, isipin mo palagi na ang mga pangarap mo ay nangyari na, pakiramdaman ang iyong puso at iyong sintido at kapag naramdaman mong hindi tugma ang nararamdaman mo sa iyong iniisip, ma aari mong gamitin ng sabay dahil may mga bagay talaga sa mundo na hindi pantay. Ang tanging magagawa mo lang ay gamitin mo ng sabay dahil may mga bagay sa mundo na may ibat - ibang hilig at gusto na malalaman mo kung ang puso at isip mo ay hindi magkasundo. Sa pag gising ang bukang liwayway ang hahawi at maglalagay ng kulay sa ating buhay, ito ay hudyat na laging may bagong umagang parating upang tayo ay magpatuloy mangarap, humagilap ng bagong pag asa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD