Friam Walang kibuan sa amin hanggang sa pagtulog, pareho kaming nakatalikod sa isa't-isa. Naalimpungatan ako dahil sa mahinang boses na nanggagaling sa balcony. Dahil maliwanag ang buwan, nakita ko si Hannah na nakatalikod sa balcony. At may kausap siya sa cellphone niya. "Mabuti naman at hindi ka nila naabutan."rinig kong sabi niya. "Huwag ka munang lalabas diyan." Bumuntong-hininga siya. "Alam kong malakas ka, kaya mong patumbahin ang mga tauhan ni Dad pero may baril sila. Isang putok lang nila, pwede kang mamatay." "Hindi kita tinatakot. Totoo ang sinasabi ko. Kilala ko ang Daddy ko." Natawa na lang ako dahil sigurado akong iyong lalake ang kausap niya. "I'm sorry."sabi niya matapos ang matagal na katahimikan. "Dahil saken--No,may kasalanan talaga ako sayo. Ginulo ko ang buhay