Risalyn Hindi na ako gumising ng maaga dahil hindi ko na iiwasan ngayon si Sean. Hindi man ako sigurado ngayon, naisip ko na mas makakabuti nga kung susubukan namin ni Sean na ayusin ang pagsasama namin. Sa ngayon, hindi ko muna iisipin ang nagawa ko sa kanyang kasalanan. At itutuon ko muna ang pansin ko sa aming dalawa ni Sean. "Sabay tayo mag-lunch mamaya."saad ni Sean pagkahinto niya ng kanyang sasakyan sa tapat ng cafe. "Sige."sagot ko sabay tango sa kanya. "Ako na ang kukuha ng pagkain natin tapos pupuntahan na lang kita sa clinic mo."tinignan ko siya pero tumango rin ako. Bumaba na ako sa sasakyan at naglakad na ako papasok sa clinic. Pero hindi pa ako nakakalayo ng maramdaman kong may humawak sa kamay ko. Kaya napahinto ako at nasapo ko ang bandang puso ko dahil sa gulat.