Risalyn Tinakpan ko ang mata ko gamit ang isang kamay ko. Naiinis ako sa sarili ko dahil hindi dapat ako nagagalit kay Sean. Wala akong karapatan makaramdam ng ganito dahil ako ang nang-iwan. Ako ang gumawa ng paraan para mahulog sa iba si Sean. Pero linalamon ako ng selos. At hindi ko ito mapigilan. I want to accept in the coolest way yet I ended up like a woman who's full of jealousy and bitterness. Kinuha ni Sean ang kamay ko at hinila ako pabalik sa bahay. Nagpatianod na lang ako dahil may mga ibang tao narin sa paligid. Ayoko namang gumawa ng eskandalo dito sa labas. "Sit and calm yourself."saad ni Sean pagkarating namin sa sala. Iginaya niya ako sa isang sofa kaya umupo narin ako. Umalis naman siya sa harapan ko. Hindi ko na ito pinansin at naipikit ko na lang ang mga mata ko.