Hannah "Aalis na ba tayo?"tanong ko paglabas ko sa bathroom. Magmamasid parin kami kahit ang mga tauhan ni Friam ang kaka-usap sa supervisor. "Before we go, you change your clothes first." Bumaba ang tingin ko sa hawak niyang damit. "Huwag ka ng tumutol. Kailangan tayo makakatawag ng pansin sa mga tao." "Wala akong sinabi."saad ko sa kanya at kinuha ko na ang damit. Bumalik ulit ako sa bathroom at nagpalit. Tsaka rin ako lumabas. "Hindi na ba ako makakatawag ng pansin?" Tinignan naman niya ako. Nakasuot na ako ng jeans. "Masyado kang maganda para hindi makatawag ng pansin." Natawa naman ako sa tinuran niya. "Ang lakas mo talagang mambola."saad ko. "Hindi kita binobola."wika naman niya. "Oo na." "Isuot mo itong cap."sabi niya. "Ikaw ang magsuot niyan."balik ko sa kanya.