Risalyn "Risa, ok ka lang?"tanong ni Jona. Nasa counter ako ng mga libro at dito muna ako tutulong. "Oo, ayos lang a-"hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil humikab ulit ako. "Hindi ka ba nakatulog kagabi?"tanong niya, tumango naman ako. "Namamahay."sabi ko sa kanya. Kapag hindi ko talaga sanay ang isang lugar, hindi ako makatulog. Dahil feeling ko may multo. Tapos isang manipis lang na comforter ang hinigaan ko kasi nga wala namang kama o sofa sa locker room. "Itulog mo muna kaya."nag-aalalang sabi pa ni Jona. Umiling ako. "Makikita ni boss, minus points na naman ako."wika ko. "May gusto ka ba kay Sir Sean?"tanong ni Jona, hindi makapaniwalang tinignan ko siya. "Wala."eksaheradang sagot ko. "Maniwala."sabi ni Jona habang binibigyan ako ng mapanuring tingin. "Hindi ng