Asha "Aba naman Frenie..Hiyang-hiya naman ang mga legal wife sa buong mundo sayo. Nagmamahal ka?E halos nonstop ka ng nagmamahal..Makalipas lang ng isang buwan na nakipaghiwalay ka sa mga ex mo may bago ka na ulit."patawang sabi ni Arlani. "Dahil mabilis akong maka-recover..At sobra naman yata ang isang buwan mo...Dalawang buwan kaya..."sagot ko sabay hilamos ng mukha ko.. Marahang tinulak ni Arlani ang ulo ko kaya muntik na akong sumubsob sa bathroom sink. "Nagawa mo pang magbiro...Ang sabihin mo uhaw at tigang ka lang talaga sa pag-ibig."pinatay ko ang gripo at hinarap siya. "Alam mo ikaw Arlani. Huwag kang magsalita ng ganyan kung isa ka ring martyr sa pag-ibig noon." Ang kaso, natuto na si Arlani sa mga lalakeng pera lang ang habol nila sa kanya tapos maiiwanan rin kaya eto pina