Yara Ilang ulit akong napalunok habang pinapanood si Dominic palapit sa akin. Anong gagawin ko? Utak, mag-isip ka. Alam kong bobo ka pero gumana ka. Bahala na! Umatras na ako, tumalikod ako at nagsimula akong tumakbo paalis. "Yara!" Ay bobo!Talagang sinagaw niya pa pangalan ko! Hindi ko alam kung saan ako patungo pero mas binilisan ko pang tumakbo. Utak, ano na?Anong susunod kong gagawin?Pagod na akong tumakbo. Luminga-linga ako sa paligid hanggang sa nakita ko ang daan patungo sa garden. Lumiko ako dun at binagalan ko narin ang pagtakbo ko dahil pagod na ako. Tsaka lang ako huminto ng makarating na ako sa medyo dulo ng garden. Sinapo ko ang bandang dibdib ko dahil hinihingal talaga ako. "Why are you running away from me?"napapikit ako ng marinig ko ang boses ni Dominic na kinak